TULA NG NA-FRIENDZONE
ANG NARARAMDAMAN KO PARA SAYO'Y MAHIRAP BITAWAN.
MGA ALALA MO'Y HINDI MADALING KALIMUTAN.
BAKIT BA HINDI MO AKO MAGAWANG PAGBIGYAN?
DAHIL BA SA AKING NAKARAAN?BAKIT KASI PARA SA'YO PAGLALANDI LANG 'TO?
HINDI BA MARUNONG MAGMAHAL NG TOTOO ANG ISANG KATULAD KO?
PARA SAYO AKO LAMANG AY NALILITO SA NARARAMDAMANG KONG ITO.
KAYA NAMAN AKO AY HINDI MO SINESERYOSO.ILANG LAKAS NG LOOB ANG INIPON KO.
UPANG MAGAWA KONG UMAMIN SAYO.
LAHAT NA YATA ITINAYA KO.
MAGING ANG REPUTASYON KO.NGUNIT ALAM KONG HINDI SAPAT, AKO AY KULANG.
TANGGAP KO NA HANGGANG KAIBIGAN LANG.
KAHIT PA MAKIPAGKARERA PA AKO SA AMBULANSIYANG MAY WANGWANG.
AY HINDI TALAGA AKO ANG PARA SA PUSO MONG MAY PUWANG.MASAKIT MAN PERO KAILANGAN KO ITONG TANGGAPIN.
ANG PUSO MO ANG IYONG DINGGIN.
SA KUNG SINO MAN ANG IYONG IIBIGIN.
NAWA'Y IKAW AY KANYANG KALINGAIN.NAPAKA HALAGA SA AKIN NGAYON AY ANG ATING PAGKAKAIBIGAN.
NA HINDI MAN NAUWI SA PAG IIBIGAN.
ALAM KONG IKAW PA RIN ANG PWEDE KONG MASANDIGAN.
SALAMAT DAHIL HINDI MO PA RIN AKO INIWAN.ITO ANG TULA NG MGA KATULAD KONG NA-FRIENDZONE.
KAPIT LANG! DAHIL ANG BIYAHE NG PAG IBIG MO'Y HINDI LAMANG HANGGANG SA QUEZON.
MAHAHANAP MO DIN ANG TAONG PARA SAYO, PAGDATING NG TAMANG PANAHON.
AT DOON SA ALTAR KAYO MAGSUSUMPAAN NG PANG HABANG PANAHON.