Plan 7

31 1 0
                                    

Habang dumadaan ang mga araw, linggo at buwan na paparating na ang kasal ay mas naging busy ang schedule ko at halos pa araw araw na ang pag alis para puntahan ang mga kaelangan para sa kasal

"Sgey kayo muna ang bahala rito at pupuntahan pa namin ang reception ng kasal at ang simbahan" bilin ko sa team ko

"Sgey madamshie gomora kana at kami nalang ang bahala dito" si Aivan

"Let's go?" Biglang pasok ni Kenzo sa opisina

"Oo sgey sgey kayo na ang bahala rito ha" bilin ko

"Oo sgy na Mam wag mo ng pahintayin tung gwapong nilalang rito" si Chloe

"Oo sgey aalis na muna kami" saad ko at syaka umalis na sa aking opisina

"Saan tayo unang pupunta?" Tanong sakin ni Kenzo ng makasakay na kami sa sasakyan nya

"Sa simbahan nalang muna tayo bago sa resort what do you think?" Tumango naman sya bilang pag sang ayon sa akin

Habang nasa byahe kami papuntang simbahan ay hindi ko maalis sa aking isipan kung ano ang mga pangyayari sa mga nagdaang buwan na halos kasama ko si Kenzo

Hindi naman pala sya suplado giit ko sa aking sarili ng napag tanto ko kung ano talaga ang kanyang ugali, sa bawat araw na nakasama ko si Kenzo ay unti unti ko nang tinatanggap sa aking sarili na mahal ko nga sya pero gaya ng payo ni doctora ay hindi ko pa nasasabi kay Kenzo kung ano ang nararamdaman ko ayaw ko kasing mawala kung ano ang meron sa amin ngayun na nasa mabuting kalagayan na ang pagkakaibigan namin naiintindihan ko naman na walang palalagayan ang nararamdaman ko kahit sa sabihan ko pa sya tungkol sa nararamdaman ay wala paring magbabago at ayaw kung magkaroon ng komplikasyon sa pagitan namin lalo na't ikakasal na sya halos ilang buwan nalang ngayon kaya pilit kong pinipigilan ang sarili ko ayaw kung mapagitna sa taong ikakasal na

"Ito naba yung simbahan?" Tanong nya sakin habang pina park ang sasakyan

"Oo sgey bumaba na tayo at para matignan na natin ang simbahan" sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang pagkaka seatbelt ko

"What?" Biglang humarurot ng tibok ang puso ko ng bigla nya akong pigilan sa pag alis ng seatbelt

"A-ako na"saad nya at tinanggal nga ang seatbelt ko at sya ka sya bumaba sa sasakyan at umikot para pag buksan ako ng pinto

Bat naging gentleman ito bigla? Napatawa naman ako sa sariling iniisip baka dahil wala ang fiance nya saad ko ulit sa aking sarili ng napagtanto ngang wala ngayon si Katelyn sa lakad

"Bakit pala wala si Katelyn?" Biglang tanong ko habang nag lalakad kami papasok sa simbahan

"Busy" simpleng sagot nya habang pilit kong inaayos ang sarili dahil hindi parin mawala sa aking sistema ang pasimple simple nyang galaw na nagbibigay na nang malaking epekto sa aking sistema

"Pwede bang wag mo muna syang isali sa usapan?"

"Tae ka magtatanong talaga ako syempre sya ang mapapangasawa mo"

"Okay,for now just focus on us okay?" biglang lapit nya sa akin at sya ka bumulong

"Tara" hindi pa ako nakaka recover dahil sa pag bulong nya sakin ay bigla nya namang kinuha ang aking kamay at hinigit papasok sa simbahan

"The church is nice" biglang tigil nya habang tinitingnan ang kabuoan ng simbahan

"Yes" saad ko nalang sa kanya bilang pag sang ayon

Malaki ang simbahan at walang gaanong tao sa loob napag disesyonan muna naming mag sindi ng kandila at sya ka naglakad papunta sa harap ng simbahan para magdasal, lumuhod na kaming dalawa para maka pagdasal at sya ka ko isinara ang aking mga mata

