Plan 11

21 1 0
                                    


Halos isang linggo na ang lumipas simula nung pumunta kami sa boutique shop kaya ngayon sabado ay wala akong trabaho pati na rin bukas dahil week end kaya napag desisyonan ko nalang kunin ang mga damit na pinalabhan ko sa laundry shop sa baba ng gusali

"Magandang umaga po ate pwede ko na po bang kunin yung mga damit ko?" Tanong ko sa babae

" ah opo mam sandali lang at kukunin ko muna" umupo muna ako sa mga upuan nila para hintayin

"Ah eto na po mam salamat" tawag nya sakin habang inabot ang paper bag ng mga damit

"Salamat din po ate" saad ko at sya ka lumabas na

Agad ko namang inayos ang mga damit ko sa loob ng walk in closet ko ng sa wakas ay maka rating rin ako sa condo unit ko pag katapos kong malagay lahat ng damit sa loob ay agad akong lumabas ng kwarto ko at pumunta sa sala para sana manuod nalang ng tv ng mahagip ng aking mga mata ang isang jacket, ang jacket na pinahiram sa akin ni kenzo noong nasa rooftop kami ng building magkasama kaya agad ko namang kinuha ito

"Isusuli ko nalang to sa kanya kapag nagkita na kami ulit" saad ko sa sarili

"O hindi kaya ibigay ko nalang to sa kanya  mismo sa condo nya?"  Saad ulit sa sarili

Kaya naman napag desisyonan kong puntahan sya sa sa condo nya para ibigay ang jacket nya at sya ka mag pa salamat na rin sa pag papa hiram since nasa taas lang naman yun at alam ko na din kung saang unit sya

"Pano kung wala pala sya sa condo nya?" Tanong ko sa sarili ng makasakay na ako ng elevator agad naman akong lumabas ng nasa mismong floor na ako ng condo nya at lumapit sa pinto ng unit nya

Kakatok na sana ako sa pinto ng napag tanto kong bukas iyon kaya binuksan ko ito at hinay hinay na pumasok sa loob ng condo nya

"Wow ang ganda naman pala ng condo ng taeng yun" saad ko habang inilibot ang tingin sa loob ng unit nya at sya ka sinirhan ang pinto ng maayos

"Kenzo?" Tawag ko ng maka pasok ako ng tuluyan sa loob

"Kenzo?" Tawag ko ulit ng maka rating ako sa sala at tiningnan ang kitchen niya

"Sino yan! *cough*" biglang sigaw ni Kenzo sa loob ng isa sa mga kwarto ng condo nya

Kaya hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses nya at binuksan ang isa sa mga pinto

"Kenzo nandito kaba?" Tawag ko habang pinipihit ang doorknob para buksan

At ng tuluyan ko na ngang mabuksan ang pinto ay lumuwa sa akin ang kwarto ni Kenzo at doon ko sya nakita na naka higa sa kanyang kama habang balot ma balot ang katawan sa kumot kaya agad ko syang linapitan

"Ah Kenzo sorry bukas kasi yung pinto mo kaya pumasok nalang ako a-at ito pala yung jacket na pinahiram mo nung nasa rooftop tayo? Isusuli ko lang sana" saad ko sa kanya habang naka talikod sya sakin kaya nilapag ko sa side table ang jacket nya at sya ka nilapitan

"Kenzo okay ka lang ba?" Tanong ko ng nanginginig sya kaya linapitan ko sya at tiningnan

"Hala namumula ka Kenzo ano bang nangyayari sayo?" Tanong ko ulit pero hindi nya ako sinagot kaya naman nilagay ko ang likod ng aking kamay sa kanyang noo

"Hala tae ka ang lakas ng lagnat mo" saad ko nang napag tantong ang init init nya

"Papatayin ko muna ang aircon mo dito sa kwarto para di ka mas lalong lamigin" paalam ko sa kanya habang pinapatay ang aircon ng kwarto nya

The wedding plannerWhere stories live. Discover now