Louis
Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng aking alarm. Wala namang klase pero kailangan pa rin namin pumasok ngayong araw.
Wala ng isang buwan bago ang fund raising activity ng University at lahat ng year levels mula sa iba't-ibang department ay abala sa paghahanda. Makikita mo talaga ang commitment ng mga clubs at estudyante. Matagal pa naman kung tutuusin pero ganito na talaga ang naka-ugalian dito taon-taon para sa fund raising event. Para na rin daw talagang maghandaan.
Kung ako lang ang magdedesisyon, mas pipiliin ko pang matulog na lang maghapon sa bahay o kaya ay dumalaw sa probinsya. Sorry, kaso ganito lang talaga ako.
"Yes 'Ma. Mukhang malabo pong makauwi ako d'yan this month eh," nakasimangot kong sagot kay mama sa kabilang linya. "Pero promise po na once matapos po itong event, I'll make sure na makakadalaw ako diyan," pahabol ko.
Simula ngayong araw hanggang sa araw ng event, hanggang tanghali lang ang klase ng mga estudyante. Sabi ko nga, nakagawian na. Ito ang paraang naisip ng management ng University, siguraduhin lang daw na magpa-participate ang lahat. Kung magustuhan daw nila ang kalalabasan ng okasyon ay hindi malabong magbigay sila ng insentibo sa lahat.
Kakaiba rin naman kasi ang 'incentive' mula sa University, masyadong bigatin. Last year, pera ang ibinigay nila sa 4th year ng College of Education. Sayang lang dahil muntikan na namin makuha.
Effective naman base sa nakikita ko pagkarating na pagkarating ko sa Univesity. Wala pa ang tanghali at may klase pa ang ibang estudyante pero may mangilan-ngilan na okupado na agad sa pag-aasikaso ng plano nila. Motivated ang lahat sa maari nilang matanggap.
Kakaiba rin dito sa university namin, umaga hanggang hapon lang klase at ang gabi naman ang nakalaan para sa ibang club activities dito. Tapos ngayong buwan ay hanggang tanghali na lang ang ilalaan ng estudyante para sa acads nila. 'Yon nga lang inulan kami last week ng sangkaterbang exams at quizzes.
Rinig ko ang buntong hininga ni mama, ["sige anak. Miss na miss ka na namin dito. Si Iris lagi kang hinahanap, si papa mo naman laging busy sa office—-"]
"Kalma lang Ma," pagputol ko sa kan'ya, "kaya ko nga kayo tinawagan. Bilang matagal din bago ako makauwi, itatanong ko lang po kung available kayo sa araw ng event. Baka gusto ninyong pumasyal dito sa university."
["Syempre naman anak. Sabihin ko sa papa mo at kay Iris. Siguradong matutuwa ang dalawang 'yun,"] ramdam ko ang excitement ni mama.
"Sige po, Ma. Pakisabi nalang po na tumawag ako. Ingat po kayo lagi d'yan. Love you po."
["Mahal ka rin namin anak. Ingat ka rin lagi."] Dito naputol ang usapan namin ni mama.
Mag-isa akong nakatambay sa cafeteria habang hinihintay ang mga kaibigan ko. Ngayong araw ang remedial exam ng mga hindi nakapasa sa exam namin at kasama doon sina Iana at Ced pati ang ibang kasama namin sa para sa event.
Mabuti na lang at hindi major exam ang binagsak nila.
May meeting na naka-schedule ang 3rd year students ng Business Department. Pag-uusapan namin ang gagawin ng department namin para sa taong ito.
Nag-text na rin ako kay Ced na puntahan ako dito pagkatapos nila.
Wala naman akong gagawin habang naghihintay kaya isa-isa kong binuksan ang SNS accounts ko. Matagal na rin nang huli kong buksan ang mga ito. Nagdadalawang isip pa nga ako noong una pero wala akong choice. Kailangan kong makita kung ano ang ipino-post nila tungkol sa akin.
Scroll lang ako ng scroll habang nagbabasa hanggang makita ko ang isang post tungkol sa insidente sa bar. Binuksan ko ito at binasa ang mga komento nila isa-isa.
BINABASA MO ANG
Kung hindi rin lang Ikaw [BXB] - slow update
Romance"Magkaiba ang mundo nating ginagalawan. Magkaibang takbo ng buhay ang ating sinusundan. Kaya nagpapasalamat ako sa tandhana dahil pinagkrus niya ang ating landas." -Juan Miguel "Kung hindi rin lang Ikaw" This is a work of fiction. Names, characters...