Umaalingawngaw sa presinto ng purok kwatro ang isang iyak at sigaw ng kaluluwang babae.
Ilang beses ng binasbasan at pinadasalan ang naturang istasyon ngunit sobrang lakas ng enerhiyang pinakakawalan ng poot at galit ng kaluluwa.
Kaya minabuti na lang ilipat ang istasyon ng pulisya sa karatig bayan upang hindi na rin matakot ang mga preso rito.
Matatandaan na nangangalang Teresa ang nagpakamatay dito at mula noon, ay may mga kakaibang pangyayari na ang naganap at walang preso ang tumatagal na makulong sa naturang lugar. Dahil kung hindi magpapakamatay, ay mamatay o di kaya mababaliw ang mga ito sa di malamang dahilan.
Mula nga noon ay nabakante at nagmistulang Hunted building na ang dating masiglang police station.
Sa di malamang dahilan, si Teresa na iisang tao lamang ay nagkaroon ng split spirit o tinatawag na paghihiwalay ng kaluluwa.
Siya ay may split personality noong nabubuhay pa siya at tinatayang may sampung lalaki ang napatay ng isa pa nitong katauhang bilang si Yna.
"Paanong nangyari?" Gulat na tanong ni Teresa, sa babaeng kaharap niya. Kitang kita niya na magkamukhang magkamukha sila, magkaiba lang ang mga mata nila. Dahil si Teresa ay may Asul na mata at samantalang si Yna naman ay may mapupulang mata.
Tanging ngisi at tawa ang pinakawalan ni Yna bilang tugon kay Teresa. Magkahiwalay man sila ngunit di sila pedeng maglayo, kaya lahat ng pagpatay na ginagawa ni Yna sa mga preso ay alam ni Teresa.
Lungkot, sakit at pait ang nararamdaman ng dalawang kaluluwa, dahil inabanduna na ang naturang gusali ngunit silang dalawa ay nakakulong pa rin dito.
Sa kabilang banda, may kakaibang demonyo ang sumusubaybay sa dalawa. Natutuwa ito sa twing nakikita niya ang galit sa puso ni Yna, at di nag tatagal ay nahahawaan na rin nito si Teresa.
Kaya isang beses, habang nagpapaikot ikot ang kaluluwa ng dalawang babae.
Nagpakita sa kanila ang demonyong si Aragog.
"Si-sino ka?" Tanong ni teresa,
"Wag kang matakot Teresa, nandito ako para tulungan kayo ni Yna" wika ng demonyong biglang nag palit anyo bilang isang gwapong lalaki.
Napa ngisi naman si Yna sabay sagot "paano mo kami tutulungan? Anong kapalit"
Napatawa si Aragog at sinagot ang tanong ng Babae "simple lang! Kaluluwa niyo ang kapalit!" Napataas ang kilay ni Teresa at akmang sasagot ngunit inunahan na sila ni Aragog.
"Huwag kayong matakot! Tutal nasa dilim naman na kayo, kaya mas magandang sa akin na lang ang kaluluwa niyo. May magagawa pa kayong tulong sa akin, saka makakapag higanti pa kayo sa mga lalaki!" Salita nito na sinundan nang nakakalokong tawa.
"Paano, anong gagawin namin?" Tanong ni Yna at halatang naiinip na at sabik sa sinasabi ng lalaki.
"Simple lang, gagawa tayo ng kasunduan. Akin ang kaluluwa niyo, kapalit nun ay makakatikim kayo ng tawag ng laman at makaganti sa mga lalaking puro lang kamunduhan" napataas ang sulok ng labi ni Teresa, alam niya sa sarili niya na gusto niya ring makatikim ng sarap na tanging si Yna lang ang nakakagawa noong nabubuhay pa siya. Kaya tumango siya at sabay nagsalita.
"Sige deal" tumawa naman si Yna at Aragog.
Maya maya pa ay nilabas ni Aragog ang isang kontrata. Pinirmahan agad iyon ni Teresa at Yna gamit ang mga dugong umaagos sa kanilang kaluluwang katawan.
