Plan 24

18 0 0
                                        


Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko na patawarin at tanggapin muli si Kenzo, wala naman sigurong masama kung bigyan ko sya ng pangalawang pagkakataon

Kasalukuyan akong naghahanda sa kusina para magluto ng agahan habang mahimbing pang natutulog sa aking kama si Kenzo, ng tumunog bigla ang doorbell ng aking condo unit wala naman akong inaasahang bisita

"Anong ginawa niyo rito?" Bahagya akong nagulat ng napagtantong sino yun ng mabuksan ko ang aking pintuan

Isinara ko ulit ang pinto ng pumasok lang sila at linagpasan ako, hindi sinasagot ang aking tanong

"Anong breakfast niyo madamshie nagugutom na kami" dinig kong tanong ni aivan galing sa kusina

"Bakit ba kasi kayo nandito?" Tanong ko sa kanila

"Eh Mam kailangan naming malaman kung anong nangyari kahapon" si Chloe

"Ang tibay niyo rin ano, ang aga niyo kung maghanap ng chismis" inirapan ko sila

"Ay mam hindi naman kasi namin alam na sa isang halik lang sayo ni Sir ay bibigay ka na"si Frances

"Ay sino ba naman ang hindi bibigay noh, ano kayang feeling ng mga malambot niyang mga labi" hagikhik ni Caren

"Mam nagpaliwanag ho po ba siya sa kung ano ang nangyari?" Si Margaux

"Oo hinalikan siya ni Katelyn tinulak niya naman daw hindi ko alam"

"Ay malandi naman talaga yang higad na yan ano" si Alliana

"Wag na nating pag usapan yun tapos na yun kalimutan na natin" ani ko

"Ay madamshie ano yun past is past never discuss eh hindi ka pa nga nakakaganti sa higad na yun" si aivan habang inaayos ang mga pagkain sa mesa

"At gutom na gutom ka na rin pala ikaw patung naghanda niyang agahan" natatawa kung usal

"Super madamshie ang aga kaya naming pumunta rito 7AM pa ano nakakaloka, oh sgy umupo na kayo rito at kakain na tayo" tawag niya samin

"Kung makatawag ka naman bakla mukang ikaw tung may ari ng bahay" si Chloe

"Hindi niyo pa ako sinasagot ano nga ba kasing ginagawa niyo rito"Tanong ko sa kanila habang nagsisiupuan na sila sa mesa

"Ay madamshie gaya ng sabi namin curios lang kami sa nangyari at nag alala kami sayo dahil baka umiiyak ka na naman ng balding balding luha" upo ni aivan sa upuan ng mesa

"Gaga ka" natatawa kung usal

"Halikana mam at kakain na tayo" tawag nila sakin

"Wait lang-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lahat sila ang napanganga dahil sa kung anong nakita

"Omaysharap!" Parang tumutulo ang laway ni aivan dahil sa nakita

"Can I have that eight pack pandesal"malanding usal ni chloe habang tutok na tutok ang mga mata sa aking likod

"Am gwapo" saad pa ng iba

Agad kung tinignan kung sino yung nakita nila sa likod at parang lumuwa ang aking mata dahil sa nakita

Ang kanyang magulong buhok at ang papikit pikit pa nyang mga mata na halatang kagagaling lang sa tulog at ang katawan niyang walang ibang saplot kundi ang kanya lang boxer na tinatakpan ang kanyang makamandag na ahas

The wedding plannerWhere stories live. Discover now