61- TRAINING TO LOVE

488 7 0
                                    

Author: jonaxx

Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat araw-araw. Lahat nalaro mo na, poker hanggang pag-ibig naipanalo mo na. Kung sana may pwedeng paglaruan. Yung unique. Yung nakakatuwa.


Nang dumating siya sa buhay ko, natuwa ako kasi pinaglaruan ko siya. Humingi siya ng pabor. Binigay ko. Nagpaturo siya. Tinuruan ko. Humingi siya ng masasandalan. Binigay ko. Kasi nakakatuwa siya! Pero habang tumatagal, bakit siya na yung natutuwa at ako na pinaglalaruan?


Hate. Lies. Temptations. Betrayal. Pain. Love. All in one. Training To Love.

-------------------

This is the story of the Master of Seduction,none other than,  Troy Ezekiel Salazar.

Dito, tuturuan niya tayo niya tayo ng Art of Seduction. Yes po, kung paano lumandi. Hahaha. Ewan ko ba, ilang beses ko na tong nabasa pero hindi parin ako marunong lumandi. Hahahaha

Feeling ko nagtataksil ako sa mga mahal ko, kasi attracted ako kay Troy. Huhu. It's so easy to love Troy. And mahirap siyang kalimutan.

Pangatlong beses ko na tong nabasa, noon, parang so so lang sa akin. Ngayon ko lang talaga siya na-appreciate. Sorry Troy. 

I admire him. Nandyan siya palagi for Trisha, kahit hindi siya pinapansin 💔 Naiiyak ako for him. Ewan ko ha, pero iba kasi yung pagtrato niya kay Trisha, the way he cares for her. Hindi ko alam what makes him different among the other boys, pero may something kay Troy. Promise may something. 

Habang tinatype ko to, naluluha ako. Hahaha. Kasi iniisip ko lahat ng ginawa ni Troy for Trisha, masakit at nakaka-touch talaga. 

Iniisip kong bakit hanggang fiction lang si Troy. Bakit? We all deserve someone like him. 

Itong story na to, hindi tragic, hindi rin heavy drama, pero naiyak talaga ako. Bihira yun sa akin, kasi pag so so lang na story, anong pake ko, bat ako maiiyak, bat ako mata-touch? Pero dito, naiyak ako, kasi ramdam ko yung pagmamahal ni Troy. Ramdam na ramdam ko, na gusto ko nalang din tumira sa fiction at makahanap ng isang Troy Salazar, na hindi mapapagod magmahal. Siguro ganun din sa ibang bida, pero nga kasi, may something kay Troy!

Siya yung willing magpaka-martyr sa taong mahal niya. At siya rin ang pabebe at pinaka-marupok. Hahahahaha. Siya yung kayang mag-compromise at kayang mag-settle for less, kung ano lang yung kayang ibigay sa kanya, willing siyang tanggapin.

Pwedeng-pwede na po siyang pagawan ng rebulto sa pagiging marupok niya. Hahahaha

Maganda yung story, nakaka-kilig na nakakatawa. Chick flick lang din. Walang SPG oyyy. 

Basahin niyo na, gusto kong ma-in love rin kayo kay Troy, deserved ni Troy ang maraming magmamahal sa kanya.

Napansin ko rin na, underrated si Troy sa mga jonaxx boys. Wala masyadong may gusto sa kanya. Hindi siya ganun ka-hype. I dunno why, but I think, he is worth the hype. He is one of the best jboys guys, please mahalin niyo siya, he deserve it. 

Hindi man siya kasing sikat nina Elijah, Rozen, Wade, or ng iba pang CLS boys ba yun, please find time to read his story, their story I mean.

"Semper Fidelis."

PS. Pasensya na kung magulo ang thought ng review, kung ano kasi yung nasa isip ko, yun lang yung tina-type ko.

MUST READ STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon