Nagising ako kinabukasan na pagod na pagod ang katawan at mugtong mugto ang mga mata kasabay ang sobrang sakit ng ulo dahil sa hang over kagabi
Pinili ko nalang na dito matulog sa bahay nina Chloe pansamantala dahil nasisigurado nilang nasa condo ko si Kenzo at naghihintay sa pagbalik ko
"Mam An sigurado ka po ba na papasok ka ngayon baka di mo pa kaya?" May bahid na pag alala na tanong ni chloe
"Oo para namang nagkasakit ako at kailangang hindi pumasok sa trabaho" natatawa kung tugon
"Ah sgy mam bumaba nalang kayo mamaya para sabay na tayong pumasok"
"A-ah Chloe thank you pala sa pagpapatuloy sakin at sa pagpapahiram ng damit mo" nahihiyang saad ko
"Ah sus wala yun mam" nginitian niya ko bago tuluyang lumabas sa kwarto
I need to save my pride now lalong lalo na't sa sitwasyon ngayon ayaw kung makita pa si Kenzo
The wound is too fresh to be heal
Madali akong nag ayos dahil ayaw ko namang pag intayin si Chloe sa baba at mabuti naman dahil kasya sakin at fit ang damit na pinahiram niya sakin para sa trabaho
"Tara na?" Tanong ko sa kanya ng maka baba
Agad naman syang tumango at naglakad na papalabas ng bahay
"Ah mam dadalhin mo po ba ang sasakyan niyo?" Tanong niya sakin
"Oo wag kang mag alala I can manage" ngiti ko sa kanya at sumakay na sa loob ng kotse
Habang nasa kalagitnaan ako ng byahe papunting opisina ay hindi ko mapigilang isipin ang mga katagang binitiwan ni Kenzo sa akin noon
'You're mine'
"Liar!" Saad ko habang nagmamaneho
'Pinili kung mahalin ka'
"Liar!" Sigaw ko
'I chose not to leave you behind cause I love you'
"No you don't liar!" Naiiyak kung saad
"Hindi ko kayang mawala ka'
"Nawala na nga ako at nakaya mo liar!" Nahuhulog na ang butil ng mga luha sa aking mata
'Koishiteru, I love you, I love you more than you do An, mahal na mahal kita'
"N-no y-you liar!" Umiiyak ko ng sigaw
Matapos maipark ang aking sasakyan sa basement ng kompanya ay hindi ko mapigilang umiyak muna sa loob
The pain he caused is too much to handle!
Pagkatapos ang ilang minuto sa loob ng sasakyan ay inayos ko ang aking sarili at nagpapasalamat na hindi ganoon ka obvious na umiiyak ako ng tingnan ko ang aking mga mata sa salamin bago tuluyang lumabas sa sasakyan at nagtungo na pataas sa opisina
"Mam bat natagalan ka?" Tanong agad sakin ni chloe ng makapasok ako, well magtatanong talaga sya dahil sabay naman kaming pumunta rito
"Ah nag comfort room lang ako saglit bago dumiretso rito" saad ko at tuluyan ng umupo sa aking upuan
"Ay madamshie wag kang mag sinungaling sa mas sinungaling pa sayo" banta sa akin ni Aivan
"Umiiyak ka na naman ba mam?" Tanong sa akin ni Caren
"Mam akala ko ba last na na yung kagabi" si Frances
"Guys you can't blame me to cry kagagaling ko pa sa masakit na pangyayari hindi ganuon kadali mag move on lalo nat minahal mo talaga yung tao"saad ko sa sa kanila
YOU ARE READING
The wedding planner
FanfictieBeing a wedding planner is fun not until you fall in love with the groom, what will happen? Let's find out! Happy readinggg! A/N Pst! READ AT YOUR OWN RISK EXPECT SOME SYNTACTICALLY WRONG or ERRONEOUS in short wrong grammars hehe, ALSO DON'T EXPECT...
