Chapter 25: Moment of Truth? or What?

251 13 10
                                    

Lean's POINT OF VIEW

So porkit nanalo lang ako sa scrable hindi niya na ako papansinin?! Ganun ba talaga siya ka boplaks?! Grabe yun ah! Napahiya pa tuloy ako! Paano naman kase, sinabi niya sa akin kapag once na nanalo daw siya sa scrable, mag de-date kami. Eh ako ang nanalo, tapos biglaan nalang hindi namansin! Ang cold niya pa. Hindi niya na sinasabi na Wifey, Mahal, Asawa ko! Wala nang ganun! What the heck is going on with this guy?!

And now, I'm spying on him! Nandito siya ngayon sa Diamond Mall at sinusundan ko lang siya, pero alam kong hindi niya ako napapansin kasi diretso lang ang mukha niya at akala mo talagang may problema..

Napa tigil ako nang bigla siyang tumigil sa pag lalakad, at bago pa man ito lumingon, agad akong pumasok sa isang store!

"Ate may kailangan po ba kayo? Mag papasko na, itim na itim ang damit niyo?" Tanong ng isang babaeng nag tra-trabaho dito.

Ano ba ang pinasukan ko?

"Ate gusto mo makeover? Kailangan mo." Sabi nito sa akin..

Uhmmm.... Kapag nag make over ako, at sinundan ko si Lay, hindi niya aakalaing ako to. Okay..

"Okay, sure." Sabi ko sa kanya at pinaupo niya ako sa upuan at napaharap ako sa salamin.

"Now, since mahaba ang buhok mo at itim na itim, kukulayan natin siya nang brown okay? Tapos icu-curl natin." Sabi naman ng bakla. Nako! This better be worth it, virgin pa buhok ko!

Habang kinukulayan nila ang buhok ko, may dalawang babaeng nag bubunot ng kilay ko!

"Ang kapal naman ng buhok sa kilay nito!" Pasigaw na sabi nang babae.

"Aba! Ang saket kaya! Dahan dahan lang okay?!" Pasigaw kong sabi at grabe! Ang sakit ng ulo ko sa kakabunot ng kilay ko!

Ilang oras lang ay binanlawan na ang buhok ko't blinower, maya maya habang kinukulot ang ibaba ng buhok ko, minemake upan na ako ng dalawang babae.

"Now you look pretty.. Alam mo, maganda ka talaga, natural na. Kaso gamitin mo yung pag ka natural mo.." Bulong sa akin ng isang bakla.

"Eh kase naman, hindi ako mahilig dito okay?" Tanong ko sa kanya.

"Eh san ka mahilig? Huh? Gangster kaba para ganito ka mag suot?" Tanong nito.. Holy crap.

"Uhmm.." Sabi ko.

"Akin na ang pinaka magandang dress dito at shoes." Narinig kong sabi niya sa mga alalay niya at agad naman binigay sa kanya ang isang box..

Binuksan niya ito at pinakita sa akin ang isang pulang bistida. Tube siya at above the knee.. Sobrang napaka ganda!

"Suotin mo to dahil mas bagay pa to sa suot mo ngayon. Malapit na mag pasko ganyan ang suot mo? Ano kaya yun." Sabi nito sa akin at tinanggap ko naman ang damit.

Pumunta ako sa dressing room at sinuot ko ito. Akala ko maiksi yun pala sobrang iksi!! Lumabas ako at grabe, kumikinang na yung mga mata nila sa nakita nila..

"Marunong kabang gumamit ng high heels?" Tanong nung isa.

"Hehe.. Hindi.." Sabi ko dito.

"Bring her the red flat shoes!" Pasigaw na sabi nito sa mga tauhan niya at binigay naman sa akin yung flat shoes at sinuot ko naman ito..

"Meron kayong patong dito? Hindi ako sanay na walang patong eh.. Ayaw ko kasing makita yung likod ko." Pag papaliwanag ko sa kanya.

"Yeah, we have one." Sabi nito at siya na mismo ang kumuha. Mamaya maya lang ay pinasuot niya sa akin ang puting chaleko na may sleeves.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXO M - WERE AGENTS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon