Part 6 🍀

21 3 0
                                    

Miguel

Kanina pa kaming tahimik na nakaupo dito. May ilan na pinagtitinginan kami, nagtataka siguro kung bakit kami magkasama.

Ito namang kaharap ko, hindi man lang ako pinapansin. Okay lang. Ini-enjoy ko naman ang nakahain sa harap ko.

"Uy," hindi ko matiis na hindi s'ya kausapin.

"...."

"Pansinin mo naman ako," pakiusap ko sabay pakita ng matindi kong puppy eyes.

"..."

Aba at mukhang wala pa rin.

Abala lang siya sa nilalaro niya sa phone niya habang nakapasak sa magkabilang tainga ang kaniyang earphones. Pumayag nga siya na samahan siya basta 'wag ko lang daw siya guguluhin. Pero dahil napakamasunurin ko, kukulitin ko pa rin siya.

Sige. Kakausapin na lang kita kahit hindi ka nakikinig, "Louis, anong gusto mong itawag ko sa'yo?"

"..."

"Louis?"

"..."

"Lou? Nalaman kong tawag daw 'yan sa'yo ng kaibigan mo eh."

"..."

"Eh kung L nalang katulad ng sa isang character sa paborito kong anime. And I'm sure na ako lang ang tatawag sa'yo n'yan."

Alam ko nagmumukha na akong tanga dito. Panindigan ko na lang din.

"..."

Tahimik pa rin siya, "kung ayaw mo, pwede naman ang mas intimate ang dating like baby, love, mahal," mapagbirong suhestiyon ko sa kaniya. Natawa ako sa sarili ko. Self support.

Inalis niya sa pagkakalagay ang earphone isa niyang tainga at binigyan ako ng masamang tingin habang magkadikit ang dalawang kilay.

Narinig ba niya ang mga sinabi ko?

"Wala ka bang plano ngayong araw?" naiinis niyang tanong. Sungit naman.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 'Wag mong sabihing-  "Teka, masyado ka naman yatang mabilis para ayain ako sa date."

"Ano ba ang pinagsasabi mo?" Inalis na din niya ang natitirang earphone sa kabilang tainga. "'Di ba may banda ka. Halos lahat ng estudyante dito busy, nagtataka lang ako at napakadami mo naman yatang oras para maglakwatsa."

Napakamot ako sa likod ng ulo ko. "Ahhh 'yun ba? tumakas ako eh," nakita ko siyang umiling.

Kanina pa siguro ako hinahanap sa studio. Wala akong pinagsabihan sa kanila na pupunta ako dito tapos naiwan(iniwan) ko pa ang cellphone ko.

"Sa tingin ko dapat bumalik ka na."

Talagang gusto mo na akong umalis ah.

"Nope," kontra ko at umiling na parang bata. Tingnan nga natin kung effective.

Sumeryoso ang mukha niya. Napangiti ako. Gumana.

"Ikaw bahala kaso mukhang naghihintay ang kabanda mo sa'yo oh," turo niya sa taong nasa likod ko. Si Clay. Patay.

Napatayo ako at humarap kay Clay, "ano'ng ginawa mo dito?"

"Ikaw ang dapat kong tanungin, ano'ng ginagawa mo dito?" usisa nito at tiningnan si Louis.

"Ahh Louis si Clay nga pala kabanda ko at Clay si Louis bago kong kaibigan," pagpapakilala ko sa dalawa. Nagpalitan lang ng tango ang dalawa. Mukha namang magkakilala naman na sila.

Binalik sa akin ni Clay ang tingin, "ikaw na lang wala sa studio. Galit na si Manager."

Tsk. Kita mo namang busy ako 'di ba. Makiramdam ka naman.

Kung hindi rin lang Ikaw [BXB] - slow update Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon