"Wow,the wind here was really nice",the tree where Ian and I used to sleep is now my favorite place in the palace.
I love how refreshing the view is,up here.The both of us bonds here together.There's even a time when I brought Mrs. Seon and Yuri here,we had a nice meal.
I looked up at the tree while smiling.I can clearly remember all of the good memories here.I just hope we won't have a bad memory here.
|¦¦|
Nagising ako sa amoy ng pagkain.Hindi ko alam kung kanino galing iyon pero sobrang sarap talaga ng amoy.Parang natikman ito ng mga ilong ko.
Doon ko napansin na breaktime na pala.Magtataka sana ako kung bakit hindi pa ako ginigising ni Louie,kaso naalala ko na galit pala siya sa akin.
Kanina nagdabog siya sa canteen at feeling ko napahiya ako sa lahat ng tao.Masyado kasing maissue yung mga tao dito.
Naiisip ko yung mga tumatakbo sa utak nila habang pinapanood kaming dalawa ni Louie.
'Nag-away kaya itong magjowang ito? Buti nga'
Hayst! Hinding-hindi ko magugustuhan yung siraulong yun.Tinatanong ko siya ng maayos tapos bigla bigla siyang sisigaw at aalis? Aba,tama ba yun?!
Naiinis na inayos ko ang buhok ko.Tumingin na din ako sa camera ng cellphone ko para tingnan kung may muta ba ako sa mata.Mahirap na,baka may makakita at asarin ako.
Wala ako sa mood para makipag-talo sa kung sino mang gustong mang-asar sa akin dahil sobrang naiinis pa din ako sa nangyari kanina sa canteen.
"Hoy Fiona,kumain ka na",narinig ko si Ferry,may dala dala siyang siomai rice na binili niya.Agad ko itong nginitian."Asa ka,hindi sayo toh.Bumili ka ng sarili mo! Hindi yung patulog-tulog ka lang dyan",inirapan ko siya sa inis.
Naalala ko,nanaginip na naman pala ako tungkol doon sa puno na iyon.Ano bang meron dun? Kailangan ko bang hanapin iyon at puntahan para mag-alay ng kandila or something?
Baka may nagpaparamdam na multo sa akin.Baka gusto nito akong makita sa harap ng puno na iyon.Hala! Baka yung Ian yung nagpapapunta sa akin?
Wait,dapat idinodrawing ko yun eh.Pero hindi ko na naman maalala yung mukha ni Ian at ang tanging naaalala lang ng utak ko ay yung mga detalye ng punong iyon.
Pag tumingala ka ay mapapansin mo na mayroong puting ribbon na nakatali doon sa isang sanga.Nakatali iyon doon sa pinaka-mataas na parte ng puno.
Sobrang laki din nito na parang nagmumukha siyang narra.Pag naiisip ko yung itsura nun ay parang gusto ko nalang humiga sa ilalim nun at kalimutan lahat ng problema sa buhay ko.
Kinuha ko yung sketchbook at tiningnan isa-isa iyong mga naidrawing ko na.
Una kong nakita ay ang itsura ni Mrs. Seon.Grabe,sobrang ganda niya! Nagtataka nga ako kung paano siya nagkaroon ng asawa.Sobrang bata niyang tingnan,mukha nga siyang dalaga eh.
"Ang swerte swerte ng asawa nito"
Nakita ko yung note sa ilalim non.Naaalala kong naisulat ko iyon.Noong gabi kasi na napanaginipan ko siya ay nagkukwento siya about sa asawa niya.
Mabait naman daw iyon,mapag-mahal din.Palagi daw akong ikinukwento ni Mrs. Seon sa kanya at isang araw daw ay gusto akong makita nito.
Sunod kong nakita ay ang itsura ni Yuri.Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung parang pinuno nung mga guards doon sa palasyo nila.
Napanaginipan ko din na nagkukwento siya tungkol sa palasyo noon.Andami niyang sinabi sa akin at sobrang nakakaaliw siya magkwento.
Wait..
BINABASA MO ANG
a good day to reincarnate ┊湊崎 紗夏
Mystery / Thriller❝ What would you like to be in your second life? Do you want to be a better person? ❞ ---- ░ m.sana fanfic ░ a good day to reincarnate © April 2020
