Poem # 13. Aba nakakapagsulat na pala ako

15 1 0
                                    

ABA, NAKAKAPAGSULAT NA PALA AKO
By: JP Cavaller WRight

Mula nung ako’y isang musmos pa. Isa ang ‘pagsusulat’ na aking kinaaliwang natutunan.

Una kong naisulat ay ang pagguhit ng isang linya. Na kinalaunan ay naging dalawa, naging tatlo, hanggang sa naging lima. Na nabuo nga bilang isang bituin.

Hindi man kagandahan, pero dahil mula sa kamay ko nabuo ang pagguhit sa bituin na iyon. Ay proud na proud ako na ipakita sa mga kaibigan ko ito.

Ngunit sa paglipas pa ng mga araw..

Ay natutunan ko na ang pagsusulat o pagguhit ay hindi isang simpleng bagay lang na kusa lang natin matututunan. Kundi ito pala ay isang malaking bagay na dapat ay pinaghihirapang matutunan.

Nariyan ang halos magka-kalyo-kalyo at lagnatin na ang kamay natin sa sobrang hirap na iguhit o ikurba ang mga letra o hugis na nuon ay hindi pa natin naiintindihan.

Ang uling at pambura naman ng ating mga lapis ay halos mapudpod na rin dahil sa mga hindi mabilang na pagkakamali natin sa pagsusulat.

Kung nakakapagsalita nga lang ang mga lapis, ay malamang lahat tayo ay nasabihan na nila ng; “Maawa ka naman.. Pudpod na pudpod na ako!” O, diba ang drama?

Eh, paano naman kaya sa bagong henerasyon ngayon ng mga bata kung saan ay napakalawak na ng teknolohiya? Na hindi na natin kailangan pang magsulat dahil laganap na ang mga typewriter, keypod, o keyboard na kung saan sa isang pindot lang ay may instant letra na kaagad ang lalabas. Baka sabihin pa nga ng mga lapis sa kanila; “Maawa ka naman.. Pudpudin mo naman kami!” Kawawa naman sila..

Pero seryoso ‘to.. Hindi ka makakapagsulat kung hindi mo ito i-sa-sa-isip at i-sa-sa-puso. Dahil ang pagsusulat ay larawan ng buhay at ng ating mga sarili. Hindi ito tungkol sa kung gaano kaganda o kapanget ang sulat kamay mo. Kundi ito ay tungkol sa kung ano ang sinusulat mo.

And speaking of “kaganda o kapanget” ay naaalala ko pa na dati din pala nung ako ay bata pa. Ay palagi din akong tinutukso ng mga kaklase at mga pinsan ko na ang panget panget daw ng sulat kamay ko.

Inaamin ko na ilang taon din sa buhay ng pagkabata ko ay dinamnam ko ang pagsasabi nila sa akin na ‘Ang panget’ ng sulat ko. At malaki ang naging epekto nu’n kung paano ko tingnan ang sarili ko. Lagi ay pakiramdam ko na wala akong kayang gawing maganda.

Pero sa paglipas pa ng mga taon. Ay hindi ko akalain na sa pagsusulat ko din pala matatagpuan kung ano talaga ang tunay na kagandahan sa buhay. Natagpuan ko kung ano ang magpapasaya sa akin. Natagpuan ko ang mga pangarap ko. At dito din sa pagsusulat ko natagpuan ang sarili ko, -kung sino talaga ang totoong ako.

Ang ballpen at papel ang siyang naging sandigan ko para ilabas ang nilalaman ng aking puso at isipan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay malaya kong nailalahad ang lahat ng aking mga opinyon o saloobin ng walang humuhusga. Sa ballpen at papel ko din nagagawa ang magpakatotoo na ‘okay’ lang kahit ilang beses pa akong magkamali. Ang importante ay nagpapatuloy pa rin ako sa pagsusulat.

Ngunit hindi madali ang magsulat. Dahil gaya ng isang ulam ay mayroon din itong tamang sangkap at tamang timpla para maging tama ang lasa. Hindi pwedi ang kulang at hindi rin pwedi ang sobra. Kung mahilig kang magsulat o magluto ay madali mong maiintindihan ang ibig kong sabihin.

Pero kahit ganu’n ay patuloy pa rin ako sa pagsusulat. Dahil ang pagsusulat ang isa sa mga bumubuo ng pagkatao ko.

Kung tatanungin mo naman ako kung mahilig din ba akong magluto? Hmm.. Hindi! Mahilig lang akong kumain hahahahaha! :D

Mabalik tayo sa simula.. Nasabi ko na ang bituin ang pinakaunang natutunang iguhit ng aking kamay. Bituin na kung i-u-ugnay natin sa buhay ay sumisimbulo ito ng pag asa at pangarap.

Sa mundong ito ay walang madali. Lahat ay kailangang paghirapan at pagsumikapan. Pero kahit gaano pa man kahirap ang buhay o kahit gaano pa man kalabo ang ating mga pangarap. Ang importante ay mayroon pa rin tayong bituin na palaging tinatanaw na nagsasabi sa atin na, “Kaya mo ‘yan! Tuloy lang”

At sino ang bituin na iyon? Ikaw mismo! Laging tingnan mo ang sarili mo na may positibong pananaw. Maniwala ka lang sa sarili mo. Dahil gaya nung una tayong matutong magsulat. Ay nasabi na lang natin sa ating mga sarili na, “Aba! Nakakapagsulat na pala ako?!”

Dahil ang isang bagay na ating minimithi ay kusa na lang nating makakamtan ng hindi namamalayan kung ito ay ating pagsusumikapan.

BIGKAS NG PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon