024

1.3K 47 0
                                    

Chapter Twenty-four

That night, we slept together in the small hospital bed. Adam was beside me, hugging me tight and making sure that I won't fall off the bed. Isa iyon sa mga gabing nakatulog ako nang maayos pagkatapos ng ilang araw na puyat at pagod sa trabaho.

I woke up with a terrible head ache and my stomach was churning. Agad akong humiwalay kay Adam at patakbong pumasok sa cr. I sat on the floor and vomit. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo at nakayuko lng sa toilet bowl.

Napapitlag ako nang may humaplos sa aking likod habang yakap ko ang bowl. Agad akong lumayo at ipinahid ang likod ng aking kamay sa aking bibig. Pagod akong sumandal kay Adam nang maramdaman kong nahimasmasan na ako.

" Are you okay? Is your stomach hurting?" malambing at may pag-aalala niyang tanong.

" I'm fine. It's normal. Just a morning sickness." Na ngayon ko lang din naranasan. During my studies about natal care, the hardest part of the first trimester is the challenge of waking up and experiencing morning sickness.

Inalalayan ako ni Adam sa pagtayo. I went to the sink and washed my face and brushed my mouth. Nandoon lamang si Adam sa aking likuran at binabantayan ang bawat galaw ko. When I was done, he held my waist and walked me back to the bed.

Ipinagsalin niya ako ng tubig at agad na ibinigay sa akin. I thanked him for the water before he pulled me gently to lie back down on the bed.

" My mom will have her surgery today." I told him. Humawak ako sa braso ni Adam na nakapulupot sa akin. Mas lalo kong isiniksik ang sarili sa kaniya.

I felt him kissed my hair. " It would be a long one then. You should sleep more."

" Ikaw? Hindi ka ba aalis ngayon? Your company needs you."

" I need you more. And besides, one absence doesn't make me an irresponsible leader."

Huminga lang ako nang malalim. Nakatulog ako ulit at nagising lang nang maramdamang wala na si Adam sa aking tabi. Si Athena ay nasa loob ng kwarto at mukhang hinihintay ako.

" Si Adam?" tanong ko sa kaniya.

" He went to Ashton. He probably ordered food for the both of you."

Tumango ako. I told Athena that I would take a bath. Nang matapos ako sa pagligo ay sakto namang pagdating ni Adam at may dala ng paper bag. Iyon siguro ang tinutukoy ni Athena na umorder siya nang makakain naming dalawa.

" Naligo ka?" I asked when I noticed that his hair was a bit damp. Iba din ang suot niyang damit. Today he was just wearing a white button down shirt and black pants.

" Yeah. I showered at Ashton's office." Inilapag niya ang container ng pagkain. Lumapit ako sa kaniya upang tumulong ngunit pinigilan niya ako at hinalikan sa labi. May ngiti sa aking labi pagkatapos ng halik na iyon bago siya humarap sa mga pagkain.

He arranged my food and then his. Sabay kaming kumain. Nang kumatok si Athena para sabihing ilalabas na si Mama sa kaniyang kwarto ay agad kaming nagligpit ni Adam.

Pumasok kami sa kwarto ni Mama. Nandoon na si Athena at kinakausap si Mama sa pwedeng mangyari. When my mother saw me, agad siyang ngumiti na para bang sinasabing magiging maayos din ang lahat.

Lumapit ako at humalik sa noo ni Mama. Nakita kong napatingin siya kay Adam na malapit lang kay Athena.

" Good morning, Ma'am." bati ni Adam sa kaniya. Ngumiti si Mama at inilipat ang tingin sa akin.

" Ang gwapo naman niyan anak." tila kinikilig na sabi ni Mama. Mahina akong tumawa.

" Si Mama talaga." iiling-iling kong sabi.

Auctioned (Creight Series Version 2.0)Where stories live. Discover now