Pagkapirma nila nun, ay nagmistulang apoy ang paligid. Napuno sila ng mga kakaibang usok at isang nakakakilabot na tinig ang nagsalita galing sa taas.
"Welcome in Hellenencians Pornsite!"
Isang mahabang katahimikan ang nangibababaw sa kanila at kasabay noon ay init sa katawan ang naghari.
Wala sa sariling nakipag talik ang dalawa kay Aragog, na lubos na kinatuwa ng demonyo.
Isa ito sa mga plano niya, ang makuha ang kaluluwa at matikman ang kakaibang sarap ng kamunduhan.
Pumaimbabaw ang pagnanasa sa kanilang kalamnan.
"Arghhh, ughhhh" pawang mga ungol at palitan ng haplos sa katawan ang ginawa ng tatlo.
Sa kabilang parte ng pangyayari, isang lalaki ang aksidenteng na click ang bagong link ng pornsite na iyon.
At talagang kakaibang sensasyon ang bumaimbabaw bigla sa lalaking nanonood ng kasalukuyang porn.
Maya maya pa ay nagulat ang lalaki, na ang dalawang nag gagandahang Dyosa sa porn na pinapanood niya ay nasa harap niya na at siya na ang nirurumansa.
Ang tanging imahinasyong nakapaloob sa maikling video na iyon, ay naganap sa kanyang silid.
Mga ungol, ulos at mainit na sensasyon ang kanilang pinagsasaluhan.
Habang ang demonyong si Aragog ay sayang saya sa pinagmamasdan.
Maya maya pa ang mainit na tagpo ay nauwi sa malagim na karahasan. Ang lalaking naliligo sa kanyang init na kamunduhan, ngayon ay nababalot na nang walang sawang pag agos ng malalansang Dugo.
Biglang nag salita si Aragog "anong pakiramdam ng mainit na pagnanasa, kasunod ay ang masarap na pagkitil ng buhay ng walang silbing malibog na nilalang?"
"Masarap at napaka sarap" wika ni Teresa, na animo'y noon ay maamong tupa ngunit ngayon ay nabalot na rin ng dilim at kasalanan ang katauhan nito.
"Mabuti, mula ngayon ayan na ang inyong magiging trabaho. Makipagtalik sa taong nanonood ng Porn sa ating pornsite, papatayin sila at" di na natapos ni Aragog ang sasabihin dahil na agaw nang isang impit na ungol ang atensyon nito.
Nakita nila ang kaluluwa ng lalaking unang biktima nila. Ang nakikipagtalik at nakikipag palitan ng maiinit na halik kay Teresa. Napangiti at napahalakhak naman sina Yna at Aragog sa kanilang nasasaksihan.
"Magaling Teresa, magaling" wika ni Yna, sa babaeng dahilan bakit siya nabuo.
Ungol, at talamsik ng naguumpugang katawan ang pinagmamasdan nina Aragog nang muli itong nag salita
"At habang buhay na pagkakulong sa makamundong Pornsite na ito ang kaluluwa ng inyong magiging biktima. Sila rin ay magiging alipin ng makamundong pagnanasa tapos kikitilin ang buhay ng mga malilibog na nilalang na magagawi sa ating misteryosong palabas"
Kasabay nun nagpakawala ng mahabang sigaw si Teresa dahil sa sarap na ginagawa nila ng lalaki. Halakhak at tawa naman si Yna, at si Aragog ay tanging mga ngiting nakakaloko.
Paano ba yan, Ikaw na nagbabasa at nakikinig nito ngayon! Gaano ka mapagnasa sa mundong tawag ng laman. Baka mamaya sumunod ka na sa kanila. Wag basta basta manonood ng porn, mamaya si Teresa at Yna na pala ang iyong nakikita.
#end
BINABASA MO ANG
Sari-Saring Kwento ng Kababalaghan
HorrorBlack Dale Collections Composed of Horrors/SPG/gore stories