Andrea's POV
Ilang araw na rin akong nandito sa bahay namin. Simula kasi nung araw na pumunta kami dito ni raymond ay hindi na ako pina alis nila mom at dad. Sinabi rin nilang umalis na si raymond tinanong ko sila kung anong nang yare pero wala silang sinasabi sa akin.
Sa ilang araw na yun ay hindi nag paramdam sa akin si raymond natatakot na ako, pero ayokong naman mag duda sa kanya nag titiwala ako sa kanya pero sana huwag niya naman ako biguin. Sa mga araw na lumipas ni tawag o text manlang ay wala akong natanggap mula sa kanya.
Napaka dami ko ng text at miss call sa kanya pero ni isa doon ay wala siyang sinasagot.
"Anak halina bumaba ka muna kakain na tayo ng tanghalian hindi ka pa rin nag uumagahan" tawag sa akin ni mom
"Sige po" sabi ko at walang ganang tumayo sa higaan at bumaba.
"Anak ayos ka lang ba?" Tanong ni mom
"Opo" sabi ko at pinilit ngumiti
Wala talaga akong gana kumain pero pinipilit ko dahil ayoko namang mag kasakit kung sakaling bumalik na si raymond.
NATAPOS ang pag kain namin at kaunti lang ang nakain ko.
Hanggang ngayon wala pa ring tawag o maski text manlang. Siguro busy lang siya sa trabaho niya dahil nawala rin ako as secretary niya.
Nag pasya na lang ako na manood muna ng TV. Hindi ko naman inaasahan ang bumungad sa akin.
Ang kilalang bachelor na si Raymond Javier ang kasalukuyang may ari ng Javier corporation ay kinumpirmang ikakasal na nga siya ngayong week sa isang hindi kilalang babae. Talaga nga namang napaka suwerte ng babaeng ito. Sa palagay ng lahat ay ang kasama niya kahapon sa isang resort ang kanyang fiance.
Bigla namang may pinakitang picture at alam kong hindi ako ang nasa picture na iyon at sa picture na iyong ay karga karga ni raymond ang isang babae. Kaagad ko namang pinatay ang TV. Kaya ba hindi na ko kinakausap ni raymond dahil mayroon na siyang talagang papakasalan. Gumanti lang ba siya para sa nang yare noon. Hindi ko naman alam na ganito ang kapalit ng mga pabigla bigla kong desisyon noon pero di ba nasaktan rin naman ako noon. Kung kanina nag pipigil pa ko umiyak, ngayon yung luha ko hindi ko na mapigilan patuloy na lang itong umaagos habang ang dibdib ko ay parang pinipiga sa sobrang sakit.
Naranasan ko na to dati pero bakit parang mas masakit ngayon. Sabi nila love is sweeter the second time around pero bakit ganito bakit yung tamis bigla na lamang nag karoon ng lason na unti unting parang pumapatay sa buong pag katao ko. Sobrang sakit ang sakit sakit.
KAKAGISING ko lang ngayon hindi ko namalayan kanina na nakatulog na pala ako kakaiyak. Bumalik na naman sa akin ang lahat ng nakita ko kanina at nag babadya na namang tumulo ang aking mga luha.
Ayoko ng umiyak, tama na, maubos ka naman na oh
"Anak mag didinner na tayo" tawag ni dad
"Kayo na lang po dad busog pa po ako" pilit ko pinapaayos ang boses ko dahil baka mahalata nilang umiyak ako.
Mabilis ko namang kinuha ang telepono ko ng marinig na may tumatawag sa cellphone ko. Umaasa ako na baka si raymond ang tumatawag at sasabihing mali ang lahat ng sinabi sa TV pero bumagsak ang balikat ko ng makitang si ram ang tumatawag.
"Hello"
"Ghorl nakita mo na yung balita?" Sabi ni ram
"Oo" mahina kong sabi
"Kamusta ka? Okay ka lang ba?"
"Oo naman wag niyo kong alalahanin kaya ko to"
"Andito lang kami, laban lang ghorl"
"Kaya ko to don't worry"
Pinipigilan ko ang pag iyak ko habang kausap si ram dahil ayaw komg lalo pa itong mag alala sa akin.
