Author: jonaxx
Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan at takot. Kailanman ay hindi niya naisip na darating ang araw na susuko siya at mapapagod. Never. Noah will end up with her no matter what. But is it really right to love him intensely at a very young age? Her family didn't believe in love. They think it's pure sentiment. They think purely loving someone with your heart was wrong. Binigyan tayo ng Panginoon ng puso at utak. Puso, para maramdaman ang sentimento. Utak, para mapag isipan kung dapat bang tanggapin ang sentimento ng puso. We have to identify who's the better judge.
But then again, do we always have that chance to judge? Paano kung ipaglaban mo man iyon ay wala ka parin namang halaga? How are you going to fight for your heart when you know from the very beginning you will lose? That you are Worthless?
Why do we all want this? To love what does not love us. To leave those who want to stay. To push away those who want to stay close. To treasure what is worthless.
---------------------------------------
This is the story of my first love and greatest love (in general fiction) !
Noah Reigan Elizalde
(Iba kasi ang greatest love ko sa teen fic, si Elijah yun. Hahahaha)So eto na nga, dahil namiss ko ang 1st generation ng jonaxx boys, sinulit sulit ko na ang mag-reread. Itong worthless,una ko tong nabasa nung inuupdate palang siya, as in yung inaabangan ko talaga ang pagpost ng bawat chapter, so imagine niyo yung excitement ko at pagkabitin every after chapter. Then hindi ko na alam pang-ilang reread ko ma to.
Before reading this, ang alam ko dapat mo munang basahin yung MAPAPANSIN KAYA (Reina Elizalde & Wade Rivas) at HEARTLESS (Rozen Elizalde & Coreen Aquino). Story yan ng mga kapatid ni Noah. Para magkaroon din kayo ng idea sa mga characters nandito sa story.
Itong WORTHLESS, pinaka-favorite ko na story ni Ate J. Bukod sa sobrang curious at bet na bet ko talaga si Noah sa HEARTLESS, gusto ko rin yung takbo ng story neto. Sa HEARTLESS palang, nakuha na ni Noah yung interest ko.
Para sa akin ha, sobrang ideal ni Noah. Siguro pangit sa iba yung ugali niya, yung pagiging cold and suplado, tapos masakit pa siya magsalita and all, pero ganun naman talaga, walang perfect.
Gusto ko kung paano niya pinatunayan yung sarili niya sa daddy ni Megan. Umpisa palang, sa heartless at sa naunang chapters ng worthless, I never doubted Noah's love for Megan. As in naniwala talaga ako sa kanya. Never akong nagalit sa kanya kahit magaspang ugali niya. One in a million si Noah. Promise! Mahal na mahal ko talaga siya. ❤
Yung iba galit na galit sa kanya sa character niya sa heartless, bahala kayo diyan. Hahahahaha.
Maging open-minded kasi kayo at intindihin niyo, hindi naman sa lahat ng oras at pagkakataon, ok ang ugali ng isang tao. Noah was hurt. Ikaw ba iwanan, hindi ka masasaktan? Kaya naging ganun siya. Siya yung hindi agad maniniwala sa iba na pwedeng ikasira niyong dalawa, ganun siya magmahal.
Oo, ipagtatanggol ko talaga siya kasi sobrang mahal ko siya.Siya ang favorite Elizalde ko. Tuwing may nagtatanong sinong favorite ko sa Elizalde brothers, walang pagdadalawang-isip kong sinasagot na si Noah. Karamihan kasi mas gusto yung brother niya, si Rozen. Pero ako solid Noah.
As per Megan naman, hmmm. Siya ang pinaka-mabait na jonaxx girl. Hindi siya possessive. Ang hirap i-explain, pero basta! Siya ang pinaka-gusto ko.
NOAH, i-speed boat mo ako!😂
Si Noah Reigan Elizalde at Elijah Riley Montefalco lang, sapat na ❤ If you would let me choose between them, wala akong pipiliin. It will always be the two of them among the jonaxx boys, promise!
Alam niyo bang nung natapos ko tong basahin ulit, hirap akong mag-let go? Nung nasa last 10 chapters na ako, parang ayaw ko pang matapos? Masyado akong nadala sa story, na kahit tapos ko na, pag nag-iisip ako, nai-imagine ko parin yung scenes. Ayaw kong pakawalan, unlike other stories na pagkatapos kong mabasa, mabilis kong makalimutan. Sobrang attached ako kina Noah at Megan. Sobrang attached ako fiction world kung nasaan sila. Hays
Need I say more?
PS. This story is already published under MPress. Dahil taga-probinsya ako, noon pa walang stock dito sa amin. May suggestion ba kayo san pwedeng bumili? Thank you
BINABASA MO ANG
MUST READ STORIES
RandomRecommended stories sa mga naghahanap ng pwedeng basahin :) Personal favorite ko po yung karamihan dito