Plan 8

28 1 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa roof top ng building ng condo ko isang gabi habang dala dala ang dalawang can ng coke soda at tanging kanta lang na nanggagaling sa cellphone ko at ang simoy nang hangin na tumatama sa aking mga buhok dahilan para lumilipad ang kaunting parte nito habang dinadama din ang sariwang hangin

'Its you, it's always you
If I'm ever gonna fall in love I know its gon' be you
Its you it's always you
Met a lot of people but nobody feels like you' sabay ko sa kanta habang  dinadama ito

'So please don't break my heart
Don't tear me apart
I know how it starts
Trust me, I've been broken before
Don't break me again
I am delicate
Please, don't break my heart
Trust me, I've be-'
hindi ko na natapos pa ang pagsabay ng kanta ng tumunog na ang pinto ng rooftop hudyat na may ibang pumasok rito kaya agad naman akong bumaling rito at tiningnan kung sino ang pumasok

"Marunong ka palang kumanta?" Tanong nya habang naglalakad papalapit sakin

"K-kenzo?" Baling ko sa kanya ng tumabi sya ng upo sa akin

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya

"Ikaw ano ang ginagawa mo rito?" Pabalik nyang tanong sa akin

"Fresh air? You know? Peace?"

"Ako rin nagpapa hangin lang and I'm sorry hindi ko alam na nandito ka"

"Okay lang hindi naman sakin tung building" natatawang saad ko

"You're good in singing huh"

"Hindi naman masyado" nahihiyang saad ko

"But you're like a pro" natawa naman ako sa sinabi niya

"Pro ka dyan but off topic bakit hindi kayo magkasama ni Katelyn? I mean di ba dapat magkasama kayo, it's normal dahil ikakasal naman talaga kayo"

"Do you want to know something about me?" Biglang seryosong tanong nya sakin

"A-ah p-pwede a-ah I mean m-makikinig naman ako sa sasabihin mo diba?" Bigla naman syang napatawa dahil sa sagot ko

"Sayo nato oh, coke" bigay ko sa kanya sa isa sa mga can ng coke na dala ko na agad nya namang tinanggap

"Thanks" tumango naman ako sa kanya

"So me and Katelyn is in an arrange marriage" gulat naman akong napatingin sa kanya kahit na chinichismisan ng team ko ang tungkol doon

"wehh? Totoo?" Tumango naman sya bilang sagot

"Mabuti naman at pumayag kayong makasal ang isa't isa" nasasaktang tanong ko sa kanya

"No, hindi ko naman talaga gusto makasal just what I said" bigla naman akong nabuhayan dahil sa sinabi nya

"Then why you didn't say no?"

"Dahil hindi ako maka hindi sa mga magulang ko they are already too old at walang ibang mag h-handle ng kompanya kundi ako lang"

"So kahit hindi mo gusto? Bakit di mo kausapin ang mga magulang mo? Nag aaksaya lang kayo ng pera, lalo na't di nyo naman pala mahal ang isa't isa"

"Nagsama din kami ni katelyn for almost 5 years sa ibang bansa dahil pareho kami ng school na pinapasukan until when we graduate I didn't know na Katelyn wants me to marry her she asked her mom and dad kaya ayun at para na rin mas lumago ang kompanya mom and dad takes the deal"

"Grabe naman pala yun pero bakit di ka nga kasi umayaw tae ka!"

"I can't do anything kasi when we're at college nagkasakit si Katelyn and they found out na may sakit sya sa utak at nung first na umayaw ako ay nagtangka si Katelyn na patayin ang sarili nya kaya wala kaming magawa"

"Hala seryoso? I didn't expect na gagawin nya yun" manghang sabi ko

"Ikaw pala you're at age now ba't di ka pa mag asawa?" Kasi hindi ako mahal ng taong una kung minahal sa buong buhay ko! Sagot ko sa aking isipan

"Eh sa wala pa eh" natatawang sabi ko

"Mabuti naman" bulong niya pero narinig ko naman

"Ha?" Tanong ko

"Wala" baling nya sa akin

Dahil doon ay naging tahimik ang pagitan naming dalawa walang ibang narinig kundi ang aming mga hininga lang at ang malamig na simoy ng hangin

"Sabi nila kapag kumikinang daw yung stars meron dawng tinutupad na wish si lord" saad ko habang tinuturo ang mga butuin

"Hmm?" Sagot nya sakin

"Ganun ba ka busy si lord para hindi ma tupad ang wish ko?" Tanong ko sa kawalan

"Ano ba yung wish mo?" Tanong nya habang tinitingnan ako

Na sana tama nalang lahat. Ayaw ko ng masaktan.

"A-ah wala" natatawang saad ko

"Ahm lumalalim na ang gabi pasok na tayo?" Aya ko sa kanya

Agad naman syang tumayo ng tumayo na ako habang naglalakad kami papunta sa pinto palabas ng rooftop ay niyayakap ko ang sarili dahil sa malamig na hanging tumatama sa katawan ko

"Suotin mo na yan" saad ni Kenzo sakin habang pinatong nya ang kanyang jacket sa aking mga balikat

"Thank you"saad ko nalang hindi alam kung ano pa ang sasabihin

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad palabas sa rooftop at syaka sumakay na kami sa elevator pababa

"Di ba nasa floor 23 ang unit mo?" Tanong ko kay Kenzo ng hindi sya lumabas ng elevator

"Ah oo a-ah ihahatid lang sana kita" saad nya at lumabas naman ako ng makarating na sa floor ko

Ang akala ko ay babalik na sya sa taas pero nagulat nalang ako ng lumabas din sya at sinamahan pa ako sa pinto ng unit ko

"Kenzo" tawag ko sa kanya bago buksan ang pinto ng unit ko kaya agad naman syang lumingon sakin

"Don't marry for advantage please marry for love, marry the one that you really loved" even na hindi na ako basta ang gusto ko lang ay ipangako mo saking magpapakasal ka hindi dahil sa napipilitan ka kundi dahil gusto mo,mahal mo saad ko at sya ka binuksan ang pinto

"An" aamba na sana akong papasok ng bigla nya akong tawagin

Lumingon naman ako sa kanya ngunit nagulat nalang ako ng bigla nya nalang akong yakapin at sya ka sya bumulong sa aking tenga

"Koishiteru Thank you" bulong nya at sya ka iniwan akong nakatulala habang tinitingnan sya papapasok sa loob ng elevator

"Welcome" sagot ko kahit pa hindi na nya yun maririnig at natauhan naman ako ng tumunog ang elevator hudyat na sumira na ang pinto nito

"Ano raw?koi?koikoi? Koi fish?" Tanong sa sarili ng nakabawi na ako galing sa pagkaka tulala

Hinawakan ko naman ang aking puso pilit pinapakalma at sya ka kinuha ang jacket na inilagay nya kanina sa aking mga balikat

"Ay ang bango ha" saad ko habang inaamoy ang jacket nya at sya ka niyakap ito ng mahigpit bago pumasok

Ano kaya ang lengwaheng ginamit ng taeng yun? Alien siguro yun hays Saad ko ng sawakas ay nakapasok na ako sa loob ng condo unit ko at naghanda na para magpahinga

The wedding plannerWhere stories live. Discover now