Chapter 17

3.5K 76 2
                                    

Andrea's pov

Hindi ko alam pero talagang natatakot na ko kay raymond lalo na at alam ko na kaya niyang pumatay alam ko na kaya niya yung gawin kung gugugustuhin niya lang

Napag pasyahan ko na pumunta muna sa bahay nila ram mag kasama kasi sa iisang bahay sila ram,des at aine siguro dun muna ako makikitulog ngayong weekend lang naman para naman may makausap naman ako

Nag lagay muna  ako ng mga damit sa back pack ko tsaka ako nag half bath and nag bihis na ko simple lang yung sinuot ko naka ripped jeans lang ako at white shirt na may print na "I will be strong this time" tsaka lang ako naka sneakers lumabas na ako ng unit ko tsaka ko nilock pag talikod ko nagulat ako kasi nandoon si raymond at nakatingin sa akin

"saan ka pupunta?" tanong niya

"sa kanila ram wag mo sabihing bawal?"

"siguraduhin mo lang"

"oo naman"

"hatid na kita doon para makasigurado ako"

"huwag na gabi na kaya ko naman mag drive"

"hahatid na nga kasi kita" naiirita niyang sabi

"huwag na nga kasi sabi ang kulit"

"pumili ka ihahatid kita o sa unit ko ikaw matutulog"

"none of the above"

Nung hihilain nya na ako papasok sa unit niya

"sige na nga ihatid mo na lang ako" ayaw ko ngang matulog sa doon baka ano pang gawin ng isang to

"good just wait for me I will just change my clothes don't you try to escape you can't"

Pumasok siya sa unit niya ayaw ko kasing pumasok kaya dito na lang ako mag hintay sa labas

"let's go" sabi niya nakapag bihis na sya naka grey v-neck shirt na siya na may print sa gilid na 'soldier'tsaka siya naka washed jeans and rubber shoes

"yeah let's go gabi na"

Bumaba na kami papunta sa parking lot kung nasaan yung lamborgini veneno niya pinag buksan niya ko ng pinto tsaka na ko sumakay umikot naman siya para pumunta sa drivers seat

"saan pala yun?"

"tingnan mo di mo pala alam"

"syempre di ko naman sila personal na kilala ahh"

"bahala ka dyan"

"tara balik na lang tayo dun ka sa unit matulog"

"eto na nga sasabihin na... Sa may bandang taguig pa yun tapos gisingin mo na lang ako kapag nasa taguig na tayo para maituro ko yung way" sabi ko inaantok na kasi ako eh kaya matutulog muna ako

Raymond's pov

Sana lagi ka na lang tulog para di mo ko inaaway at malaya akong tignan ka

Hinaplos ko yung mukha niya "5 years kang nawala at yung 5 years na yun para akong namatay na pero nung bumalik ka sumaya ulit ako pero tinaggi ko yun kasi natabunan ng galit akala ko kasi sumama ka sa ibang lalake pero mahal na mahal pa rin kita at mamahalin pa kahit na ipag tabuyan mo pa ako gagawin ko lahat bumalik lang tayo ulit sa dati" sabi ko sa kanya habang natutulog siya

Nasa may bandang taguig na kami at dumeretso na ako kasi kanina tinanong ko kung saan ang bahay ni ramil sa may department head nila kaya di ko na sya ginising ang himbing ng tulog eh

Narating nanamin yung bahay at medyo malaki naman

"andrea gising na nandito na tayo"

"hmmm"

"gumising ka na"

Minulat niya na yung mata niya
"akala ko ba hindi mo alam yung bahay"

"pinatingnan ko sa resume nila"

Bumaba na sya ng sasakyan tsaka nag doorbell

"oyyy girl buti naman pumunta ka dito di ka na naman sumabay kanina"

"sorry sumama kasi bigla pakiramdam ko"

hinintay ko na makapasok sila pero nag kuwentuhan pa sila sa labas hayyssst

Andrea's pov

"bye sir" nakangiti kong sabi hindi nya ko mahahalikan ngayon kasi nandito yung mga kaibigan ko

"hala sir ano ginagawa niyo dito" tanong ni des

"hinatid ko lang si andrea aalis na rin ako" pag kasabi niya nun pinaandar niya na yung sasakyan niya tsaka na pinaharurot

"oyyy marami kang i eexplain sa amin"

pumasok na kami sa bahay nila at agad nila akong pinaupo

"bakit ka hinatid ni sir? Nakabalikan na kayo?" sabi ni aine

"hindi ahh tsaka wala na akong balak makipag balikan sa kanya tapos na kami"

"para sayo tapos na kayo pero parang sa kanya hindi pa" sabi naman ni des

"ang pilit kasi sabi kong ako na lang mag isa pero nag insist pa rin siya"

"ayos na yun girl atleast nakasama mo si sir pero honestly girl mas gumwapo at naging yummy"

"yay mag tigil ka nga ram"

"tumigil nga kayong dalawa" sabi naman ni des

"ayy girl totoo ba yung nabalitaan namin na nililigawan ka ni sir chase at jacob"

"oo dyosko nakaka stress nga, ayoko silang dalawa masaktan"

"dadag mo pa si raymond" sabi ni aine

"my god pati si sir raymond"

"oo"

"ikaw na girl ang haba ng buhok mo sarap putulin"

"tsaka guyss puwedeng matulog na tayo kasi inaantok na ako bukas naman"

"sige girl doon ka sa may guest room sa taas"

Umakyat na ako at pumasok na sa kuwarto nag half bath ako tsaka na nahiga sa kama

Nakaka stress tong araw na to pero ngayon gusto ko muna matulog at sana bukas okay na lahat katulad dati nung nasa america pa ko pero mukhang malayo ng mangyari yun bakit ba kasi na fall kayong dalawa bakit chase and jacob dadag mo pa si raymond hay nako ayoko masaktan sila pero paano ko yun gagawin may masasaktan at masasaktan okay na yung ako na lang masaktan wag lang sila kasi sila yung nandyan nung niloko ako ni raymond sila yung karamay at kasama ko pero vukas ko na yan iisipin matutulog na muna ako dahil for sure bukas maaga ako gigisingin ng tatlong yun para mag gala nanaman kami

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon