Chapter 8 : I'm Seya
"I'm sorry,Mrs. Ahn,pero kailangan ko na sabihin yung totoo sa kanya",matigas na sabi ni Cody tsaka ako hinila palabas.
"C-cody.."
Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.Tinawag ni tita si Cody na Ian.Anong ibig-sabihin nun? Ang gulo gulo! Hindi ko na alam ang nangyayari..ano ba talaga ako? sino ba talaga ako?
"Ian--or Cody,alam mong may meeting pa",pagpigil ni tita.Naramdaman kong lumuwag ng onti ang pagkakahawak ni Cody sa akin.Tinitigan ko ito.
Kamukhang kamuka niya si Ian.Pati yung mga mata nya,berde katulad ng nasa panaginip ko.
Pero hindi ko dapat pinupuri ang itsura nya ngayon.Dahil sa kanya naguidance kami,nabigyan ko ng sakit sa ulo si Ferry,naistorbo ko si tita Marcelia! Hindi tama ito! Dapat matagal na akong lumayo kay Cody..
"Bitiw",mahinahon kong utos kay Cody,ngunit tinitigan lang din niya ako."Ang sabi ko,bitiw! Wala ka nang ibang ginawa kundi guluhin ang buhay ko! Bitiwan mo ko!",kung hindi niya ako binitawan ay baka naiyak na ako sa galit.
"Sorry",tuluyan siyang bumitaw atsaka lumabas ng room.
"Tara na,hinahanap na tayo ng adviser nyo",ngumiti si tita Marcelia sa akin.Medyo gumaan gaan na din ang pakiramdam ko kaya sinundan ko nalang siya.
|¦¦|
"I am very sorry.Wala silang matibay na ebidensya na nagsasabing hindi sila ang nanggaya ng gawa ng kabilang grupo.",paliwanag ng teacher namin na nagpa-init ng ulo ko.
"Mawalang galang na ho,pero wala din namang ebidensya yung kabilang grupo na kami ang nanggaya.",naikuyom ko ang mga kamay ko sa pagpipigil ng inis.
Magpapataw siya ng suspension sa grupo namin pero parehas kaming walang matinong ebidensya?! Aba! Anong klaseng school ito?
"I agree with what she said",sagot ng nanay ni Cayla."I demand to investigate this issue first before you suspend their group.Hindi pwedeng basta basta kayong nagsususpend ng bata."
Huminga nalang ako ng malalim.Parang wala na din kaming magagawa.Yung leader nila Cody..si Faye,malakas ang kapit nun sa school.Sigurado akong kinuntyaba nya ang adviser namin.
Magsasalita pa sana ang adviser namin pero biglang bumukas ang pintuan ng office.Iniluwal nito si Faye,na tila namumutla.Nanginginig din ang mga kamay nito.
"Ma'am..",pag-agaw nito ng pansin sa lahat ng nasa office."Ako po ang may gawa ng lahat.Hindi ko po pinaalam sa grupo ko na kinuha ko lang ang idea ng kabilang grupo.Kaya ang akala po nila ay sila Cayla ang nangopya,sorry po ma'am",mangiyak ngiyak nitong paliwanag.
"Kung ikaw ang nanguha ng idea,anong ginawa ni Mr. Johnson sa bahay ni Mr. Abad?",pagtataka ng adviser namin.
Naguluhan din ako sa sinabi niya.Kung siya ang nangopya? Kailan? Saan? Tsaka paano? Anong ginawa ni Cody kila Kyle nun?
Kung iisipin kasi,si Cody lang talaga ang pwedeng maging suspect sa nangyari kasi sya lang ang nakakita ng idea namin.Ang gulo!
"Nung nagpaplano po sila ng idea nila,narinig ko po iyon at naisip na magandang gawin yung naisip nila.Kaya ni-claim ko po na ako yung nakaisip nun.Si Cody naman po...hindi ko alam na pumunta sya kila Kyle noon.",paliwanag pa ni Faye.
Gustong gusto ko siyang sabunutan.Nanggigigil ako sa mukha niya.Paano niya nagawang kopyahin yung gawa namin? Akala ko ba matalino sya? Hindi naman mahirap para sa kanya na mag isip nalang din ng mas magandang idea.
