Ikatlo ng Hapon

239 3 0
                                    

Twing ikatlo ng hapon, nakagawian na ng aming mag anak na mag dasal ng

3pm Prayer.
Kung di niyo yun alam ang dasal na iyon, ay maririnig niyo yun madalas sa Abs Cbn
na dinarasal sa ikatlo ng hapon.
Sa paniniwala na ang 3pm prayer ay dasal para sa awa ni Hesus, dahil
ito ang oras kung saan ay nalagutan siya ng hininga at sinagip ang sanlibutan
mula sa kasalanan.
Kaya mula noon ay tinuruan kami na dasalin ito para daw sa kapatawaran ng aming mga kasalanan
turo iyon ng lolo ko na naging tradisyon ng buong angkan namin.
Pag di mo daw ito dinasal ay may masamang mangyayari sayo sa loob ng isang linggo.
kaya mas minabuti na lang na sundin ang tradisyong iyon sapagkat, dati isang beses may pasaway akong tito na hindi nag darasal ng 3pm prayer.
mula ng nagkaroon siya ng kasintahang hindi katoliko ay di niya na rin sinunod ang tradisyon ng aming pamilya
Labis ang Galit sa kanya nina mama at papa pati na rin ni lolo at lola, ngunit parang hindi nakikinig sa kanila si tito, kaya pinabayaan na lang nila ito.

Ngunit pag lipas ng ilang linggo ay binawian bigla si tito ng buhay habang nasa trabaho ito,
di malaman ng mga doctor ang dahilan bigla na lang daw siyang inatake sa puso
at ang lalong gumimbal sa amin ay ang saktong alas tres siya ng hapon namatay.
Kaya nga mula noon ay walang nangahas na sumuway sa tagubilin na iyon.
Dala-dala ko yun hanggang ngayon.

2:59pm na ang oras sa laptop ko at isang minuto na lang ay alas tres na kaya tinigil ko na ang pag gawa ng kahit ano at agad na pumikit.
"In domine Patris, Et Filii, Et espiritus sancti. Amen" mahinang usal ko sa sign of the cross using latin nasanay lang ako mag antanda sa latin ngunit ang dasal ko ay tagalog pa din except sa Our Father at St. Michael prayers latin kung dasalin ko ang dalawang iyan.

"Pumanaw ka, Hesus subalit ang bukal ng buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at karagatan ng awa ay bumugso para sa sanlibutan. O bukal ng buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin mo ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang iyong sarili para sa aming lahat.--"

"Ara, meeting daw sabi ni boss" itutuloy ko sana ang prayer kaso si boss ang nagpapameeting kaya di ko na tinapos ang dasal, humingi na lang ako ng tawad at nag antanda na bilang pagtatapos sa dasal.

di ko alam pero kinakabahan ako hindi dahil sa meeting namin kay boss ngunit dahil hindi ko natapos ang dasal pero sabi naman ni lolo kung di matatapos ang pag dadasal dahil may emergency ay humingi lamang ng paumanhin at mag antanda, yun nga ginawa ko kaya magiging okay ako.
natapos ang meeting at medyo worried pa din ako pero dala na din ng matinding pananampalataya ay alam kong hindi ako mapapano. Lumipas ang ilang buwan at wala naman nangyaring masama kaya ay nakahinga na din ako ng maayos.

Nasa elevator ako at medyo siksikan pa ito, kaya nagtutulakan, hindi naman overload ngunit maingay at nag haharutan ang mga call center na kasabay ko na papunta sa 28th floor, ako naman ay sa 25th floor, ngunit tumigil at namatay ang ilaw sa elevator nung nasa bandang 14th floor na kami. di ko na napansin ang oras dahil nag papanic na din kami sa loob ng elevator.
Pagkatapos ng ilang minuto ay umandar at naayos na din ang elevator ngunit pagtingin ko sa oras ay mistulang gumuho ang mundo ko sapagkat 3:05pm na pala.

Agad kong chinat ang parents ko na hindi ako nakapag 3pm prayer, nag reply naman sila na mag dasal agad agad at humingi ng tawad ngunit di ko na iyon nagawa dahil biglang nag patawag ng meeting si boss.

Di ko alam pero kinutuban ako ng di maganda sa pedeng mangyari sa akin.
All my life ngayon ko lang nakaligtaan ang pag dadasal ng 3pm prayer.
Gulong gulo na ako, kaya pagkatapos ng meeting ay nag early out ako, kinatwiran ko na lang na medyo trauma ako sa elevator kanina, kaya pinayagan naman ako, di na ako nag elevator pababa, nag hagdan na lang ako.
habang pababa ako sa fire exit ay animo'y may sumasabay sa akin na di ko nakikita pero rinig na rinig ko ang mga yabag sa likuran ko, napapadasal na lang ako ng our father sa utak ko, pero habang nag dadasal ay may binabanggit ang nilalang na sumasabay sa akin.
"kukunin kita, kukunin kita, kukunin kita" kukunin kita paulit ulit niyang sinasabi napatakbo ako pababa at agad agad na lumabas sa fire exit pag dating ko sa ground floor,
ay saktong kalsada naman ang baba ng fire exit kaya agad akong tumawid ngunit di ko napansin ay  may rumaragasang SUV pal ana ang mabilis mag patakbo.
next thing i knew nirerevive na nila ako sa hospital.
nakikita ko ang parents ko, si lolo at lola at mga kamag anak namin na nag dadasal ng rosaryo habang nirerevive ako ng mga doctor.

"clear" sigaw ng doctor,
"clear" pag uulit ng doctor, nakita ko ang sarili ko na nirerevive at ako, eto nakatayo sa tabi ng katawan ko naiiyak ako dahil lang sa pagkakamali ko at nakaligtaan ay eto na ako.
"hahaha" isang matinis na tawa ang narinig ko mula sa aking likod. kasabay nun ay nagsalita ito "akin ka na"

napapaiyak ako dahil sa takot sa nilalang sa likuran ko, di ko makuhang lumingon dahil sa takot ngunit nag kalakas loob na lang akong mag tanong ditto.
"bakit? Bakit, ano bang nagawa ko?"

tumawa lang siya ngunit sinagot niya ang matagal nang katanungan sa aking isip ko.

"dahil di ka nakapag dasal sa alas tres ng hapon, ang Lolo mo ang may kasalanan sa sumpa nang pamilya niyo. Nakipag kasundo siya sa akin noon, ngunit hindi siya sumunod sa kasunduan, binali ang niya ang aming kontrata at nanalig sa Diyos niyo. At bilang kabayaran ay kukunin ko ang kanyang mga mahal sa buhay hanggang sa ka apo apohan niya bwahaha,
Malas mo naging apo ka ng taong walang Diyos, ngunit dahil pinakasalan niya iyong lola na si Amanda ay nag bago na ang lahat, naniwala siya sa Diyos niyo at nakahanap ng paraan para di ko kayo makuha. Yun ang mag dasal sa oras na ginawa namin ang kasunduan"
Medyo luminaw na ang lahat sa akin, kaya pala ganun na lang nila kami pursigihin magdasal, kaya pala ganun kami kalapit sa Amang may likha
"anong oras iyon" isang tawa nanaman ang pinakawalan niya bago siya sumagot
"alas tres ng hapon" sagot nito, 
ngayon alam ko na.

"Time of death: 3:00pm" rinig kong banggit ng doctor.

isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko, bago ako kaladkarin ng nilalang na nasa aking likuran.

Sari-Saring Kwento ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon