Chapter 26

3.3K 69 3
                                    

Andrea's POV

Kasalukuyan kaming nag lalakad papunta doon sa may karinderyang kinakainan namin palagi noong college pa lang kami. Hindi na namin dinala ang sasakyan niya dahil malapit lang naman iyon sa school namin dati

"Love alam mo isa sa mga namiss ko yung ganito...yung simple lang lahat" tumingin ako sa kanya at nginitian siya kahit ako namiss ko yung dati na sobrang simple lang yung hindi pa nagiging komplikado ang lahat

"Love anong gusto mo?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga ulam na nakadisplay sa may karinderya

"Hmmm... kaldereta na lang tsaka isang rice"

"Manang dalawang rice nga po tsaka isang kaldereta at pinakbet"

"Yun lang po ba ser?"

"Opo manang selia"

"Ay ser bakit kilala nyo ko?" Nag tatakang tanong ni manag selia habang nag sasandok ng ulam

"Hindi nyo na po ba kami natatandaan manang?" Tanong ko, napatigil naman si manang at pinaka titigan kaming dalawa

"Aba'y kayo pala yan andrea at raymond ang tagal na ng huli nyong kain dito"

"Hahaha oo nga po manang selia" sabi ko

"Hindi ko kayo nakilala agad, apaka laki ng pinag bago niyong dalawa"

"Hindi naman po manang"

"Eto na ang order nyong dalawa, mabuti naman at napapunta kayong dalawa dito"

"Dumalaw po kasi kami sa school namin kaya nag kaayaan na dito na lang po kami kumain" sabi ni raymond

"Sige po manang kakain na po kami" paalam ko kay manang, humanap na kami ng upuan at si raymond na ang nag dala ng pag kain namin

"Hmm...ang sarap pa rin ng pag kain dito" sabi ko

"Pero mas masarap ka" naka ngising bulong ni raymond kaya naman tinignan ko siya ng masama at nag patuloy na lang kumain

Nang matapos na kami kumain ay nag lakad na ulit kami pabalik sa sa parking lot ng school kung saan nakapark ang sasakyan ni raymond nang biglang mag liwanag ang paligid at nakita ko ang mga kaibigan namin na nandoon kaya nag taka naman ako. Tatanungin ko sana si raymond kaso pag baling ko sa gawi niya ay wala na siya doon. Biglang may tumugtog at alam ko ang kantang iyon

"Di ka pa rin nagpakilala Bawat araw sinusundan 'Di ka naman tumitingin Ano'ng aking dapat gawin Bakit kaya umiiwas Binti ko ba'y mayroong gasgas Nais ko lang magpakilala" lumabas naman mula sa gitna si raymond habang may dala dalng boquet ng roses

"Dito'y mayroon sa puso ko Munting puwang laan sa 'yo Maaari na bang magpakilala Bawat araw sinusundan 'Di ka naman tumitingin Ano'ng aking dapat gawin

Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

Dito'y mayroon sa puso ko Munting puwang laan sa'yo Maari na bang magpakilala Bawat araw sinusundan 'Di ka naman tumitingin Ano'ng aking dapat gawin

Kailan (kailan), kailan mo ba mapapansin ang aking lihim Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin Kailan (kailan), kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin" natapos ang kanta at di ko naman mapigilan na maluha

"Hey" naiilang nasabi niya "don't cry sabi ko di na kita paiiyakin" sabi niya habang pinupunasan ang aking mga luha

"Kasi naman ang dami mong gimik ey" sabi ko sa kanya tsaka siya hinampas ng kaunti sa dibdib

"Sorry na" sabi niya tsaka bumuntong hininga "natatandaan mo ba dito rin kita unang tinanong kung puwede ba kita maging girl friend, nung mga panahon na yun kabadong kabado ako kasi hindi ko alam baka bigla mo na lang akong bustedin at hindi ko alam anong mangyayare sa akin kung nang yare yun pero sa awa ng diyos ay sinagot mo ko at ngayong gabi sana maging ganun ulit ang sagot mo, Pero sa pag kakataon na to sisiguraduhin ko ng hindi na kita masasaktan dahil nung umalis ka parang nawalan na rin ng kulay ang mundo ko at sa pag alis mo ay ang pag kawala rin ng puso ko. Andrea alam ko napaka dami kong pag kakamali na nagawa pero ngayon handa na kong itama lahat so please sagutin mo sana ulit ako tulad ng dati, Will you be my girlfriend again Andrea?"

Ramdam ko ang kaba niya dahil sa pinag papawisan na ito, ako naman ay napatulala lang sa kanya alam kong dadating ang araw na tatanungin niya ko ulit nito at ngayon malinaw na sa akin ang lahat na mahal na mahal ko pa rin ang lalakeng ito at hindi mag babago yun

"Yes, I will always say yes" nagulat naman ako ng bigla niyang sakupin ang aking mga labi, pag katapos niya kong halikan ay niyakap niya ko

"I'm so nervous that you might say no, I love you so much Andrea Saavedra"

"I love you too Raymond Javier"

Sobrang saya ko ngayong kami na ulit at alam kong ganun rin si raymond dahil halos hindi mawala ang ngiti niua simula kaninang sinagot ko siya

Kasalukuyan na kaming pauuwi, pag katapos kanina ay nag karoon lang ng onting salo salo at dahil kumain na kami kanina ay hindi na kami masyado kumain at na pag desisyonan na naming umuwi

"Raymond next week pala pupunta ako kila mommy gusto mong sumama?" Tanong ko sa kanya

"Hmmm sure para makapag sorry ako sa ginawa ko sayo noon"

"Maiintindihan ka naman nila"

"I hope so" tsaka niya hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon "I love you"

"I love you too"

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon