011

1.1K 41 2
                                    

Chapter Eleven

The whole ER was a buzz when I came back to work. I’ve encountered a vehicular accident patient with minor bruises early in the morning and then I’ve checked up on three patients after that. Nang magtatanghalian naman, may bagong dating na naman ulit na pasyente kaya hapon na rin ako nakapagtanghalian.

Pagkatapos ko sa ER ay dumiretso na ako sa lounge area para magpahinga. Muntik ng magkagulo sa ER dahil sa iilang absence ng mga nurses. Hindi ko maintindihan kung bakit ngayong araw pa akong minalas sa duty. I’ve wanted to stay inside the house for even a bit but duty calls. Kailangan ko rin namang kumita ng pera.

“Stressed out?” pamilyar na boses ni Athena ang pumainlang sa paligid ko. Inangat ko ang aking tingin at nakita siyang nakatayo bitbit ang dalawang lata ng diet coke. She handed me one of the cans. Tinanggap ko naman iyon at agad na binuksan.

“ Yeah. Wala ka rin sa office kanina pagdating ko.” I accused, staring at her with suspicion.

Ngumisi siya at tumabi sa akin. “Sorry. Na-late kasi ako, nito na nga lang ako nakarating.”

“ You’d have to do a double time?”

“ Hindi na siguro. I had a minor head ache kanina kaya rin natagalan ako. Alam mo naman si Mommy kapag nararamdaman niyang may mali sa akin.”

Napalabi ako at napatitig sa kaniya. Mukhang okay naman na si Athena. Her skin’s not that pale but then she looked tired. Baka siguro’y nag-over time sa duty niya noong Sabado kaya hindi na kailangan ng maraming oras ngayon.

“ How did it go? Hindi mo na ako natawagan.” sabi ni Athena at ginalaw-galaw pa ang kilay.

“ Wala masyado. I don’t really understand why I had to accompany him. Mukhang okay naman ang lahat at display lang ako roon.”

“ I don’t have any idea. Pero kung ako lang din naman, maybe it was Adam’s way to get to you." she giggled like a child. I rolled my eyes because of her ridiculous idea.

" He doesn't like me." sabi ko kay Athena.

" Sure. Whatever floats your boat, Aly." sabi niya pa.

Umiling-iling ako. I am sure Adam doesn't like me! He is just being polite and nice kasi sinasamahan ko siya sa kahit anong business matters niya.

At imposible naman talagang magustuhan ako ni Adam. Sure, sometimes he would tell me things that might flatter me but that's just it. Pinapagaan niya lamang ang loob ko para hindi ako mailang sa kaniya habang magkasama kami. Pero minsan sa sobrang pagiging kumportable ko, iba na ang nagiging tingin ko sa ginagawa niya sa akin.

He is a gentleman, alright. Anyone would adore a guy like him! Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Adam? He is smart, rich and very handsome. Nasa kaniya na ang lahat and I am lucky to have met a guy like him kahit na alam kong panandalian lamang ang set up na ito.

" But be careful, Alysson..." napalingon ako kay Athena nang magsalita ulit siya. There was a sad smile on her face while staring from afar.

" Guard you heart while it's still early. Adam is also a difficult man, " lumingon siya sa akin. " They all are."

Tipid akong ngumiti. There was sadness in Athena's voice and her eyes are masked with a glint of longingness. Siguro, naaalala niya pa rin yung panahong magkasama sila ni Ashton. I wonder what went wrong. Kay Athena ba o kay Ashton?

Pero dahil nararamdaman kong mas malaki ang galit ni Athena, ay baka nga, si Ashton ang may kasalanan o nagkulang sa kanilang relasyon.

Pero nasasayangan ako kung hindi gagalaw si Ashton at kukuning muli ang loob ni Athena. They were really compatible. A doctor and a nurse. Both taking care of each other. Parang mas gusto kong ako na lang ang gagawa ng paraan para sa dalawa upang magkausap ng masinsinan at gawan ng paraan ang kanilang relasyon.

Auctioned (Creight Series Version 2.0)Where stories live. Discover now