MULI

Para sa akin ay makahulugan ang salitang "Muli"
Magbabalik muli, pero hindi na katulad ng huli.
Hindi mo pa ba nauunawaan? Ang nais kong ipakahulugan?
Halika at ipapaliwanag ko, Ang salitang muli ay ating dugtungan.

Nabasag pero MULIng mabubuo.
Nadapa pero MULIng tatayo.
Napagod pero MULIng lalakas.
Nasaktan pero MULIng tatawa ng malakas.

Ang salitang MULI ay hindi upang ibalik ang lumang dati.
Hindi ito 'REPLAY' ng isang pelikula na puro karate.
Ang salitang MULI ay nangangahulugang isang panibagong simula na mas mainam kaysa dati.
Ito ay pag- 'PLAY' ng isang panibagong eksena na umaabante.

Kapag nabigyan tayo ng pagkakataon ng salitang 'MULI'
Siguraduhin mo na ang dati ay hindi na magbabalik muli.
Nasa desisyon mo ang pagpili.
Sa bagay na ito.. dapat hindi ka takot magkamali

BIGKAS NG PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon