Choices Chances Changes

18 1 0
                                    

isang linggo na rin ang nakalipas simula ng araw na nagka sagutan kaming dalawa ni nico .. masakit isipin pero kailangan kong tanggapin, mahirap sa umpisa ngunit kailangan kong ipagpatuloy pa.. magpapanggap nanaman ba akong wala na talaga? magpapanggap nanaman ba akong hindi ako nasasaktan sakanya?

hayy buhay, ang hirap naman maging tao dahil ang dami nating mga challenges na dapat pagdaanan at lagpasan..

kei: hey miss beautiful , whats that face?

kamila: wala naman po..

kei: nagsisi ka ba sa ginawa mo?

kamila: ginawang ano?

kei: ang paniwalain ang sarili mo na hindi mo na siya mahal at patuloy na makipag kaibigan saakin

kamila: sabi nga sa isang quotes "make a choice to make a chance and change your life"  siguro yun na lang ang pang hahawakan ko.. para magsurvive pa ako :)

kei: sabi din sa isang quotes "you've got to make the choice to take a chance if you want to change your life"

kamila: ni-rumble mo lang eh? hahaha iba ka talaga kei.. bakit nga ba ngayon lang tayo nagkita?

kei: gusto mong malaman ang sagot? sumama ka sakin bukas..

bukas? ee birthday ko bukas eh, hindi siguro alam ni kei yun.. pero sige sasama na lang din ako :)

-----------

nico: kamila, birthday mo pala bukas..

kamila: ohh nico nandyan ka pala..

nico: advance happy birthday.. eto ohh..

may iniabot syang isang kahon saakin, di ko alam kung bakit kinakausap nya ako ngayon pero sa tuwing tumitingin ako sa mga mata para akong nilulusaw ng mga iito..

kamila: sa.. salamat..:)

nico: sige, uuwi na ako. hinantay lang talaga kita para ibigay yan sayo..

-------

pagkapasok sa kwarto ko agad kong binuksan yung regalo nya para sakin, nung una napangiti ako kasi pagkabukas ko may chocolate  at may note na

" always wear a smile:D "

pagkatapos nun may isa pang envelope na nakabalot, kinuha ko at binasa

"hey best, matagal na rin kitang hindi natatawag ng ganun, sana kahit sa sulat man lang payagan mo akong tawagin kang bestfriend ko. nahihiya akong kausapin ka kaya dito ko na lang ibubuhos lahat ng gusto kong sabhin sayo.. sa mga oras na binabasa mo ito siguro wala na ako dito, sorry ha kung di ko man lang maabutan yung birthday mo, si mama kasi nagkasakit kaya kailangan kong pumunta ng states para bantayan si mama at tumulong kay dad..

Kamila please stop pretending.. I know na lahat ng pinapakita mo ngayon ay hindi na totoo,behind your smile there is sorrow, behind your laughter there are tears. I just want you to know that I will cherish you for the rest of my life because you offered me what I cant buy and that is your LOVE ..

when you feel alone just look at the spaces of your fingers and remember that in those spaces you will see my fingers locked with yours forever

-Nico "

di ko na mapigilan ang luha ko.. umiyak na ako ng umiyak.. bakit ba kasi ang manhid ni nico noon? bakit ba kasi kailangan nya pa akong saktan? tapos ngayon na gusto ko ng mag let go sa feelings ko for him chaka naman nya ipaparamdam saakin kung gaano nya ako kamahal..

pero tama si kei eh, kailangan kong gumawa ng desisyon para sa ikabubuti ko na rin .. kung kami talaga ni nico, magkikita pa rin kami hanggang sa huli ..

----------------------

kei: HAPPYBIRTHDAY!!!!! may gift ako sayo:)

kamila: alam mo na birthday ko ngayon?? hahaha salamat..

kei: para saan pa at naging stalker mo ako? hahaha.. buksan mo na dali :)

kamila:  O_o  bakit picture nating tatlo ni nico ang nandito?

kei: may tanong ka saakin kahapon diba? bakit ngayon lang tayo nagka kilala.. eto na yung sagot.. tignan mo lang tong picture na to, malalaman mo..

kamila: hala? ako ba si madam auring para manghula?

kei: pwede rin .. hahaha I told you, you've got to make the choice to take a chance

kamila: if I want to change my life ! memorize ko na po,                                                                                                salamat dito sa regalo mo ha? ang ganda sobra.. realy appreciated xD

itong si kei talaga di ko alam kung tunay na kaibigan oh panira sa lahat ng moments ko.. wahaha :D

Author's Note : parang ngayon pa lang po talaga ang uumpisa ng kwento kaya sana wag po kayong magsasawang bumasa :)  sya nga pala yung regalo ni kei para kay kamila na picture nasa ibaba lang po.. si nico ang nasa likuran ni kamila, at si kei naman po yung nasa harapan.. maraming salamat ^__^ ===================}}

PretendingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora