Chapter 3 : Real...Me
"Hoy,gising! May gagawin pa tayo",ngayon ko lang na-realize na nakatulog pala ako habang papunta kami sa bar.
"Sorry na,pagod ako sa school eh",pag-hingi ko ng paumanhin.
"Pagod eh hindi ka naman nag-aaral ng maayos,tigilan mo ko Yona",sumimangot na lang ako.
Tinatawag niya akong Yona kapag may gagawin kaming masama oh ano.Hindi kasi niya ako pwedeng tawaging Fiona dahil baka mahuli kami.
Hindi malayo yung nickname ko sa pangalan ko,pero hindi naman na daw iyon problema basta't hindi ko babanggitin ang mga pangalan namin.
Bigla kong naalala yung napanaginipan ko.Masyadong mahaba iyon para sa idlip.Paano ko iyon napanaginipan kung ang onti lang ng tulog ko?
Isa pa,masyado itong nakakadugo ng ilong.Hindi ko narinig na nagsalita ng tagalog yung mga tao sa panaginip ko.Pero yung itsura nung lalakeng nagnakaw,familiar siya sa akin.Parang nakita ko na din siya or something.
"Wear your mask",utos ni Ferry.Aba,isa pa toh.
Pagkapasok ay agad kaming nag-hanap ng upuan.Kung didiretso kaming magnakaw agad-agad,masyadong obvious iyon.
Kailangan ay natural lang ang mga kilos namin.Isang pagkakamali lang kasi ay baka sa kulungan kami matulog.Atsaka matagal-tagal na namin itong ginagawa.Madali nalang ito para sa aming dalawa.
Tiningnan ko si Ferry para senyasan siya kung may nakita na ba siya.At nakatingin siya doon sa babaeng sumasayaw doon sa gitna.
Base sa mukha at tangkad nito,parang college na din ito.Puno din ng pampakintab ang suot nito ay mukhang yayamanin.Yung bag naman niya ay iisa lang ang zipper,at madali iyong mabuksan.
Medyo tanga siya sa part na iyon.Alam niya bang madali lang namin siya manakawan? Kawawang babae,target tuloy siya ni Ferris wheel ngayon.
"Sasayawin ko siya,tas dadalhin ko doon sa bandang madilim,alam mo na ang gagawin mo.",susundan silang dalawa,mandidiri sa sayaw nila,bubuksan yung bag,kukunin yung wallet,boom.Matalino ako dito.
Nauna akong tumayo para sumayaw sayaw na din atsaka para hindi halatang sinusundan namin ang isa't isa.Nagkunwari din akong medyo lasing tapos pumunta doon sa mas madilim na part.
Matao pa din dito kaya hindi masyadong halata.Dito ko nalang sila iintayin.
Dito ko napansin yung saya nung mga taong nasa paligid ko.Nainggit ako kasi parang andali dali lang ng buhay nila.Hihingi lang sa parents nila,tapos charan,andito na sila sa bar.Tamang party lang,tamang paglalagas ng pera.
Ganoon na ata kami kahirap.Pati ang simpleng pagsasaya ng mga tao dito ay kinakainggitan ko.Hindi niyo rin naman ako masisisi,pinagkaitan kami ng pera eh.
Noong bata kami hindi naman kami ganito kahirap.May matinong trabaho ang tatay namin at mataas yung posisyon niya dito.Si mama naman,sobrang bait,hindi siya nagkulang sa pagsasabi na mahal niya kami.
Pero minsan lang namin nakikita si papa,nalaman nalang namin na may babae pala si papa.Iniwan niya kami.Sa sobrang lungkot ni mama,nagpakamatay nalang siya.
Syempre nagalit ako sa kanilang dalawa,pero anlaki ng galit ko kay mama.Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi pagpapakamatay ang solusyon.Parang tinakasan niya lang lahat ng responsibilidad niya bilang ina.Hindi dapat siya nagpaapekto ng ganoon kay papa.
Hindi ko din mapigilang isipin na sobrang pabigat lang kami sa kanilang dalawa noon kasi hindi nagdalawang isip si mama na iwanan kami ng kambal ko.
Naramdaman ko yung panunubig ng mga mata ko kaya pinunasan ko agad iyon.Doon ko napansin na papunta na pala sila Ferry dito.
"We can make out here if you want",malanding sabi ng babae.Gusto ko siyang kutusan.
"I'd love to",at halos maduwal ako sa sinabi niya.Dapat matagal na akong nasasanay dito.Pero nakakadiri pa din pakinggan.
Tumawa naman yung babae na parang sobrang satisfied siya sa sinabi nung kambal ko.Asa siya! Hindi siya type ni Ferris Wheel.
Napansin ko na hinawakan ni Ferry yung balakang nung babae habang gumigiling giling yung babae.Nakataas pa yung mga kamay.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanilang dalawa para gawin yung trabaho ko,pero biglang nagsalita yung babae.
"We should get a room,ako na ang bahala",she said.At gusto niya talagang masolo yung kambal ko? HAHAHA sorry pero never iyon mangyayari.Jusmiyo marimar.
"Maybe later? I still want to dance with a goddess like you",muntik na ako matawa nung ngumiti ng sobrang laki yung babae.
Nakakadiri silang dalawa,ansarap nilang pag-uuntugin!
"Yeah,I should obey a handsome man like you..punish me instead master",masusuka na sana ako sa sinabi niya pero..
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko,hindi ko alam kung bakit.
Hindi sa nagseselos ako ah,eww!
Pero feeling ko narinig ko na iyon,I mean,narinig ko na yung word na 'punish' dati,pero feeling ko talaga may mabigat na meaning yun.
Alam niyo yung deja vu?
Basta ganoon yung feeling.
Pero hindi ko nalang pinansin iyon,nakita kong distracted iyong babae kaya sinimulan ko na yung totong pakay ko.
Dahan-dahan ko uling nilapitan yung dalawa tsaka sinubukang abutin yung bag nung babae.
"ARE YOU READY TO PARTYYYYY?!",muntik na akong mahimatay sa gulat.Agad akong lumayo sa kanilang dalawa.
Punyetang DJ toh! Bigla biglang sumisigaw!
Dahil sa sinabi niya ay nagsi-talon talon yung mga tao sa paligid namin.Pati silang dalawa.Hindi ko alam kung natutuwa si Ferry or sinasakyan niya lang talaga yung babae.
This one should be a piece of cake for the both of us,kaya bakit kami natatagalan?
Nagsisimula ng maubos ang pasensya ko pero buti nalang ay mabilis na nagpalit ng music yung DJ.Medyo mas nakakakalma na ito ngayon,pang couple yung music,something romantic,basta iyon!
Kaya back to business,inabot ko yung bag noong babae,dahan-dahan kong binuksan yung zipper noon,madali kasing manotice kapag mabilis na hinila ang zipper,kaya nag-iingat ako.
Nakita ko na iyong pinupuntirya kong wallet,pero biglang may humila sa akin.
Hindi ko marinig yung tugtog sa loob ng bar sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.May nakahuli ba sa akin? Dadalhin niya ba ako sa kulungan?
Tiningnan ko yung kambal ko para sana senyasan siya na tulungan ako,pero mabilis akong nahila ng kung sino man ito palayo sa kanilang dalawa.
"Sabi ko na dito kita makikita eh",sabi nito at niyakap ako."Wag mong gawin,please Sey-- Fiona."
BINABASA MO ANG
a good day to reincarnate ┊湊崎 紗夏
Mistério / Suspense❝ What would you like to be in your second life? Do you want to be a better person? ❞ ---- ░ m.sana fanfic ░ a good day to reincarnate © April 2020
