Chapter 31

4.6K 80 1
                                    

Andrea's POV

Nandito na kami ngayon sa bahay nung nila aine. Halos kakarating pa lang namin.

"Buti naman sakto dating nyong dalawa kain na tayo" sabi ni des

"Sige na sumunod ka na kila des ako na bahala sa gamit mo" sabi ni aine

Tumango lang naman ako bilang sagot sa kanila. Mabuti na lang talaga lagi silang nandito para sa akin.

KUMAKAIN na kami ngayon pero sa totoo wala talaga akong ganang kumain.

Nakita ko naman na lalagyan pa ko ulit ni ram ng pag kain kaya namn agad ko itong pinigilan.

"Tama na" sabi ko

"Nako andrea kumain ka pa sige ka magiging tingting ka niyan" sabi ni ram

"Tapos papanget ka na, sige ka" sabi naman ni des

"Tapos ipapatapon ka namin sa pacific ocean kasi pangit ka na" pabirong sabi naman ni aine

"Oo na kakain na, grabe talaga kayo sa akin" sabi ko atsaka tinuloy ang pag kain.

NATAPOS na kaming kumain at pilit pa rin talaga nila akong pinapatawa kaya nag papasalamat ako na kahit papaano nababawasan yung sakit na nararamdaman ko.

"Girl may pupuntahan pala tayo bukas" sabi ni ram

"Oo tapos dapat pretty tayo lahat"

"Sige" sabi ko, mabuti rin siguro na lumabas labas ako para hindi ko na masyadong maalala si raymond.

"Akyat na ko sa kuwarto" sabi ko

Pag ka akyat na pag ka akyat ko ay humiga na ako sa kama at nag bukas ng FB ko pero mukhang mali ata ang ginawa ko na yun dahil mukhang lalo lang akong nasaktan sa nakita ko.

Si raymond habang kasama yung babaeng yun sa isang simbahan. Nakatalikod silang dalawa at tila may tinuturo si raymond sa picture at yung babae naman ay nakangiti lang.

Akala ko kanina medyo okay na ako. Pero hindi pa rin pala, sobrang sakit pa rin pala. Bakit ba kasi hindi na lang ako maging manhid para hindi ko na nararamdaman.

Narinig ko naman na may kumatok kaya agad ko namang pinunasan ang mga luha na pumatak mula sa mga mata ko tsaka ko binuksan yung pinto.

"Ayos ka lang?" Tanong ni aine

"Oo naman" tsaka ko pinilit na ngumiti

"Huwag ka mag sinungaling sa akin" seryoso nitong sabi at hinila ako papasok sa kuwarto ko.

"Now tell me, okay ka lang ba talaga?" Sabi niya ulit kaya naman hindi ko na napigilan pa ang luha ko.

"H-hindi ako okay, ang sakit sakit akala ko okay na kami, akala ko masaya na kami pero bakit ganun"

"Tahan na, tandaan mo na lahat ng bagay may dahilan at malay mo may mas magandang mang yare bukas o kaya sa mga susunod na araw"

"Matulog ka na, maaga pa tayo bukas. Tama na kakaiyak sige ka matutuyo ka na niyan" sabi niya pa kaya naman natawa ako ng kaunti.

"Wag mo na muna isipin yun, sleep ka na" sabi nito

Kaya naman nahiga na ko at agad ipinikit ang aking mga mata.

KAKAGISING lang namin at nag hahanda na para sa pupuntahan namin.

"Tara na mag breakfast na tayo" sabi ni des

"Anong breakfast?" Sabi ni ram

"Bacon, eggs and garlic rice" sabi ni des at inihapag ang niluto niya sa lamesa.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon