Deadly Deal In Love

153 4 0
                                    

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" isang mahabang tili ang umalingawngaw sa  pampublikong palikuran sa isang gasolinahan.
Agad itong nilapitan ng mga nakarinig at tinanong
"Anong nangyari? Bakit ka sumisi--?" Di na nito natuloy ang itatanong dahil nakita niya na rin, ang bangkay ng isa babae.

Puno ito ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan. Ang mga buhok nito ay halos ginupit gupit ng kung sino mang baliw dahil na din sa hindi pantay pantay na gupit nito. At di na halos maaninag ang hinaharap nito dahil parang tinanggal iyon sa katawan.

Halos maduwal duwal ang mga nakakita sa bangkay ng biktima. Dali dali silang tumawag ng pulis para ireport ang pangyayari at agad naman itong rumesponde.

Kinabukasan, nabalita agad sa news ang nasabing insidente at kinilalang si Trina Fracher, ang biktima. Agad na naihagis ni Ivan, ang basong iniinom papunta sa kasintahang tahimik lang sa isang tabi.

"Baliw ka ba? Katrabaho ko yun. Pero pinatay mo!!" Galit na wika ng binata.

Tumawa lang kasintahan nitong si Belle. Na lalong kinairita ni Ivan, agad niyang kinuha ang tinatanggong balisong sa bulsa at mabilis na lumapit kay Belle.
Akmang itatarak nito ang patalim sa hita ng dalaga pero nasalag agad neto ang pag atake at sabay sabing
"Wag kang bobo, kaya ko din yang gawin sayo" agad siyang tumayo at lumayo kay Ivan.

Dismayadong dismayado at halatang nababaliw ang binata dahil sa pangahas na hakbang ng kasintahan.
"Ano bang kinakaasar mo Ivan? Naiinis lang ako sa kanya, masyado siyang malapit sayo. So, i have no choice. Akin ka lang Ivan. Akin lang!" Matamis ngunit may diin na wika ni Belle. Na lalong nag pataas ng emosyon ni Ivan.

"Pwede ba Belle, tigilan mo ko sa kaartehan mong yan! Kaibigan ko lang yun! Di ko na kaya to. Maghiwalay na tayo" pagkasabing ganun ni ivan, ay agad niyang kinuha ang backpack at akmang aalis na ng unit.

Ngunit mabilis siyang tinutukan ng patalim ni Belle sa batok at sabay nag wika
"Subukan mong makipag hiwalay sa akin! Tatapusin ko buhay mo, buhay ng Pamilya mo, at lahat ng taong malapit sayo" galit na wika ni Belle.

"For crying out loud Zoebelle. Napapagod na ako! Kaya din kitang patayin, kung gusto mo mag patayan na lang tayo. Kaysa ikulong mo ko sa relasyong hindi na ako masaya" nagsusumamo ngunit pagalit na wika ni Ivan.

Napatahimik at napaisip naman si belle, pero agad din itong napangisi dahil sa ideya na lumukob dito.

"Ganito na lang Ivan, tutal ayaw mo na pero ako gusto ko pa. Lets play a game! Paramihan tayo ng mapapatay sa loob ng tatlong araw. Kung ako ang mananalo we will stay pero pag ikaw, hmm Your free to go"

Di na nag isip si Ivan, at sumang ayon na lang sa kagustuhan ng Dalaga.
They have a deal at upang ma iseal ito ay sabay nilang sinugatan ang kanilang sarili at pinatak ang dugo sa isang baso.

Unang ininom ni Belle ang dugo, sumunod naman si Ivan. At doon nga naging Opisyal ang kanilang kasunduan.

Nagsimula na nga ang kanilang paligsahan, at nangunguna si Belle. Dahil natarget nito lahat ng babae sa buhay ni Ivan, kahit ang sarili Ina ni Ivan ay di nakalusot at pinaslang niya rin ito, dahil sa matinding selos at inggit. Kaya lalong nagpursige si Ivan na pumatay ng pumatay, pero sa puso niya ay meron na ring awa para sa mga biktima at dahil na rin sa pag kamatay ng kanyang ina, ay mas nag umapaw pa ang galit nito para sa sira-ulong kasintahan.

Malapit ng matapos ang tatlong araw pero bente dos palang ang napapatay ni Ivan, kasama sa mga napatay nito ang Amain ni Belle, pero gaya ng inaasahan niya. Wala man lang itong imik o di man lang nag luksa bagkus, pinagsasaksak at sinunog pa ni Belle ang Bangkay nito. Kung baga sa karne, naging Double dead.

Samantalang si Belle ay himigit kumulang limangpu na ang napapatay, kasama na ang mga awtoridad at piling matataas na opisyal, ang rason ay dahil wala lang.
Lalong nagsuklam ang binata sa dalaga, kaya nakaisip siya ng paraan para matigil na ang kabaliwan nito.

Dumating na ang huling araw ng kanilang kasunduan, kaya agad na nagpunta si Ivan sa bahay ni Belle. Alam niyang andun ang babae, dahil may tracking device siyang nilagay sa kotse nun.
Pagkarating niya sa bahay ng Dalaga, kumuha siya ng Gasolina at tinapon iyon sa buong paligid ng bahay. Nag labas na rin siya ng Lighter at sinilaban ang buong bahay. Di pa siya nakuntento, kumuha siya ng bato at hinagis sa bintana nang mabasag ito ay agad siyang nag hagis ng umaapoy na tela rito.

Pagkatapos masiguro na di maapula basta basta ang sunog, agad siyang bumalik sa Unit niya at nakatulog ng payapa.

Nagising siya at agad nanood ng tv nang biglang binalita ang nangyari sa bahay nila Belle, at ang natagpuang Katawan nito. Halos hindi na ito nakilala dahil sa sobra nitong sunog.
Nag diwang naman ang binata, nagtatalon, at nagsisigaw siya sa Unit niya.

"yes, yes,yes" sigaw nito mag isa.

Lumipas ang araw at naging masaya na ang Binata, dahil sa pagkamatay ng kanyang Kasintahan at sa wakas nakalaya na rin siya sa bangungot na relasyon.

Sa ngayon, nakikipagtalik siya sa isang babae na nakilala niya lang sa bar.

"Ugghhh, sige pa Ivan" wika nito, kaya ginalingan naman ng binata. Nag patuloy pa ang mainit na tagpo ng dalawa nang biglang may pumasok sa kwarto,
Lilingunin palang iyon ni Ivan, kaso binaril siya nito

"Long time no see Ivan" wika ng babaeng kakarating lang.

"B-Belle?" Sagot ni ivan na ngayon ay nakaupo sa sahig, dahil sa tama ng baril sa kanyang balikat. Samantalang ang babae ay nakahiga lang sa kama at dali dali na aalis ngunit napaputukan agad nito ng baril sa hita.

"Buset na babae ka jan ka lang, malandi ka" wika ni Belle.
"A-akala ko patay ka na?" Nauutal na wika ni Ivan, na ngaun ay gulat na gulat pa din. Tumawa lang si Belle bago mag salita.

"Multo na lang ako minumulto kita" natatawang sagot nito, akmang aagawin ni Ivan ang baril ni Belle ng bahagyang mapalapit ito sa kanya, ngunit napigilan ito ng dalaga at muling binaril ang binata sa may binti naman nito.

"Subukan mong gumalaw jan, sabog yang bungo mo" galit na wika ni Belle. Di na umimik pa si Ivan, kaya dali daling nilapitan ni Belle ang babaeng duguan sa kama. Pinag sasaksak niya ito, at sinabunut sabunutan pa.

Hindi pa ito nakuntento, pinaputukan ng baril ang Hiyas ng babae. Wala ng buhay ang babae pero halos ayaw pa ito tantanan ni Belle.

"Hayop ka" sigaw nito habang walang sawang pinag saksak ang babaeng wala ng buhay.

Napapailing at naawa na lang si Ivan sa dating kasintahan.
Nang magsawa na si Belle, ay binalingan nito ng nakakalokong tingin si Ivan.

"Ikaw namang hayop ka"wika ni Belle ngunit nagkibit balikat lang ang binata.

Akmang sasaksakin na siya ni Belle, nang makaiwas ito at inagaw ang baril na nakasublit sa bewang nito.

"Mas mabuti ng magpakamatay, kaysa mamatay sa kamay mong baliw ka" pagkatapos nun ay agad niyang tinutok ang baril sa bunganga niya at pinutok iyon.

Magsasalita pa sana si Belle, ngunit bumagsak na sa sahig ang walang buhay na katawan ni Ivan.

Iyak ng iyak ang dalaga at halos nag wawala na. Wala na rin ito sa sarili.
Nakita niya ang Baril sa kamay ni Ivan, agad na kinuha ito at tinapat sa bibig.

"Till death do us part Ivan Gella. Tandaan mo, si Zoebelle Mendoza ay para lang kay Ivan Gella" pagkasabi nun ay agad nitong pinutok ang natitirang bala sa kanyang bibig.

Sari-Saring Kwento ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon