Hi! Vie_32 thankful for this girl, ginawan ako ng book cover for my upcoming story! Very Soonnn :)
"All winning participants you can have 30 minutes break before the next round." Wika ni Sir Ferd.
Naglakad ako papunta sa Cafeteria for lunch ng matagpuan ko si Hazel.
"When will you tell Dominic your real identity Gabriel?" I ask her.
"Never Hygia, I'm done using him and I'm not into boys.." Sabi nya at inakbayan yung kasama nyang babae. Okay?
"I just think..you need to talk-"
"We gotta go, Win the game Hygia!" At umalis na silang nagkahawak kamay nung babae.
Pagkadating ko sa Cafeteria may reserved tables na for the participants. Umupo ako dun at nag order. Simula nung nag transfer ako ng school naranasan kong kumain mag isa. Dumating na ako sa point na normal at okay lang pala iyun. Akala ko talaga noon diko kaya, dahil lumaki akong laging may kasabay kumain.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta muna ako sa green house since may 15 minutes pa. I find comfort sa lugar kaya dito ako pumunta.
"Tres, Please." I heard Anne's voice.
Papasok sana ako sa secret garden nang marinig ko iyun. Tres? Tres Lucien? I stop in the entrance, at dahan dahang hinawi ang mga mataas na halaman.
There I saw Anne with Tres.
Ayokong marinig ang pinag usapan nila at mas lalong ayokong makita nila ako kaya umalis ako sa lugar.
I need to find another place..
Nasa quad na kami at binigyan ng instruksyon para sa susunod na round. Tinignan ko ang mga winning participants. Dominic is still on the game, as well Vianney, Nico, Manuel and Tres.
Napako ang atensyon ko kay Tres at sa di inaasahan ay tumingin rin sya sa akin.
Segundo rin bago ako umiwas. I was the first one to look away dahil mukhang ayaw putulin ni Tres iyun.
I remember Anne. Whatever they have, I should be out of it.
The game before the final six ay pinalanggoy kami sa Olympic size swimming pool. Manuel doesn't know how to swim kaya hindi sya nakapasok for the final round. Ang iba naman ay marunong lamang lumaggoy ngunit hindi magaling. Paunahan kasi iyun.
Gabi na at hindi parin tapos ang laro for the final round. We have a new set of uniforms na loose jogging pants at 3/4 shirts na may print na "Eyes for the prize, #thefinalsix"
Ang kailangan sa round na ito ay hanapin namin ang nakatagong flag na may logo sa Sebu.
Isang banner flag ito at ang unang makakuha ay syang mananalo. Pinakita ni Sir Jomer ang sample flag. Maliit lamang ito at pwedeng ibulsa.
For this round ay sa restricted forest igaganap.
Hindi ka akit akit ang forest nayun. Wala ring nangahas na pumasok o lumapit sa forest nun paman. It looks creepy.
Binigyan kami ng flashlights bago nilayo sa isa't isa. May radio telephone rin na connected sa mga professor at sa aming anim.
Lumingon ako sa mga taong nag aantay sa quad bago tuluyang pumasok sa forest. I heard girls cheering for Tres nung hindi pa ako nakalayo.
Nilibot ko ang aking flashlight at nakita ang mga paniki at ibon.
"OH SHIT!!!" dinig kong sabi ni Dominic sa radio telephone. At eksaktong napamura rin ako dahil may tatlong Rottweilers sa gilid ko at handang handa itong umatake sakin.
BINABASA MO ANG
SEVEN BLOOD UNIVERSITY (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsHIGHEST RANK ACHIEVED: #1 in Monte Carlo DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, li...