Pagkalabas na pagkalabas ko ng airport ay bahagya akong napangiti habang nakatingin sa paligid.
"Nandito na 'ko," bulong ko sa sarili ko. Tumingin ako sa langit na hindi naaalis ang ngiti sa labi ko. "Nandito na 'ko, Ali."
Muli kong pinagmasdan ang paligid bago binitbit na ang mga dala kong bagahe. Nakaabang na sa 'kin sa labas 'yong driver na inupahan ni Tito Peter para sa 'kin. Tinulungan na niya 'ko sa mga bagahe ko at dumiretso na kami sa hotel na tutuluyan ko rito.
Tatlong araw rin akong mananatili rito sa Canada para magbakasyon at magliwaliw. Isa pa, gusto kong tuparin ang pangarap ni Ali noon pa. Gusto niyang makarating dito sa Canada. Gusto niyang makapag-uwi ng maple leaf. At gusto niya ring maranasan ang snow. I want to fulfill her dream.
Gabi na rin nang makarating ako sa hotel kung saan ako mananatili sa loob ng tatlong araw. Nang tuluyan akong makapasok sa kwarto ko ay napahanga ako sa laki at ganda no'n. Ito raw ang pinakamahal na kwarto rito sa hotel. Si Tito Peter mismo ang nag-reserve nito para sa 'kin dahil kaibigan niya raw ang mismong may-ari nitong hotel. I didn't want to accept it at first but he insisted. He said he's doing it for Ali.
Nilibot ko ang buong kwarto hanggang sa makarating ako sa isang malaking bintana sa may tabi ng kama. Hinawi ko ang kurtinang nakatabing do'n at muli na namang napangiti sa ganda ng tanawin. Kitang-kita ang ganda ng buong Canada mula rito.
"Sana nakikita mo 'to ngayon, Ali," muli kong bulong. "Sana kasama kita ngayon dito."
If you only you were here.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ang sabi sa 'kin ni Tito Peter ay may ipapahiram daw sa 'kin na kotse ang may-ari nitong hotel para raw hindi hassle ang paglilibot ko. Ginamit ko 'yong kotse na 'yon papunta sa lugar kung saan gustung-gustong puntahan ni Ali noon pa.
Naglakad ako sa ilalim ng mga puno. May mga mangilan-ngilan ding mga tao ang naglalakad kasabay ko. 'Yong iba ay kasama ang pamilya nila, mga anak, 'yong iba naman ay kasama ang mga kapareha nila.
Kung nandito ka lang sana, Ali. Sana kasabay kitang naglalakad ngayon dito.
Tumigil ako sa harapan ng isang puno saka tumingala. "Sayang, winter ngayon. Hindi ko naabutan ang maple leaf, Ali, pero babalik ulit ako rito. Tutuparin ko 'yong isa mo pang pangarap na makapag-uwi ng maple leaf kagaya ng napanood mo sa Goblin. I'll give it to you, I promise."
Bahagya akong natawa nang maalala ko kung gaano siya kaadik sa mga kdrama. Goblin ang paborito niyang kdrama sa lahat kaya ginusto niyang makapunta rito sa Canada.
Naglibot-libot pa 'ko sa kung saan-saan hanggang sa mapagod na 'ko at magpasya nang bumalik ng hotel.
Habang nagmamaneho ako pabalik ay biglang umulan ng snow. Napatitig ako sa bawat patak ng snow sa labas.
Ibinaba ko ang bintana ng kotse ko at bahagyang inilabas ang kamay ko para sambutin ang mga snow na pumapatak. Doon nagbalik lahat sa alaala ko noong unang beses ko siyang makita at makilala.
The day that I met her... was the day I wanted to repeat again and again even though I already know the ending.
BINABASA MO ANG
Reach The Stars (EDITING)
Romance[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in this silence where she lives. He was an artist. He has an amazing gift. He could see shades within shad...