"Pero ghorl hindi kaya mali lang ng information yung media"
"Nang galing na mismo kay raymond na ikakasal na siya kaya please wag mo na akong bigyan pa ng pag asa"
"Try to talk to him muna"
"Paano ko siya kakausapin kung hindi niya naman sinasagot yung mga tawag ko pati na rin mga text ko"
"Edi puntahan mo sa office niya" nung sinabi naman iyon ni ramil ay bigla ako nag karoon ng pag asa dahil sure akong nasa office niya yun.
"Oo nga, thank you ram, sige na matutulog na ko para mapuntahan ko siya bukas"
MAAGA ako nagising dahil gustong gusto ko na talaga makausap si raymond. Hindi na ko nag almusal dumiretso na ko sa office niya.
Pag karating ko sa office niya nakita ko naman agad na may bago siyang secretary. Agad akong lumapit dito.
"Hi, ahmm nandito ba si raymond?" Sabi ko
"Ma'am wala po si sir ngayon nasa meeting po siya"
"Hihintayin ko na lang siya"
"Sige po, tatawagan ko na rin po si Sir raymond" sabi nito
Nakita ko naman ung babae na kasama niya sa picture na lumabas sa TV. Agad namang lumakas ang kabog ng dibdib ko, natatakot akong baka totoo nga ang nasa balita.
"Is raymond inside?" Tanong nung babae
"He's currently on a meeting ma'am"
"Ohh okay, I'll just wait here" sabi nito tsaka nag tungo sa may katabi kong upuan.
Nakita ko naman na nag dial ito sa phone niya pero hindi ko nakita ang pangalan ng tinawagan nito.
"Hello mond" sabi nito at alam kong si raymond iyon.
"Yes I am here in your office I want to talk to you about the wedding"
"Sure I'll wait for you don't worry"
Ayoko na makinig pa sa usapan nila kaya agad agad akong umalis. Ang sakit sakit pero bakit mas masakit ngayon. Siguro kasi alam ko na sa sarili ko na totoo yung mga nakita ko.
Dumiretso nako ng uwi at nag kulong sa kuwarto ko. Iyak lang ako ng iyak kailangan ko ng mapag sasabihan dahil kung hindi mababaliw ako sa sakit.
"H-hello aine"
"Hello andrea, why are you crying?"
"Ang sakit aine, ang sakit sakit. Mas masakit pala kapag alam mo na yung totoo"
"Ano bang sinasabi mo?"
"N-nakita k-ko kanina yung babae na kasama ni raymond sa picture sa news"
"Wait susundiin kita diyan sa inyo dito ka na muna mag stay sa amin. Alam kong hindi mo mailalabas lahat ng nararamdaman mo kapag andiyan ka sa bahay niyo"
"S-salamat" binaba ko na ang tawag at pinilit ang sariling tumayo sa pag kakahiga dahil kailangan kong mag ayos.
ILANG minuto lang ang lumipas ng may kumatok sa pinto ko at nang buksan ko iyon ay si aine ang nabungaran ko. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.
"Tara na" sabi niya
"Mag paalam lang ako kila dad"
"Napag paalam na kita kanina"
"Thank you" sabi ko tsaka na kami bumaba at ang sinakyan namin ay ang sasakyan ni aine.
"Alam mo wag ka masyado umiyak" sabi niya habang nag drive na
"Ang sakit ih"
"Sige ka papanget ka niyan" sabi niya kaya naman di ko maiwasan na matawa.
"Kahit umiyak ako maganda ako" sabi ko, mabuti na lang at hindi ako umiiyak pero yung mata ko medyo mugto na.
"Basta wag kang iiyak ngayong gabi sige ka baka pangit ka bukas"
"Pake ko kung panget ako bukas"
"I'm sure may pake ka"
"Ano ba sinasabi mo?"
"Basta" sabi nito at hindi ko na lang kinulit. Hindi ito ang panahon para intindihin ko ang mga kalokohan nila.

BINABASA MO ANG
The Boss
RomanceHe hurt her without even knowing it he just know that she just left without giving any reasons. She saw something that makes her leave him without knowing his side or without giving him a chance to explain his self. Many years had passed and becau...