Plan 20

17 0 0
                                    

Kinabukasan nung papaalis na si Kenzo ay gusto ko na sana syang ihatid sa airport pero mas pinili niyang wag na akong sumama at baka raw mahihirapan siyang umalis habang nakatanaw ako sa pag alis niya, well baka hindi ko nga rin kaya siyang makitang papalayo sa akin

Sa mga nagdaang araw na wala si Kenzo ay parang ang bagal ng takbo ng oras para sa akin kahit pa man ay araw araw siyang tumatawag at nakikipag video call sa akin ay hindi ko pa rin maiwang ma miss siya, gusto ko syang yakapin ng mahigpit, gusto kung ibuhos ang pangungulila ko sa kanya sa limang araw gamit ang mahigpit kong mga yakap

At ngayon Limang araw na nga ang lumipas nang maka alis sa ibang bansa si Kenzo para puntahan ang branch nila doon

At ngayon nagmamadali na akong umuwi para pumunta sa condo niya since meron naman akong extrang susi ng condo niya, balak ko sanang ipag luto siya sa pag uwi niya balak ko kasing sorpresahin siya kaya excited na excited na akong pumunta dun para maghanda

"Ay madamshie dahan dahan naman ano baka matapilok kapa sa pagmamadali mo" saad ni aivan habang nagmamadali kung linigpit ang aking mga gamit

"Ay bes hindi ba obvious miss na miss na ni mam An si Sir Kenzo kaya nagmamadali" si Chloe naman

"Hindi nakontento sa call at video call mga beh" si Frances naman

"Ay bahala na nga kayo mga bakla at aalis na ako kayo na ang bahalang magsara nitong opisina ko" paalamko sa kanila

"Mam ano bang oras ang dating ni sir?" Tanong sakin ni Caren

"Mga 7PM ganun kaya sgy na aalis na ako at bibili pa ako ng mga sangkap para sa lulutuin ko" paalam ko sa kanila at tuluyan ng umalis

Bago tuluyang mag tungo sa tower ng condo namin ay dumaan muna ako sa isang supermarket para bilhin ang mga ingredients ng lulutuin ko para sa kanya mamaya at sa iba ko pang kakailanganin para sa plano ko

Para na akong baliw dahil sa laki ng aking ngiti buong oras na paghahanap ko sa mga kakailangang bilhin at habang tinutulak ang aking cart patungo sa cashier para bayaran ang aking mga pinamili

Nang matapos na ako sa pamimili ay agad kung pinaandar ang aking sasakyan at excited na pinatakbo ito patungo sa basement ng condo namin

Hindi ko maipaliwanag ang aking kaba habang hinihintay ang pagbukas ng elevator habang dala dala ang aking bag at ang dalawang plastic ng aking pinamili

Nang tuluyan ng tumunog ang elevator at bumukas ito ay agad na akong lumabas hindi pa man ako nakaka hakbang patungo sa pinto ng condo unit ni Kenzo ay tumunog na ang telepono ko

Mas lalo akong naging excited habang inilagay muna sa sahig ang pinamili habang hinahanap ang aking cellphone sa loob ng bag, iniisip na si Kenzo yung nag text sa kin

Tama nga ako dahil siya nga ang nag text sa akin pero parang nawala bigla ang excitement na bumalot sa akin ng mabasa ko ang kanyang mensahe

Kenzo:
      An wag muna tayong magkita ngayon baka bukas nalang may ginagawa pa kasi ako na importanting bagay... hope you would understand.

Kumunot ang aking nuo ng mabasa ang text niya dahil parang naninibago ako bigla sa paraan ng pag text niya sa kin

Pero kahit ganun ay itinuloy ko ang plano kung I surprise sya sa condo niya kaya naman binalik ko ang aking cellphone sa loob ng aking bag at muling kinuha ang pinamili ko at nagsimula ng maglakad papunta sa pinto ng condo niya

Hindi ko alam pero parang bawat pag hakbang ko ay mas lalo akong kinakabahan, hindi ko na alam kung excitement paba ang bumabalot sa aking sistema o kaba na dahil sa bawat hakbang na aking tinatahak papalapit sa kanyang pinto ay parang gusto kung umalis na lang at hindi ituloy ang surpresang gustong gawin

Ipapasok ko na sana ang susi sa doorknob ng pinto ng napagtanto kung bukas iyon  kaya naman binuksan ko ito at bahagya pa akong nakuryuso kung bakit bukas iyon habang wala namang tao sa loob

Inilapag ko ang aking bag sa sofa ng sala ng condo niya at dinala ang mga pinamili sa kusina para sana simulan ang paghahanda

Pero hindi pa ako nakakarating sa kusina ay narinig ko ang mahinang boses ng isang babae kaya bahagya akong sumilip sa loob ng kusina at bahagyang nanlaki ang aking mga mata dahil sa nakita

Wala akong ibang nagawa kundi tingnan silang naghahalikan sa may lababo

Hindi ko alam kung bakit ayaw mahulog ng aking mga luha at kung bakit hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan

Maybe I was too shocked to react because of what I saw, ang tanging nakikita ko lang ay ang nakapit na si kenzo at ang nakatalikod na babae na nasisigurado kung si Katelyn

Napapikit ako sa sakit dahil sa nakita habang  ang mga luha ay ngayoy nag uunahan na sa pag agos

Gusto ko silang sugurin, gusto ko silang sigawan, gusto ko silang saktan pero hindi ko yun ginawa pagod na ako masyado para lumaban pa

Walang buhay kung itinapon ang aking pinamili sa trash can na nasa harap ko at dali daling kinuha ang aking bag sa sala at walang ingay na lumabas ng condo niya

Hindi parin matigil sa pag agos ang aking mga luha habang dali dali akong sumakay sa elevator papalayo sa kanila

Kaya pala ayaw niya akong makita ngayon dahil magkasama sila ni Katelyn at si Katelyn ang tinutukoy niyang importante niyang gagawin

Makikipag balikan na ba sya kay Katelyn? Na realize niya ba na mahal niya pala si Katelyn habang nasa ibang bansa siya? Where do I go wrong? Ginawa ko naman ang lahat pero bat niya parin ako iniwan.

Anong ginawa ko para masaktan ako ng ganito?

Mas lalo pa akong humagulhul ng makapasok na sa loob ng sasakyan, their kissing scene keeps on replaying on my mind, parang sirang plaka na bumabalik sa aking isipan

Napag desisyonan kung i text si Chloe na pupunta ako sa kanila after what happened ayaw kung makita muna si Kenzo

To chloe:
      Cloi papunta ako sa inyo please I need you.

Type ko at isinend ito sa kanya sunod ko namang hinanap ang pangalan ni Kenzo sa aking log book

To Kenzo:
       Let's stop this, don't try to find nor contact me... let's just pretend na walang namagitan sa atin kahit kailan and let's just act like we don't know each other.

Mas bumuhos pa lalo ang aking mga luha habang tinitipa ang mensahe ko para sa kanya bago tuluyang I off ang aking cellphone at simulang pa andarin ang sasakyan

We need to accept the fact na hindi talaga tayo para sa isa't isa

You're not worth for my tears yet umiiyak parin ako at nasasaktan ng paulit ulit dahil sayo

Napatawa ako ng mahina dahil sa sariling na isip

'Ikaw sana yung i s-surprise ko pero mukang ako ang na surprise sa ginawa mo'

The wedding plannerWhere stories live. Discover now