"Then..everything is clear. I'll call your parents later to discuss what punishment will you receive.",hinarap niya kami."I'm very sorry for what I did.Gagawin ko nalang uling perfect ang score nyo bilang pag-hingi ng tawad sa mga iniakto ko.I'm really sorry",paghingi nito ng paumanhin.
|¦¦|
Natapos yung meeting at nakakuha kami ng perfect score.Medyo naguilty lang ako kasi pinagdudahan ko si Cody.Gusto ko siyang hanapin,gusto kong mag-sorry sa kanya.
Sa tingin ko ay galit pa din iyon sa akin,kaya pumunta nalang ako doon sa lugar kung saan nya ako laging hinahatak.Hoping that he'll be there.
At parang gusto talaga ng tadhana na humingi ako ng tawad sa kanya,kasi nandoon nga si Cody.Mukhang problemado atsaka nakita ko ding parang ang lungkot lungkot niya.
"Fiona,alam kong andyan ka",nagulat ako ng bigla syang nagsalita,habang nakayuko.
"Uhm,Cody,listen..",nagulat ako kasi parang gusto ko syang kausapin in English.Pano kasi,lagi syang nag eenglish pag kausap niya ako."Alam kong maling magbintang sa tao,gusto ko sanang mag-sorry."
"No,it's okay,ako dapat ang magsorry sa iyo.",sabi niya na ipinagtaka ko.Bakit naman siya magsosorry sa akin?
"Si Faye pala ang gumawa nun,hindi ako makapaniwala.Ang akala kasi talaga namin ay ikaw ang kumuha ng idea namin",nakita ko siyang nagpipigil ng ngiti.Ang weird niya."Pero nagtataka ako,bakit bigla bigla nalang siyang nagsalita? May tumakot ba sa kanya?"
Napaupo nalang ako sa tabi niya dahil sa pagod.
"Actually,alam kong sa inyo talaga yung idea",bumalik ang inis ko.
"At bakit wala kang ginawa?!",sigaw ko.Pumunta ako dito para magsorry sa kanya,pero naiinis ako!
"Akala ko ba masamang magbintang sa tao?",naguilty ako."I saved you for your information,and uhm,you're welcome",sabi nito na parang nagyayabang.
"Anong ibig mong sabihin?",nagtataka kong sabi.
"Alam niyang nagnanakaw ka,at sinabi niya sa akin na kapag nagsumbong ako ay ipapaalam niya sa lahat ang ikinabubuhay mo.",mas naguilty ako.Ansama sama talaga ng ugali ko! "Kaya hindi ako nagsalita,buti nalang at umamin siya."
Sumimangot nalang ako sa dami ng nalalaman ko ngayong araw.Sobrang nakakagulo ng utak!
'Ian'
Bigla kong naalala yung pangalan na sinabi ni tita kanina.
"B-bakit ka pala tinawag na Ian ni tita?",tanong ko,hindi ko alam pero kinakabahan ako.
"Come on,alam kong naaalala mo ako.What you're thinking is right,ako si Ian.",lumaki ang mga mata ko.Siya talaga yun? As in? Yung gwapong magnanakaw na nagbago dahil kay Seya?
Nananaginip ba ako?
"Kung naguguluhan ka,remember that Lion thing that punished the both of us?",familiar..
Ah! Yung unang panaginip ko tungkol kay Seya! Kung pano siya namatay..
"That fucker punished me by not letting me die.Kaya buhay pa din ako after...a hundred decades,I guess? If you think that's cool,nah.It is a whole damn nightmare.Sobrang sakit makita na namamatay yung mga kamag-anak mo at ikaw hindi.Mas masakit pa dahil nawala ka sa akin..",biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Anong ibig mong sabihin?",naguguluhan ako,hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala.
"Ikaw si Seya,the crazy thing is..sobrang kamukha mo siya dati.Hindi ka lang nag reincarnate,parang nabuhay ka ulit.Alam mo bang kailangan kong mag-aral ng tagalog noong nalaman kong dito ka isinilang? Sobrang saya ko noon,not until nalaman kong kaibigan mo si Louie..",he became angry all of a sudden.
"Anong mayroon kay Louie?",tanong ko.Don't tell me...
"He's the--",naputol siya ng biglang may lumitaw sa harapan namin.
"Aww,pinaguusapan niyo ba ako?"
BINABASA MO ANG
a good day to reincarnate ┊湊崎 紗夏
Mystery / Thriller❝ What would you like to be in your second life? Do you want to be a better person? ❞ ---- ░ m.sana fanfic ░ a good day to reincarnate © April 2020