'Lord salamat sa lahat lahat wala na akong hihilingin pa sana gabayan niyo po ako sa pang araw araw at sana hindi mo po ako pababayaan ikamusta mo nalang po ako kay mama, lord nagmahal napo ako matapos ang halos 25 years lord nakita ko na ang taong mamahalin ko at ngayon pa na bumalik akong muli dito sa pilipinas pero lord alam mo tama si mama hindi sa lahat ng taong minahal natin ay hindi mapapa sa atin kagaya nya mahal ko sya pero hindi sya pwedeng mapa akin, pero kahit ganoon lord kahit mahal ko siya hindi ko sya pipilitin dahil bago ko pa tanggaping mahal ko sya alam ko na, na ako lang ang masasaktan dahil ikakasal na sya lord eh, alam kung may dadating pa na taong kayang suklian ang pagmamahal ko lord at wag kang mag alala hindi naman ako nagmamadali salamat po lord thank you so much'

Ngumiti muna ako bago tuluyang binuksan ang aking mga mata at syaka binalingan si Kenzo na nasa tabi ko lang na kanina pa pala ako tinitigan kaya agad kung iniwas ang aking mga mata at sya ka tumayo

"You done?" Tanong nya sakin habang nakangiti

"O-oo" naiilang kung sagot

"Tara" bigla syang tumayo

"A-ah k-k-kanina ka pa n-natapos?" Ilang ko paring tanong sa kanya

"Kanina pa" natatawa nyang saad

"Eh bakit di mo naman ako sinabihin para di ka na naghintay pa!" Sigaw ko sa kanya ng nakalabas na kami sa simbahan

"Im enjoying my view kanina eh" agad ko naman syang binatukan

"Tae ka!" Hindi naman sya sumagot pa at binuksan na ako ng pinto ng sasakyan at syaka umikot sya para makapasok na din

"Saan ba ang resort na yun?" Tanong nya habang minamaneho ang sasakyan

"Malapit na tayo" saad ko sa kanya habang tinuturo ang daan

"Mag lunch muna tayo" suhesyon nya ng makarating kami sa pier

"Wag na pagdating nalang doon sa resort"napa kamot naman sya sa batok nya

"Bakit?gutom ka na ba? Wala pa namang 12 ha?" Tanong ko sa kanya ng tiningnan ang orasan ko

"Hindi naman baka ikaw?" Tanong nya pabalik sakin

"Hindi pa naman tara na?" Anyaya ko sa kanya

Agad nya naman akong tinulungan sa pagsakay sa munting barko para papunta sa isla kung nasaan ang resort

"Paano tayo pupunta dun? Lalo na't marami ang tao sa kasal" tanong nya sa kalagitnaan ng byahe papunta sa kabilang isla

"Nag rent na kami ng yate para papunta sa kabilang isla"

"Mabuti naman it's not really comfortable here"

"Since meron namang total number ng tao na pupunta sa kasal naka renta na rin kami ng masasakyan papunta dun sa isla actually malake ang yate na napili namin"

"Mabuti naman" saad nya ng hindi na ako binalingan

Hindi ko na rin sinagot pa si Kenzo at itinuon nalang ang aking pansin sa crystal na dagat at sa along tumatama sa maliit na barko

"Let's go" napabaling naman ako sa kamay na nag abot sakin matapos ang halos sampung minutong byahe

Agad ko namang tinanggap ang kamay ni Kenzo sa kabila nang nag wawala kung puso

"Maganda ang isla" saad nya ng makatapak na kami sa mga puting buhangin nito

"Yes" sang ayon ko habang inilibot ang tingin sa paraiso

"Ang galing mo talagang pumili"

"Thank you ako pa"natatawa kung baling sa kanya

"Kumain muna tayo?"

" sgy tara gutom nadin ako" saad ko na ikinatawa nya

Pumunta na kami sa isa sa mga resort dito sa virgin island kung saan gaganapin ang reception ng kasal para doon na rin kami kumain ng aming tanghalian, naghihintay kami sa mga pagkaing in-order namin para makapag tanghalian na pagkatapos ng pagkain namin ay agad narin kaming umalis sa restaurant para tingnan ang resort at ang magiging reception ng kasal pati na din ang mga rooms na tutuluyan ng mga bisita ang ng bagong kasal, matapos ang pagtingin sa naturang lugar ay sumang ayon na rin si Kenzo sa nasabing reception, matapos ang mahabang araw ay napag disesyonan na namin ni Kenzo na umuwi bago pa kami madatnan ng gabi

The wedding plannerWhere stories live. Discover now