Usok

279 1 3
                                    

Maliit pa lang ako ng natutunan ko ang pangagamot. Galing ako sa lahi ng mga mangagamot o madalas na tawag ay faith healer, minsan

mag  magtatawas pero madalas fake healer, mangagantcho or manloloko.
Pero iba kami kasi sa bundok talaga kami at doon ako tinuruan at sinanay ni lolo.
Bata pa lang ako, lolo ko na ang nag aalaga sa akin dahil maagang pumanaw ang mga magulang ko
sa di ko alam na dahilan.

"Grace, tara na"
"oho nandyan na po" mabanaag na tungon ko kay lolo. Lilisanin namin ang baryo namin
dahil pinapalipat na kami ng mga pinsan ko sa maynila. Wala naman akong magagawa kung di ang sumunod lang sa
kanila.

"lolo, natatakot ako. di naman ako sanay sa ganung lugar, mas gusto ko po dito sa bundok
malayo sa kabihasnan"

"wala na tayong magagawa apo, pinapaalis na din tayo dito dahil malambot na ang lupa, kita mo naman
naka ilang landslide na ang meron tayo" 

napabuntong hininga na lang ako at nag lakad palabas ng baryo namin. Marami akong mamimiss dito, pero kailangan eh.

lumipas ang walong oras at mahigit pa narating na din namin ang maynila, sa mga pinsan ko kami tumira ni lolo.
Mayaman sila kasi nakapag asawa ng mayaman si tita, mabait naman sila kaya sana walang maging problema.

"lolo, insan" sigaw ni artur,  siya ang bunso kong pinsan. dalawa lang naman ang anak ni lolo
si tita at si mama.

"lo, pasok ho kayo pati ikaw insan" tumalima naman kami ni lolo. Nakita ko pa ang dalawa ko pang pinsan na si
ivan at justine. binati din nila kami, maya maya ay dumating na rin si tita.

Halata kay tita na medyo ilang siya sa akin, ewan ko bata pa lang ako ay ayaw niya na sa akin, kulang na lang ay ipamigay niya ako
pero pinag tatanggol ako ni lolo, di ko talaga maunawaan bakit ganun si tita, pero kabuuan masaya pa din ako kahit papaano ay kumpleto kami. Siguro kung nabubuhay si mama at papa
mas masaya.

Lumipas ang ilang araw kong pamamalagi dito ay madalas sinusungitan ako ni tita, hanggang sa isang beses
nakita ko siyang bigla na lang nawalan ng malay sa kusina habang nagluluto. agad akong tumawag ng saklolo sa mga pinsan ko, nang may mapansin akong isang maitim na usok na lumulukob kay tita
di ko maintindihan pero ang itim ng usok na un.

Di ko pa yun nakikita kahit kailan, pero sobrang kinilabutan ako ng makita ko ang mga pulang mata
na nakukubli sa itim na usok.

Ilang araw ng walang malay si tita, madalas kung magigising siya ay nag wawala siya.
Di malaman ng mga doctor kung anong sakit niya
Gusto ko man siyang tulungan pero kabilin bilinan ni lolo wag daw ako lalapit kay tita.
Di ko na maintindihan, pero sinisisi ako ng asawa ni tita bakit daw siya nag kaganun
Pero lagi lang ito sinasaway ni lolo.

Lumipas pa ng ilang linggo lalo pang lumala ang kalagayan ni tita naawa na ako sa kanya,
Kaya isang beses pumuslit ako sa kwarto ni tita, pumasok at naghilakbot ako sa nadatnan ko. Nandun nanaman ang itim na usok nalumulukob kay tita pero this time nakita ko na anong elemento yun, isang engkanto ng kagubatan. Elemental isang elemental, itim na elemental nakakatakot. Parang taga bantay ng kagubatan pero maitim na pagkatao ewan ko ngayun lang ako nakakita nang ganyang nilalang.

"S-sino ka?" Natatakot kong tanong dito, tinignan niya lang ako
"S-sino ka, lubayan mo si tita" sigaw ko sa kanya, tumawa lang ito na animo'y nakakatakot na tawang nangaasar pa.
"Bakit ko lulubayan ang taong nag pahirap sa mag ina ko" nagulat ako sa sinabi niya. Yung boses ay may pagngungutya pa sa tita ko.
"Hah? Anong mag ina, anong ibig mong sabihin"  sagot ko sa nilalang.

Bago pa makatugon ang nilalang ay agad nang pumasok si lolo at ang asawa nito.

"Tigilan mo na ang anak ko! Kinuha mo na ang bunso ko pati ba naman ang panganay ko"
Tumawa lang ulit ang nilalang sa sinabi ni lolo.
"Tigilan mo na kami! Diba si grace lang ang kailangan mo siya na lang kunin mo. Salot ang batang ito" bulyaw ni tito na nakasakit sa pagkatao ko
"EDWIN! wala kang karapatan pagsalitaan nang ganyan ang aking apo" sigaw ni lolo
" bakit pa, totoo naman ah! Namatay si Ana, sa pananganak sa malignong to! Ngayon pati si Amy idadamay pa"

Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni tito at lolo, akmang sasagot na sana si lolo nang humalakhak ng malakas ang elemento at sabay nag salita

" magdudusa ang babaing ito, katulad ng pagdurusa ni ana at ni grace. Oo isa akong engkanto pero ang mag ina ko ay tao, pero parang hayop niyo itrato. Ikaw Mario salamat sa pag aalaga sa anak ko pero ang maltratuhin ang anak ko ay di ko lubos matatangap"  pag kasabi nun ay nag sisigaw si tita at halos nag wawala. Di ko na alam ang nanyayari.

Ako ako ang anak ng nilalang nito.
Di ko alam..
Naguguluhan ako, ayaw ko nang malaman ang totoo.
Napaiyak na lang ako habang nagkakagulo sila at impit na mga sigaw ni tita ang umaalingawngaw sa buong kwarto at nakakahimbal na tawa ng nilalang habang pinapahirapan si tita.

" TAMA NA!!! " Sigaw ko napahinto naman sila at tumahimik ang paligid.
" gusto ko man malaman ang lahat pero ayoko na, ayaw ko na. Ikaw nilalang kung ama kita ititigil mo na to. Sasama na lang ako sayo para wala nang masaktan at maghirap"

Sigaw ko, pinipigilan ako ni lolo pero wala na akong magagawa eto ang kailangan ko. Kailangan namin para tumahimik na ang buhay ng pamilya ko.

Nahimatay ako, at bago ako mawalan ng malay ay naramdaman kong buhat na ako ng nilalang papunta sa kawalan.

--END

Sari-Saring Kwento ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon