96- False Hope

787 4 2
                                    

Author: Gianna1014

10/31/2020
Matagal ko nang fina-follow si ate, pero tambak ang nasa library ko kaya hindi ko mabasa basa stories niya. Ito ang story niya na una kong nabasa.

So kahapon,nakita ko yung post sa FB regarding sa self pub ng books ni ate. E ako naman, pag may mga self pub, umoorder ako. So para malaman ko kung worth it naman pera ko sa pag-order, nag-browse ako ng stories niya. Pero hindi ko makita dito yung Boy Next Door series niya (yung mga naunang stories), e yun pa naman ang i-seself pub.

E di naghanap ako ng ibang series niya na meron ang 1st book. At ito nga yun. Pero paid story siya (fortunately, marami pa akong coins. Hahaha)

Ito lang naman ang story na nagpapuyat sa akin. Imagine, nakatulog na ako ng 2AM, dahil puro last chapter ako ng last chapter, hanggang nakalahati ko na ang story. And share ko lang pala, 2nd story ito na pinaglaanan ko ng earned coins ko. Hahaha. Sobrang worth it ang gastos!

Maganda ang plot! Parang movie or teleserye ang bawat scene. Jusko. Hahaha. This story reminds of a 90s movie. Yung movie nina Alice Dixson at Ariel Rivera, i don't know if anyone of you knows that movie, pero parang ganun tong story. May similarities sila pero marami rin naman differences, sorry, hindi ko lang maiwasang isipin yung movie.

Basta basahin niyo! Maganda promise! Walang akong nirerecommend na hindi maganda noh. Hahaha. Looking forward ako sa ibang stories ni ate. Oo nga pala, order na tayo ng self pub books niya 🧡

-----
Edited: Attached is the unboxing video of the books written by the abovementioned author. Visit my youtube channel for more unboxing videos!

https://youtube.com/channel/UCDCF2GYHJvfOwS3xAtQwRqg

MUST READ STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon