MAGSIMULANG MULI
A poem by: JP Cavaller WRightNagkaroon ako ng unang araw para simulan ang istorya ng buhay ko. Unang araw na nasundan pa ng mga hindi mabilang na araw.
Mula sa isang mahaba at mahimbing na pagkakatulog ay nagising ako. Natuto akong tingnan ang kalawakan ng mundo na kinabibilangan ko.
Mula sa pagkakahiga ay natuto akong bumangon, gumapang, maglakad at tumakbo.
Nang natuto akong tumakbo. Ay tumakbo ako ng napakatulin..
Mabilis na mabilis na para bang wala ng sinuman ang makakahabol pa sa akin. Hanggang sa nadapa ako sa unang pagkakataon..
Napakasakit niyon na para bang hindi na ako makakatayo ulit. Nang tiningnan ko ang sarili ko ay puno na ako ng mga gasgas at halos hindi ko na kilala pa ang sarili ko. Tiningnan ko din ang paligid ko at hindi ko na alam kung nasaan ako. Naliligaw na ako..
Hinanap ko ang lugar kung saan ako nanggaling. At napunta ako sa kung saan saan.
Nadapa ako ng paulit ulit. Naligaw ako ng paulit ulit.
Nag iisa na lang ako na naglalakad sa napakadilim na lugar na parang kulungan.
Dumaan ang napakalakas na ulan at hangin.
Wala akong nasisilungan..
Nasa isang tabi ako, umiiyak at takot na takot.
Naging napakahaba ng gabi. Maraming pagkakataon na ginugusto ko ng sumuko.
Pero may bahagi pa rin ng puso ko ang nagsasabi sa akin na: Huwag muna baka meron pang pag asa.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong kumakapit sa napakaliit na pag asa na natitira sa puso ko.
Hanggang sa sumikat muli ang napakagandang sinag ng araw.
Lumawak ang pag asa na nasa puso ko.
Isa itong panibagong araw para magsimulang muli.
Alam kong hindi na ako makakabalik pa sa simula. Pero ngayon, ay kaya ko na ulit magsimula.
Tatayo ulit ako para simulan ang panibagong paglalakbay sa buhay ko.