Chapter 23

3.2K 74 3
                                    

Andrea's POV

Hindi ko alam kung anong trip nun ni raymond at bigla bigla na lang umalis. Hindi pa nga tapos kumain yun.

"Andrea paki tapos to hanggang bukas" sabi niya ng parang normal lang

Simula nung bumalik kami pagkatapos ng lunch hindi na niya ako pinapansin. Mamaya ko na lang siguro siya kakausapin pag katapos kong gawin tong mga pinapagawa niya

Hindi ko alam kung anong oras na dahil talagang na nabusy ako sa ginagawa ko. Napatingin naman ako sa orasan at nakita kong alas sais na ng gabi lagpas na ng isang oras ang uwian pero ayos lang atleast natapos ko na ung ginagawa ko.

Si raymond naman ayun seryoso pa ring naka tingin sa laptop niya. Lumapit ako sa may table niya.

"Hey, hindi ka pa ba uuwi?"

Tumingin naman ito sa akin

"Wait for a minute I'll just finish this"

Saktong 6:30 ng mag aya siya at habang nag lalakad kami hindi ako sanay kasi naman napaka tahimik namin ngayon

Nandito na kami sa loob ng sasakyan niya ngayon at ganun pa rin napaka tahimik pa rin

"Raymond" tawag ko sa kanya

"Hmmm"

"Galit ka?" Tapos umiling ito, anyare ba dito at ayaw akong kausapin

"Eh bakit ayaw mo ko kausapin?"

"Dun ka sa chase mo makipag usap" mukhang alam ko na kung bakit di ako kinakausap nito kanina pa

"Okay tatawagan ko na lang siya" sabi ko para inisin pa siya gusto kong matawa sa pinag gagawa ko

Agad naman niyang tinigil ang kotse at tumingin ng matalim sa akin

"Subukan mo" sabi niya ng may diin sa akin

"Talaga, ayaw mo naman ako kausapin edi siya na lang kakausapin ko"

"Fine sorry na kasi naman nag papalambing lang ako pero lalo mo lang ako iniinis"

"Oo na sorry na, wag ka na mag selos di mo ba narinig yung sinabi ni elaine kanina binusted ko na si chase ayaw ko ng paasahin siya"

"Really?"

"Oo, kaya wag ka magselos, mukha kang baliw"

"Baliw sayo" sabi niya at hinalikan ako sa labi

Ramdam ko naman ang pag init ng mukha ko at alam kong namumula na ko ngayon, nakita ko naman siyang napangiti pag katapos niya kong halikan at hinawakan ang isa kong kamay

Kasalukuyan na kaming nag lalakad papunta sa mga unit namin at hawak niya pa rin ang isa kong kamay

"Dun ka ulit sa unit ko matulog?"

"Nah, may gagawin ako"

"Ano gagawin mo?"

"Basta" nakita ko namang ang lungkot sa mukha niya

"Ganto sabay na lang ulit tayo mag breakfast at pumasok bukas okay ba yun?" Nakita ko namang nag liwanag ang mukha niya, may binigay naman siyang card sa akin

"Para saan to?"

"Key card sa condo ko para makapasok ka"

"Ok, goodnight"

"Goodnight, I love you" sabi niya at hinalikan ulit ako sa labi

Pumasok naman na ako sa unit ko, naligo muna ako bago ako mahiga sa higaan ko

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon