Louis
Hindi pa rin ako makapaniwala sa ipinakita nilang video sa akin. Dalawang araw na ang lumipas matapos mangyari ang insidente sa bar at nang kumalat ang video.
Nasagot na rin ang ipinagtataka ko nitong nakaraang araw kung bakit napakaraming mata ang nakasunod sa akin sa loob ng University.
At isa pa, matagal na palang alam ng dalawa yung tungkol dito kaso kahit isa sa kanila ay hindi man lang nabanggit sa akin.
Naalala ko pa ang sinabi ni Iana, "Akala kasi namin nakita mo na."
Sa halip na sagutin ng "Alam niyo naman na naka-deactivate ang mga accounts ko, 'di ba?" ay umalis na lang ako pagkapanood ng video. Iniwan ko ang dalawa na patuloy lang sa pagtawa dahil sa naging reaksiyon ko.
"Subukan ko sigurong buksan ang mga accounts ko," paalala ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa Uni.
Dahil may nag-upload sa mga SNS ng video at nalaman ko ang tungkol dito, medyo naiilang na ako sa paglalakad tulad ngayon. Nakakahiya, hindi dahil sa gulong dinala ko at yung pagsuntok ko sa bokalista kundi yung sa halik na nangyari sa pagitan namin.
"Hi! Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko?" tanong ng taong humarang sa harap ko.
Napatigil tuloy ako. Ang alam ko sa kabilang building ang department niya kaya ano ang ginagawa niya dito.
"Ano ka chics?" inis kong sagot sa kanya at nilagpasan siya. Gusto ko sana sabihin na 'bakit ko naman dapat sagutin' pero mas pinili kong huwag na.
"Hindi nga-" hinarangan na naman niya ako at itinuro ang pisngi niyang may pasa. "pero may atraso ka pa sa akin. Sinira mo ang maganda kong mukha."
Naiinis na talaga ako sa isang ito. Simula kasi kahapon ay nagsimula na siyang mangulit sa akin. Binomba ba naman ng sunod-sunod na tawag at texts ang cellphone ko. Ang ipinagtataka ko pa ay kung paano niya nakuha ang numero ko. Hindi naman daw binibigay nina Cedrick at Iana.
Humugot ako ng isang malalalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko. Baka samain ang loko kapag hindi ko ito ginawa.
"Okay," ramdam ko ang pagkunot ng noo ko. "Kung ito lang ang gusto mong marinig edi 'Sorry na. Patawarin mo sana ako dahil nagasgasan ko ang napakagwapo mong mukha', ano okay na?" sarkastikong paghingi ko ng paumanhin saka pilit na nagbigay ng isang pekeng ngiti.
Ngumiti ito sa narinig, "Apology accepted. Pero hindi naman yata pwedeng gano'n na lang iyon."
Pigilan niyo ako sa isang 'to.
"Ano pa bang problema? Sige magbabayad na lang ako sa'yo para sa nangyari sa bar. Para tapos na."
"Hindi ko naman kailangan ang pera mo," hinawakan niya ang kaniyang labi. Mukhang alam ko na kung saan papunta ang usapan.
"..."
"Hinalikan mo ako, remember?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Pasensya ka na huh. Pero wala akong planong makipaglaro sa'yo. At ano ka bata na masyadong big deal ang isang halik. Wait, hayaan mong itama ko ang sinabi mo, ako ang hinalikan mo."
"Yeah yeah. I don't care kahit sino pa talaga ang humalik. We kissed and that's the issue here."
Napanganga ako sa pinagsasabi ng lalaking ito. May sira ata utak nito eh. Gusto yata nito na lagyan ko pa ng pasa yung kabilang pisngi niya para pantay.
"Diretsahin mo na kasi para matapos na," halata na sa boses ko ang kanina ko pang pinipigilang inis. Napahawak na lang ako sa batok ko. May high blood na yata ako.
BINABASA MO ANG
Kung hindi rin lang Ikaw [BXB] - slow update
Romance"Magkaiba ang mundo nating ginagalawan. Magkaibang takbo ng buhay ang ating sinusundan. Kaya nagpapasalamat ako sa tandhana dahil pinagkrus niya ang ating landas." -Juan Miguel "Kung hindi rin lang Ikaw" This is a work of fiction. Names, characters...