Louis
Nasa gitna kami ng meeting kanina nang magsimula ang isang broadcast. Naputol tuloy ang pinag-uusapan namin para makinig saglit.
"Pre, ito yung iced coffee mo oh," inabot sa akin ni Ced ang pinabili ko sa kaniya kanina saka tumabi sa kaliwa ko.
Hindi rin naman kami magkakaunawaan dahil sa broadcast kaya minabuti namin na mag-break muna.
"Salamat."
["Siguradong marami ang susuporta sa concert niyo sa fund raising event ng Uni. Pero bago ka magperform, may ilan lang kaming mga katanungan para sa'yo. Sayang nga lang at wala ang ibang miyembro ng The Outcasts. Don't worry, hindi na ito kasama sa video na ire-release ng Uni natin."]
Napapagitnaan ako ngayon nina Cedrick at Iana. 'Yong iba naman naming kaklase ay umalis din muna saglit. Babalik nalang daw sila mamaya.
Hawak ang aming mga inumin, tahimik lang kaming tatlo na nakikinig.
["Sige. Handa na ako."]
["Kumusta naman ang banda niyo, especially ikaw, matapos kumalat ang video ng nangyari sa bar?"]
"Okay ka lang Lou?" nag-aalalang tanong sa akin ni Iana matapos kong maibuga ang iniinom ko. Mabuti na lang at hindi nadumihan ang damit ko. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko saka pinunasan ang kape na kumalat sa bibig ko.
["Kinalimutan ko na 'yon. Tuloy-tuloy pa rin naman ang mga gigs na dumadating sa banda. Kahit sa mga fans, hindi naman sila nagbago after ng insidente."]
["I see. Pero how will you explain naman ang mga pictures sa social media. Ilang beses kang nakunan ng litrato na kasama 'yong lalaking hinali-ehem-sumuntok sa'yo. Estudyante rin pala siya dito sa University."]
["About 'don sa mga pictures, nakita ko siya ng time na 'yon. Hindi naman siguro masama kung mag-usap ang magkaibigan, 'di ba?"]
""Magkaibigan?"" sabay na tanong ng dalawa. Alam nilang dalawa ang tungkol sa sinasabing picture na magkasama kami. Kanina kasi ay nagmamadaling ipinakita nila 'yon sa akin pagdating sa cafeteria.
Sunod-sunod na iling ang ginawa ko bilang pagtanggi.
Mabuti naman at hindi ko na naibuga ang iniinom ko.
"Iku-kuwento mo sa amin 'yan mamaya. Lahat-lahat. May utang ka sa amin," pagbabanta ni Iana.
"Wala ka namang trabaho mamaya 'di ba, tapos linggo naman bukas. Labas tayong tatlo, pre," aya ni Ced.
Gusto ko sanang tumanggi, problema nga lang ay sigurado akong pupuntahan na naman nila ako sa unit kapag hindi ako pumayag. "Sige sige, text mo na lang sa akin kung saan."
["That's good to hear. Maiba naman tayo. Bilang patuloy kayong sumisikat, dinudumog rin kayo ng fans niyo, at I'm sure na with your looks imposibleng wala pa kayong lovelife. So, may nagpapatibok na ba sa puso ng isang Juan Miguel Reyes?"]
["..."]
Wala kaming narinig na sagot. Hindi naman sa naghihintay ako. Parang kinilabutan ako na ewan.
["Ano kaya ang sagot sa kahulugan ng matamis mong ngiti na 'yan? Hmmmm. Sabi nga nila 'silence means yes'. Well, that's the end of our interview. The moment is yours now. Everyone, ang bokalista ng bandang The Outcasts, Juan Miguel Reyes!]
["Ang kantang ito ay para sa lahat ng mga nakikinig...
Saglit siyang tumigil sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
Kung hindi rin lang Ikaw [BXB] - slow update
Romance"Magkaiba ang mundo nating ginagalawan. Magkaibang takbo ng buhay ang ating sinusundan. Kaya nagpapasalamat ako sa tandhana dahil pinagkrus niya ang ating landas." -Juan Miguel "Kung hindi rin lang Ikaw" This is a work of fiction. Names, characters...