Part 4 🍀

20 3 0
                                    

Miguel

"Uy bro!" tawag sa akin ni Red, ang aming bassist. "Mamaya na ulit 'yan. Baka makita ka pa ni Ashley, alam mo naman ang isang 'yon."

Tinitigan ko pa saglit ang screen ng phone ko. Naghihintay.

Wala pa rin.

Agad kong ibinaba ang phone ko para bumalik sa practice. Kanina pa ako tawag ng tawag sa lalaking nag-iwan ng souvenir sa aking mukha. Sunod-sunod din ang pinapadala kong messages sa kanya pero kahit isa wala man lang siyang reply. Ano pa ba ang dapat kong gawin?

"Sure ka ba sa number na nakuha mo?" tanong ko kay Blue, kakambal ni Red at ang aming gitarista.

"Syempre naman. Ako pa with my connections," puno ng kumpyansang sagot niya.

Isang tango lang ang isinagot ko kay Blue. Tiwala naman ako sa 'connections' niya.

"Ready guys! 1, 2- 1, 2, 3," bilang ni Clay kasabay ang beat mula sa drum sticks niya hudyat ng simula ng aming ensayo.

The Outcasts

Ito ang pangalan ng aming grupo. Lahat ng miyembro ay nasa 3rd year college na dito sa XXXX University. 1st year kami nang mabuo ang banda sa hindi inaasahang paraan pero ibang kwento na ito.

May apat na miyembro ang banda, ang kambal na sina Blue at Red mula sa Engineering Department- bassist at guitarist, si Clay mula sa Business Department ang aming drummer, at ako, the one and only Juan Miguel Reyes ang bokalista na taga-Engineering Department din.

Inabot hanggang alas tres ang aming ensayo para sa gig namin this week. Sa totoo lang, hindi naman namin kailangang gawin pa ito dahil gamay na namin ang kanta. Makulit lang talaga ang manager namin na nasobrahan sa pagiging perfectionist. Speaking of manager, nandito na siya.

"30-minute break guys! After niyan last practice na para makapagpahinga kayo ng mahaba-haba para bukas," paalala ni manager sa amin.

Siya si Ashley, same year at mula rin sa Business Department. Siya ang bumuo ng bandang ito at nagsisilbing manager namin. H'wag niyo na itanong kung paano, basta nagawa niya.

Dala-dala niya ang isang plastic na may laman na meryenda.

"Mabuti naman at naalala mo pa kami pakainin, Ashley. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko," reklamo ni Red at agad na kumuha sa laman ng plastic na hawak ni Ashley.

"MA-NA-GER. 'di ba sabi ko sa'yo na 'wag mo ako tawagin sa pangalan ko kapag nasa trabaho tayo," sita niya kay Red na nag-ok sign habang puno ng laman ang bibig.

Pinanood lamang namin nina Blue at Clay ang karaniwang set-up ng dalawa. Ordinaryo na ang ganitong sitwasyon sa pagitan nila kaya hinayaan na namin.

Binuksan ko ulit ang phone ko at laking tuwa ko nang makitang may isang message notification. Excited ko itong binuksan expecting na mula ito sa taong hinihintay ko pero mula ito kay mama. Nangangamusta siya at nagtatanong kung maaga raw ba akong makakauwi. Hindi kasi ako umuwi ng dalawang araw dahil sa nangyari. Ayoko kasi na mag-alala pa siya 'pag umuwi akong may malaking pasa sa mukha. Sanay naman na siya sa pagtulog ko sa bahay ng kambal. Tinawagan ko siya at ipinaalam na maagang matatapos ang practice kaya maaga akong makakauwi. Matapos ang isang 'i love you anak' mula sa kanya ay natapos na ang tawag.

"Kumusta ang pasa mo?" tanong ni Ashley. Nang malaman niyang nasuntok ko sa isang gig namin ay sobra ang pagpa-panic niya. Gusto pa sana niyang ireklamo yung sumuntok sa akin kaso naiba ang ihip ng hangin nang malaman niya kung sino ang may gawa nito.
Sabi pa niya, "Malayo naman sa bituka 'yan."

"Okay naman manager, hindi na masyadong masakit."

"Good. Maitatago naman ang pamumula gamit ang make up. And don't worry about the video, mukhang maganda pa nga ang resulta mula nang kumalat kagabi."

Kung hindi rin lang Ikaw [BXB] - slow update Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon