"Hindi ka ba nagtataka, bakit malungkot ang langit?" Wika niya habang nakatingala. Napakunot lang ang noo ko, dahil di naman umuulan. Kaya paano niya masasabing malungkot ang langit?
Tanong ko sa sarili, kaya tinanong ko siya
"Hah? Paanong malungkot ang langit?"
napangiti ito bago tumugon,
"Pagmasdan mo ang langit, hindi nga umuulan. Ngunit walang bituin."
Sagot nito na may halong lungkot sa tinig.
Pero dahil na din sa sinabi niya ay pinagmasdan ko ng husto ang kalangitan, at doon ko nga napagtanto na wala nga itong mga bituin.Kaya tumango ako sa kanya bilang tugon.
"Alam mo dahil nakikiramay ang langit, sa lungkot at pighati ko" wika niya.Napayuko na lang ako at unti unti siyang niyakap.
"Mahal ko patawarin mo ko." Alam kong hindi sapat ang salitang patawad, sa mga nagawa kong sakit sa kanya ngunit sa puntong ito, yun lamang ang aking magagawa.Niyakap niya rin ako at pinahid ang luha sa mata, sabay sabing
"Gabi na! kailangan mo ng umuwi, kasama niya."
Mag sasalita pa ako sana bilang depensa kaya lang umalis na siya bigla. Hahabulin ko pa sana, ngunit nawala na siya sa kawalan.
Umiyak lang ako ng umiyak, hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar na tinig."Karen! Kanina pa kita hinahanap, andito ka lang pala" pinahid ko ang aking mga luha, at hinarap ang taong dahilan bakit ko siya nasaktan.
"Archie, anong ginagawa mo dito?!" tanong ko na may pagalit na tono
"Anong ginagawa? Ayos ka lang karen? Unang unang, umalis ka ng walang paalam. Pangalawa, alas dose na ng hating gabi. Pangatlo, asawa kita! At kahit bali baliktarin ang mundo akin ka!!!" Pagkasabi niyang iyon, ay kinaladkad niya ako paputa sa kotse, di na ako nakapalag. Pagod na akong lumaban pa, kaya sinulyapan ko sa huling pagkakataon kung saan kami nag usap kanina, umaasang makikita ko pa siya. Ngunit, gaya nga ng inaasahan, wala na talaga siya.
Tanging luha at pighati na lang ang aking nararamdaman. Mula ng ikasal kami ni Archie, ay puro dusa at sakit na lang ang meron ako. Bakit si archie pa? Pede naman si Anthony. Si Anthony ang mahal ko ngunit nilayo siya sa akin. Wala man lang akong nagawa para sa kanya, hindi ko siya nakuhang ipagtanggol.
Ngayon wala na siya, at ako naririto sadlak sa masakit na katotohanan!
"Uli uli karen, wag ka ng babalik doon! Di na babalik si Anthony, tama na! Palayain mo na siya! Palayain mo na yung sarili mo" wika ni Archie, na lalong nag paiyak sa akin.
"Alam ko Archie, alam ko!" Malungkot na tugon ko sa kanya.
"Sorry Anthony, sorry mahal ko. Patawarin mo nawa ako, mahal na mahal kita. Ikaw pa din wala ng iba. Ikaw lang wala ng iba" mahinang usal ko habang umiiyak. Napailing na lamang si Archie, ngunit alam niyang wala siyang magagawa, pagkat isa lamang huwad na kasunduan ang kasal namin.
At dahil na din sa huwad na kasunduan na yun.
Namatay si Anthony, namatay ang Mahal ko. Pinatay nila si Anthony. Kaya kahit anong pilit kong kalimutan siya, hinding hindi ko magagawa. Dahil madalas ko siyang nakikita at nakakasama sa puntod niya. Sa ganun paraan, at dun lamang kami ay nakakapagsama. Kahit magkabilang mundo pa ang pagitan namin sa isat isa."Mahal kita Anthony!"
"Mahal din kita Karen!" Mahina ngunit ramdam ko ang matinding pagmamahal mula sa mga boses ng taong minahal ko mula noon, hanggan sa kamatayan ko pa."Wala tayong preno!!!" Sigaw ni Archie, di na ako umimik at napangiti na lang ako, nang biglang bumulong si Anthony.
"Magkakasama na muli tayo, mahal kong karen" kasabay ng pagkasabi niya, ay ang pagbangga ng kotse namin sa pader.
BINABASA MO ANG
Sari-Saring Kwento ng Kababalaghan
HorrorBlack Dale Collections Composed of Horrors/SPG/gore stories