3rd Person's POV
Matapos ang isang matagumpay na event na pinangunahan ng Business Department, nagsama-sama ang mga estudyante sa isang bar upang mag-celebrate. Karamihan sa dumalo ay mga estudyante mula sa nasabing Department, pero may ilan din namang naimbitahan na mula sa ibang departamento.
Kasama sa mga dumalo si Louis at ang dalawa niyang kaibigan. Sa totoo lang ay hindi niya talaga gustong pumunta lalo na at hindi rin naman siya sanay sa lugar na maraming tao.
Subalit heto siya ngayon at mukhang nagawan ng mga kaibigan niya ng paraan mapilit lang siya pumunta.
Tahimik lamang siya sa isang sulok sa loob ng bar habang ang mga tao ay maingay na nagkakasiyahan.
Maging mga kaibigan niya ay namumula na ang mukha bunga ng naparami nilang inom ng alak.
"Pre, ito inumin mo," alok ni Cedrick sa binata.
Alam ni Louis na hindi siya titigilan nito hangga't hindi niya tinutungga ang laman ng baso.
Ginatungan pa ito ng girlfriend ni Cedrick na mag-isang sumisigaw ng 'Shot! Shot! Shot!'
Labag man sa loob niya ay isang lagukan niyang ininom ang alak. Ramdam niya ang pagguhit ng inumin sa lalamunan niya.
Hindi ito ang unang beses na uminom siya subalit hindi pa rin masasabi na sanay na siya. Kalimitan kasi ay isang baso lang ang iniinom niya mapagbigyan lang ang kung sino man ang nag-aalok sa kanya.
Pero iba ngayon dahil lasing na siya matapos siyang painumin ng mga kakilala niyang lumalapit sa pwesto nila upang makipag-usap.
Lumagpas na ang nainom ni Louis sa normal na bilang na kayang tanggapin ng katawan niya kaya dala na rin ng espirito ng alak ay sunod-sunod na niyang iniinom ang lahat ng inilalapag sa harap niya.
"Mic test!" pag-agaw ng atensyon ng isang lalaki mula sa mini-stage na ikinatahimik ng lahat.
"Para mas sumaya ang gabing ito, inimbitahan namin ang isang sikat na banda mula sa school and I'm pretty sure na kilala niyo sila. Everyone! Please welcome, The Outcasts!!!" masiglang pagpapakilala nito.
Sigawan ang bumalot sa loob ng bar matapos marinig ang pangalan ng banda. Mas tumindi pa ingay mula sa mga tao lalo na sa kababaihan nang magsipuwesto na sa stage ang miyembro ng banda.
Sikat ang The Outcast hindi lamang sa loob ng university pati na rin sa labas. Kung tutuusin ay tila celebrity ang mga ito dahil na rin sa mga sikat nilang covers ng kanta sa youtube na may milyong mga views. Idagdag pa ang apat na magagandang lalaki na miyembro ng banda na higit pang nagpadagdag sa kasikatan nila.
Napuno ng masayang musika ang buong silid na sinabayan pa ng pagkanta mula sa mga nakikinig. Nakailang kanta rin sila bago matapos.
Isa sa pinakasikat sa banda ay ang lead vocalist nito. Patunay dito ang napakaraming babae na nakapalibot sa kanya na nag-aalok sa kanya ng alak, humihingi ng letrato at pilit na sinusubukang kunin ang cellphone number niya. Pero hindi man lamang niya pinagtuunan ng pansin ang mga ito.
Samantala, sa mesa kung saan nakapwesto sina Louis at mga kaibigan niya ay nabalot ng maitim na aura.
Mula ito sa mga kalalakihang naiinggit at nagpapauulan ng matalim na tingin sa pwesto ng bokalista.
BINABASA MO ANG
Kung hindi rin lang Ikaw [BXB] - slow update
Romance"Magkaiba ang mundo nating ginagalawan. Magkaibang takbo ng buhay ang ating sinusundan. Kaya nagpapasalamat ako sa tandhana dahil pinagkrus niya ang ating landas." -Juan Miguel "Kung hindi rin lang Ikaw" This is a work of fiction. Names, characters...