2- UNTIL TRILOGY

14.7K 131 36
                                        

Until HE WAS GONE - 9,783,129 reads 

Until HE RETURNED - 13,512,424 reads

Until FOREVER - 11,741,346 reads

(as of 12/23/14)

AUTHOR : jonaxx

GENRE: Teen fiction, Teen Fiction, Romance

------

UNTIL  HE WAS GONE (BOOK 1)

Si Klare Montefalco ay ipinanganak sa isang kilala at marangyang pamilya. Everything is perfect. Mahal siya ng pamilya niya at mahal din niya ang mga ito. Her life is simple. No drama, no sweat, no nonsense. Nang tumibok ang puso niya, doon niya napagtanto na ang bawat pader na inakala niya'y matibay ay natitibag din. Na lahat ng pinakaiingatan niya ay maaring mawala sa kanya. Dahil may mga pag ibig na kahit anong gawing iwas mo ay lagi kang tinatamaan. Iyong pag ibig na umiilag ka na, bull's eye ka pa rin. Iyong tipong sinarado mo na ang pinto mo, pilit paring kumakatok. But Klare's fierce, she wouldn't let that happen. No. She will risk her heart just to protect her comfort zone, her home, her everything.


Ngunit sa pagkawala ng pag ibig niya, doon lang din ba niya mapagtatanto kung ano ang nawala sa kanya? That she had lost everything when she let him go? Is she ready to fight for it now? Now that he's gone?

------

UNTIL HE RETURNED (BOOK 2)

Nang malaman ni Klare na hindi siya tunay na anak ng kanyang kinilalang ama, nag bago ang ikot ng kanyang mundo. She's torn between her love for her family and her desire to seek for the fragments of her real identity. Sa kalagitnaan ng lahat ng ito, pilit din siyang binabalikan ng mga alaala ng nakaraan. Her past is haunting her. But she knew it is impossible to turn back the time. Pinanindigan niya ang mga nagawang desisyon noon at tanggap niyang may mga tao na dumadadaan lang ngunit hindi nagtatagal. Ngunit paano naman ang mga umaalis at magbabalik?


Sa pagbabalik ba ng kanyang minamahal matitibag ang kanyang mga paniniwala at desisyon? How will she handle him now that he's back? Will she fight now? Now that he's returned?
---------

UNTIL FOREVER (BOOK 3)

Elijah Montefalco never liked this particular girl cousin. Naramdaman niyang ayaw sa kanya ng pinsan niyang ito at hindi naman siya 'yong tipong ipagpipilitan ang kanyang sarili sa taong ayaw sa kanya. They were family so he needed to deal with her sometimes. Mabuti na nga lang at marami naman sila kaya hindi na napapansin ng iba na ayaw nila sa isa't-isa. But there was a reason why he never liked her... Pero bakit nga ba? Ano ang nangyari at bakit nagkaganito? Paano sila napunta dito? 

And after all the sacrifices, would they still make it through? Kaya nga kaya ng pagmamahalan nila na lagpasan lahat? Paano kung hindi pa nga naayos ay unti unting mawawasak ulit? Is their love really a curse? Can't they live happily even just for a moment? Is their forever too much to ask for?
-----------


Favorite trilogy ko to!

Ito yung stories na umabot sa tatlong libro pero walang SPG (sorry to disappoint you) PERO. May PERO ha, ito rin yung stories na masarap kantahan ng I COULD NOT ASK FOR MORE. Kahit walang SPG, sulit naman dahil sa kilig moments na para sa kin, katumbas, rather mas angat pa sa SPG.( Tho nalungkot talaga ako na walang SPG. haha )

Maiinlove ka talaga kay Elijah Riley Montefalco. Siya ang dakilang baby ng mga single. Hahaha.Yung feeling na gugustuhin mo na sana talagang nag-eexist siya at gugustuhin mong mapuntahan talaga yung mga places na nabanggit sa story kasi feeling mo mahahanap mo sa place na yun ang isang Elijah Riley Montefalco.

Mababaliw ka sa books na to, as in Mixed emotions ka, meron yung kikiligin ka, meron yung maiiyak dahil sa sakit ( seryoso, literal na iyak, hagulgol pa nga e), meron yung tatawa ka dahil pambubully nung mga characters sa isang pinsan nila, meron yung magagalit as in yung gusto mong pumatay ng fictional character. Juicecolored.

I recommend  these stories because I swear, worth it.  Completed na siya. Baka iisipin niyong mahaba kasi  3 books, aysus. Sinasabi ko sainyo, once you finished it, hihilingin mo nalang na sana hindi matapos yang story na yan, rather gugustuhin mong maging more than 3 ang books na yan. Hahahaha

PS: Meron pa yung time na mangigisay ka sa kilig once na banggitin niya ang salitang "BABY"

EDITED: 04/11/2020

So after 5 years, binasa ko ulit. Hahahaha. Same feels, napatunayan ko talaga na si Elijah Riley Vasquez Montefalco ang greatest love ko sa teen fiction ni ate j, kasi si Noah Elizalde sa gen fic. Hahahahaha

I first read this when I was in college, and ngayon working na.

Parang bumalik ako sa pagiging teen, yung sisigaw ka, gugulong sa kama, tatawa malakas kasi sobrang kinikilig ka, ganun. I'm so in love with him gosh! Hindi ko alam kung magkaka-boyfriend pa ako kasi ang sinet kong standards ay si Elijah. Shucks. Gusto kong ma-feel paano magmahal ang isang Elijah. Oh God. Iba ang level ng pagmamahal niya, kung may mas grabe pa sa intense level, then that's it. Gusto ko yung paninindigan niya, kung paano niya ipaglaban yung gusto niya at yung taong mahal niya.

Goal ko talaga na makapunta sa CAGAYAN DE ORO, baka sakaling makahanap ako ng Elijah dun. Hahahaha. Matapos lang talaga tong Pandemic na to, whooo. Hello CDO na tayiz mga sizs! Let's find our own Montefalco

I want to believe that I deserve someone like him, pero hindi naman kasi ako kagaya ni Klare. Hahahahaha. Anyway, strongly recommended ang trilogy na to. Promise!

PS. Ni-reread ko to kasi balik loob na po ako sa pagbabasa ng stories ni Ate J. You see, I stopped reading her stories for more than 5 years (dunno why) and ngayon, sinimulan niya na ulit ang Montefalco Series, kaya balik loob na ako. Hahaha

PPS. I will always love Elijah Riley Montefalco and Noah Reigan Elizalde. They will always be my favorites. Siguro may mamahalin akong iba ( tulad nina Josiah, Azrael and other Montefalcos, kasi hindi pa naman tapos story nila) pero babalik at babalik ako sa dalawang to.
-----------

Hi Ate J :)

MUST READ STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon