Chapter Eighteen
I texted Adam that I was at a book shop. Siguro, aakto na lang ako na hindi ko nakita iyon at busy ako sa pagbabasa ng libro. The owner even let me read the book for free dahil sinabi kong aksidente lang na pumasok ako.
" Accidents are good sometimes. It made us wonder why we experienced it. And although you accidentally entered this shop, I knew there was a reason." she left me with those words and suggested me some books. Hindi ko alam kung para saan ang mga salitang iyon.
What could be that reason? A reason to cry? A reason to slap and remind myself that this isn't a fairytale? That maybe Adam was just like my dad? He could make me feel loved the other day and the next day, he could dump me? Ganoon ba iyong rason na iyon?
Natulala ako sa librong binabasa. I actually didn't read the whole book, just some of the phrases. Baka sakaling pumasok bigla si Adam kaya naisipan kong dapat maipakita kong kanina pa ako naririto.
I felt that my heart was in my throat when the bell near the door chimed indicating that someone entered the shop. Sa yabag pa lang ay alam ko ng si Adam iyon. His familiar scent invaded my nostrils as he went nearer to me. Hinaplos ng aking kamay ang gilid ng libro bago ako naglipat ng pahina.
I got distracted when soft lips touched my cheek. Kung napapitlag man ako, siguradong halata iyon dahil napasobra ang lipat ko sa pahina. I heard Adam chuckled deeply in my ears when he noticed that I got distracted.
" Hi," he whispered. I hummed as a response before I switched the pages. Sumulyap ako sa kaniya nang umupo siya sa katabi kong upuan. Sinipat niya ang mga librong inilahad sa akin ng may-ari kanina.
" You read these?" tanong niya at may ngiti pa sa labi. Tipid akong ngumiti at umiling.
" The owner suggested that I should read them." I said then turned my attention to the book that I was reading. Dahil nawalan na ako ng ganang magbasa ay isinara ko na ang libro at lumingon kay Adam.
" I'm tired, let's go back." I suggested.
Mukhang nagulat si Adam sa tamlay ng aking boses. His eyes widened a fraction before he composed a smile. Humawak siya sa aking kamay at kinuha niya ang libro.
" Do you want me to finish this for you?" aniya at may lambing sa boses. My heart swelled at the tone of his voice. Parang nanigas din ako sa aking kinauupuan nang pinisil niya ang aking kamay.
Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang pag-iyak. Who would have thought that he was capable of doing this to me? Kissing another woman and then, make me feel loved the next. Parang pinaglalaruan na naman ako ng mundo. Parang ipinalalabas na ako na naman ang kawawa sa ganitong laro.
" Uh, " I cleared my throat. " Hindi na. I'm tired."
He sighed. Ibinalik niya ang libro kasama sa iba pang libro na iniwan ng may-ari sa akin. Adam got his wallet and left bills of money. Pagod na ako kaya hindi na ako tumingin kung ilan ang inipit niya sa libro bago niya inilagay ang braso sa aking baywang.
Nang lumabas kami sa shop ay nakita ko ang owner malapit sa mga libro. Ngumiti siya sa akin kaya tipid akong gumanti ng ngiti. Meanwhile, Adam was still asking me I wanted something to eat.
" Wala. Gusto ko na lang matulog." I told him. He just nodded. Pumasok kami sa kaniyang sasakyan at tahimik siya nag-drive, hindi na inalam kung may problema ba talaga ako o sadyang pagod lang.
I went straight to my own room to rest. Diretso ang naging tulog ko at naalimpungatan lang nang may maramdaman akong tumabi sa akin sa pagtulog.
I shifted my position to face Adam. Nakatagilid din siya at nakaharap na ngayon sa akin.