Knowing The Truth About My Real Parents

0 0 0
                                    

Chapter 16.

Kristine's POV

Diba lahat naman ng gusto nyo ng asawa at anak mo e ibinibigay ko naman bakit hindi mo parin trinato na parang tunay na anak ang anak ko ha? Napaka wala mong kwentang tao- Tita said at tumawa si Myrna.

Ah talaga? Ako pa ang walang kwenta? Ikaw nga yung iniwan ang anak mo sa akin para makalandi ka!- Myrna said na agad naman ikinagalit ni tita.

Nakarinig ako ng sampal at ngayon ko lang narinig magsalita ng ganito si tita? Or should I say mama?

Ang kapal din ng mukha mo! Kung hindi ko pinaalaga sainyo anak ko asan kayo ngayon ng asawa at anak mo? Andun sa barong barong! Walang makain kahit ano!- Tita said at hindi nakapag salita si Myrna.

Myrna kapatid kita! Pero diko alam na ganyan mo trinato ang anak ko! Nagtiwala ako sayo! Lahat ng luho niya pinapabigay ko sayo pero ano? Ibinigay mo lang sa anak mo? Hahaha napaka sama mong tao! Mula ngayon? Wala ka ng aasahan sa akin! Tandaan mo tong araw na ito!- and pagkasabi niya non ay tinalikuran niya si Myrna at nakita niya akong nakatingin at umiiyak.

Kristine. Kanina ka pa diyan? Narinig mo na ba ang lahat lahat? Anak patawarin mo ako- she said ang hold my hands at lumuhod na agad ko naman siyang itinayo.

No ti- mama wala kayong kasalanan. Naging mabuti pa din naman kayo sa akin kahit na akala ko ay tita ko lang kayo. Naging isang tunay na ina naman kayo sa akin kaysa sa itinuring kong ina ng mahigit 20 years- I said and hug her.

Hays. Napaka swerte ko at napaka understanding mong bata mahal na mahal kita anak. Pagpasensyahan mo na may dahilan ako bakit ko ito nagawa- She said

Pati si Gia umiiyak sa nalaman naming katotohanan.

Hoy gia tumigil ka nga sa kaiiyak diyan. Baka makasama sa baby mo- I said and she smile

Kasi naman e nakakaiyak naman para akong nanunuod ng isang pelikula- she said and laugh. Hay nako ganyan daw talaga pag buntis emosyonal.

Umalis na kami sa bahay nila Myrna at umuwi na sa bahay. Si Gia naman e umuwi na din sa kanila.

Anak. Handa na akong sabihin sa Tito Ian mo ang katotohanan- she said while holding my hand.

Sigurado po ba kayo Mama? Hindi po ba siya magagalit?- I ask.

Di natin alam nak. Matagal ko din itong tinago sakanya.- she said na halatang kinakabahan din sa mga mangyayare.

After 30 mins nakauwi na kami at saktong nandun si tito iyan sa salas nanunuod ng basketball.

Yan sige! Shoot!!! Woaah!- sambit niya habang nanunuod ng t.v at napalingo naman siya sa amin.

Oh nandiyan na pala ang reyna at prinsesa ko halika nga kayo dito- he said and lumapit kami. Ni hug and kiss niya ako sa forehead ganon din kay mama.

Mama sat beside tito Ian at hinawakan ang kamay nito ng maigi.

Ian. Hon? I'm gonna tell you something very important. I'm really sorry- mama said to tito Ian at naging seryoso naman ang mukha ni tito.

Ano yon hon? Mukhang seryoso nga iyan ah- sabi niya at agad na ikinatulo ng luha ni mama ganon na din ako.

Ano ba yon. Sssh don't cry pati tuloy ang prinsesa ko umiiyak ano ka ba sige na sabihin mo na ano ba yon?- he said and wipe away our tears. Napaka buting tao mo talaga Tito Ian.

Hon kase, I'm really sorry. Nakwento ko naman sayo diba ang first love ko dati?- si mama na nagsimulang ikwento ang mga nangyayare.

Yes. And?- tito Ian ask.

Nagka-anak kami at si Kristine iyon. Ngayon lang din nalaman ni Kristine na anak ko siya- agad naman na mas napaluha si Mama.

Halata mo sa mukha ni tito Ian ang pagkagulat. Napatayo ito at napatalikod sa amin. Akala ko aalis na siya pero bumalik siya at inakap kaming dalawa ni Mama.

E ano naman? Mahalaga pa ba yun? Atleast totoong may prinsesa na ako sa bahay na to diba aking reyna?- he said and smile. Napaka buti niya talagang tao.

May natitira pa palang tao na kahit anong kasalanan o sikreto ang itinago  mo sa kanya ng matagal na panahon e maiintindihan ka parin niya and that's LOVE.

We started cry really hard ni mama. I hug Tito Ian and inakap niya din ako ng mahigpit.

Sshhh ano ba kayong dalawa. Wag na kayong umiyak. Mahal na mahal ko kayong dalawa alam mo namang ikaw  lang ang matagal ko ng itinuturing na anak so eto totoong anak na nga talaga kita- he said and smile

Dahil diyan! Magce-celebrate tayo okay? Mag bihis na ang dalawa kong mahal at kakain tayo sa labas- he said and binuhat niya si mama paakyat na parang bagong kasal at pinagkikiss-an

Bakit kase ngayon mo lang sinabi? Alam mo namang excited ako magka-anak diba? Hmmm ikaw talaga! Ihahagis na kita sa ilog- sabi ni tito Ian kay mama at umakyat na sila sa taas.

Napangiti nalang ako at umakyat na din para maligo at mag bihis. Siguro nga nung mga panahong bata pa ako e napaka malas ko kase sa maling tao ako naipaalaga ng mama ko. Pero ngayon naman mukhang babawe silang dalawa maramdaman ko lang ang hindi ko naramdaman nung bata palang ako.

Pumunta kami nila Tito at Mama sa Beanery at doon kumain.

Prinsesa ko anong gusto mo?- he ask

Ahm. Tito- he cut my word

Hmm? Tito? Call me Papa okay? I love to hear that prinsesa ko- he said and smile.

Hmm kahit ano po Papa- I said and smile back.

Kumain lang kami pagkatapos e dinala kami ni ti- papa sa Mall. Nag-photo booth din kame. Napaka gitna ako sakanila ni mama. We even go to Picture City at nagpa picture. Aba ang Papa ko nagpa- develop yung sa pinaka malaking frame at ilalagay niya daw sa Center ng bahay.

Natuwa naman kami ni Mama. Napaka buti talaga ni Tito Ian.

After we buy some things. Umuwi na din kame

Did you enjoy prinsesa ko?- Papa said.

Naman papa! Napaka the best mo!- I said and hug him. He just kiss me on my forehead and umakyat na sila ni mama sa taas at kitang napaka saya nilang dalawa.

Ngayon ako na ata ang pinaka masayang tao sa buong mundo. Alam ko na kung sino ang totoong ako. Hindi ko man nalaman ang totoong tatay ko atleast may taong handa pumunan nito at Si Papa Ian iyon.

Akala ko ako na ang pinaka malas na tao sa mundo pero hindi pala. Dahil merong mga magulang na sobra akong mahal at mamahalin pa.

Found My Seoul-Mate Where stories live. Discover now