006

1.3K 42 1
                                    

Chapter Six

He was here.

That is what I am sure of. Ang naging palaisipan lang sa akin ay kung bakit hindi ko siya nakita. Did he not want me to see him? Wala namang ibang rason para hindi ko siya makita. Unless he doesn’t want to have any more connections with me but…

Why?

Why would he send me a letter?

Pinakatitigan ko ang papel na aking natanggap kanina. The neat cursive message was still there. Simple lang naman ang nakasulat kaya hindi ko masyadong pinag-isipan kanina. He was really here in Batangas! Too bad I did not get a chance to see him again. At imposible na rin namang maulit pa ang gabing iyon. Adam Creight was just my impossible dream.

Habang nakahiga sa kama at nakatulala sa kisame, hindi ko maiwasang isipin si Adam. It just only one night and yet his image bore into my mind like he’s a special memory. His warmth still lingered. Pakiramdam ko’y nandito siya sa aking tabi at tinititigan lamang ako habang hindi ako nakatingin sa kaniya.

Hanggang panaginip na lamang siya, Alysson.

Pinagalitan ko ang aking sarili. There are still important priorities, Alysson. MArami pang dapat unahin kaysa kay Adam o sa kahit sinong lalaki. Kung kailan ako lumaki at nagka-edad ay siya namang pamo-mroblema ko dito. I still have two years before I finally become thirty! That’s a long way to go.

Although at this age, I still haven’t given my mother a normal life. Hanggang kailan ba ako aasenso? Hanggang kailan ba ako aasa na may magliligtas sa akin sa kamalasan ng buhay na aking nasalo? Nakakapagod na rin. If it wasn’t for my father, sana ngayon ay hindi nagkakasakit si Mama at hindi kami nagkakandarapa sa pagbabayad ng mga utang.

I was just thankful to have Athena and Ashton. Nabayaran ko ang bills ni Mama sa ospital at ang natira ay ipinambayad ko muna sa mga utang. Some of the money were kept for savings. Hindi ko alam kung kailan ulit aatake ang sakit ni Mama. It was better to be prepared. Nakakahiya na ring parating si Athena ang sumasalo sa mga problemang ako lang naman dapat ang namomroblema.

Kinabukasan ay inasikaso ko muna si Mama. I am on my night shift this week at hindi pa rin naman ako kampanteng iwan lang siya dito sa bahay. Although I have Ate Judith, hindi rin naman palaging nandito siya para magbantay kay Mama. Kahit na labag sa loob ko, kailangan kong ibilin ulit si Mama kay Ate Judith para magtrabaho. I’ll have my leave tomorrow so it’s okay. Ilang oras lang naman ang titiisin ko.

“ Ma, don’t forget your meds, ha? Baka makalimutan ni Ate Judith kaya ikaw na ang magpaalala and don’t stress yourself out, okay? Kalalabas niyo pa naman mula sa ospital.” paalala ko kay Mama habang naghahanda ako ng mga gamit ko para sa aking trabaho.

Mahina itong tumawa. Tila hindi alam ang dulot ng pag-aalala sa akin. “ Opo, anak. Alam mo namang ayaw kong pabalik balik ng ospital. Oh siya, ano pa bang kulang diyan sa mga gamit mo at ako na ang mag-aasikaso..”

“Ma…” suway ko nang akmang bubuhatin niya ang aking bag. Lumingon siya sa akin at pabirong tumawa. Umiling iling siya at saka lumapit sa akin.

“Lumalaki kang nerbyosa.” aniya. “Hindi na po, okay? Uupo lang ako and I’ll let you do your work.”

Umupo nga ito ngunit nanatili pa rin akong nagmamasid sa kaniyang kilos. She might stumble and hit herself, isang bagay na talaga kinatatakutan ko kapag nagkukusa si Mama na kumilos. I continued on preparing my things whilst not taking my eyes off my mother. Nang mukhang namumungay na ang kaniyang mga mata ay sinabihan ko na itong lumipat ng kwarto at nakakangalay ang matulog sa sofa. Isa pa, hindi pa siya pwedeng matulog sa mga lugar na hindi siya magiging komportable.

Auctioned (Creight Series Version 2.0)Where stories live. Discover now