Chapter 4

90 57 2
                                    

Diera's PoV

Kasama ko si Claire ngayon andito na kami sa canteen kanina kasi nong nag lalakad ako papunta dito at sinabayan nya ako saakin daw muna sya sasabay dahil gusto nyang makilala pa kami ni Zav okay naman na don sa jowa nya at don sa kaibigan nyang siopao.Umorder na kami pero hindi pa kami kumakain kasi wala yong pinsan kong ubod ng kaartihan pumunta pa don sa locker nya at kumuha ng alcohol nya arte diba?.

"Bakit don kayo sa States nag Aral in One year pwede naman dito diba?"

At Oo bwahaha kanina pa kami nag kakwentuhan nito ang layo na nga ng nakwento ko sa kanya dahil sa tagal ni Zav asan naba kasi yon Baka mamaya madulas ako may masabi pa akong hindi pwedeng sabihin bwahaha.

"e kasi plan yon ng parents namin tsaka para narin maka move on"

"Move on!?"

d>__<b

Sabi ko na nga ba e nadulas na talaga ako bakit ba kasi ang tagal mo Zav ang dami na nyang katanungan pakyu ka.

"A-ah hahaha Oo para narin maka move on ako don sa ex ko kasi sinaktan ako ng masyado non kaya yun pumayag narin ako para maka move on haha"

Pag sisinungaling ko napatingin nalang ako sa likuran ko at napapikit ang mga mata ko kasabay ng pagkagat sa labi ko dahil sa pag sisinungaling ko aish..

'Mag sinungaling kapa Diera kailan kapa nag ka Ex ha!?NBSB ka nga luka'

"Aish nakakalungkot pala non yang ganyang mga lalaki dapat makarma ang mga yan!"

"Oo na e haha"

Sige lang Diera panindigan mo nalang dahil dakilang sinungaling ka naman e bwahaha and speaking of Zav hay nako mabuti andito narin sya umupo sya sa tabi ko at ng walang gana at kumain agad Oo kumain agad may respeto sya e kaya ayan kumain na agad hindi naman sya gutom.

"A-ah" Claire

"Haha kumain na tayo Claire hindi naman sya gutom e haha sige na Oo kumain na tayo haha"

Kumain na rin kami ang tahimik lang naming kumain ng mag salita bigla si Zav...Hay Maria Magdalena Salamat po hindi na sya pipi.

"Is it okay to them na dito ka sumabay saaming kumain!?"

Pero ganon parin yong boses nya walang pinagkaiba haist sanay na rin ako dyan patuloy parin sya sa pagkain nya.

"Ah Oo naman haha bakit?"

Nahihiya pang sabi ni Claire nako ang cute naman bwahaha ang ganda ng babaeng to kulot yong buhok nya hanggang beywang matangos rin ang ilong nya like me bwahaha at maputi like me matangkad na nga lang like Zav bwahaha.

"Look at them right now"

Sabi ni Zav sakanya pero nasa pagkain nya parin yong atensyon nya kong kumain sya kilos lalaki parin haist.Sabay naman kaming napa tingin ni Claire sa table Nina Siopao at nakatingin pala silang tatlo saamin kaya umiwas nalang ako ng tingin baka mamaya mag away nanaman kami ng siopao nayon tsk!.

"A-ah haha wala yan okay lang yang mga yan haha di siguro sila sanay na hindi ako kasabay mag lunch hehe"

"Pero Claire okay lang din naman saamin na wag mo na kaming sabayan we're friends nanaman e okay lang na mag ngitian nalang tayo kapag nag kikita tayo para iwas narin sa gulo baka mamaya pag labas namin may tatlong siopao ng naka abang samin"

d^___^b

May Mali ba akong nasabi?bakit tumatawa sya!?.

"Bwahaha alam mo nakakatuwa ka Diera haha hindi yan no mababait ang mga yan ganyan lang talaga sila siguro dahil bago kayo kaya hindi pa nila kayo nakikilala hehe"

"Oo alam ko kilala ko naman yong isa dyan kaya alam ko mabait ang---"

"Ha!?kilala?sino?"

d=___=b

Sabi ko ka nga ba galit na si Zav kaya naman ininom ko yong tubig ko at inubos ko talaga yon at ngumiti sakanya na parang wala lang yon..Lagot ako nako patay na ako.

"Ah yong siopao na yon oh haha yong Gabriel bayon kilala ko na yon nakikita ko mabait yon haha"

Napaka sinungaling mo Diera pati yong siopao sinabihan mo ng mabait nako naman hindi ata tama yon kasinungalingan yon.

"Ah haha Oo mabait naman yon minsan lang luko-luko haha pero sinisigurado ko sayo mag kakasundo kayo"

"Ha?kami?"

"Oo kayo"

Kami? bwahaha hindi ata mang yayari yon bwahaha yong siopao nayon nako hindi yon mangyayari.

"Ay wag nanating pag usapan yan..Zav?San kaba kasi pumunta bakit ang tagal mo?kanina pa kami naghintay ni Claire"

Pag iiba ko sa usapan at napatingin naman sya don sa table Nina Siopao ano namang kinalaman nila?

"Oo Zav gusto sana kitang makilala pa" Claire

"Kilalanin mo nalang ako kong anong nakikita mo saakin hindi makakatulong ang tanong at kwento lang"

Taray nitong Si Zav bwahaha kumain sya ulit at wala paring ganang tingnan parang araw araw wala sa mood at sanay Natalaga ako don bwahaha.

"Bakit?" Claire

"Kasi kapag mag tatanong kalang at sasagot ako baka mamaya nag sisinungaling na pala ako tapos masasabi mo nalang bigla hindi yan yong Sinabi ko sayo na ganyan ako kaya mas mabuting ikaw Mismo ang kumilala saakin para hindi ka magtaka at mag duda"

Tumango lang sya sa sinabi ni Zav kaya naman ay napatango narin ako may point din naman sya bwahaha ang talino ng pinsan ko.

"True..ayaw kasi naming mag kwento ng mag kwento kong ang iba naman ay ginagawan kami ng ibang kwento useless din yong pag sasabi namin kong sino kami kong pangungunahan nila..Minsan narin kaming na bully at talagang nasaktan kami don kasi bakit may mga ibang taong judgmental e hindi pa naman nila kami kilala kong mag papakilala naman kami hindi rin kami pinapaniwalaan kaya hinahayaan lang namin sila na unti-unti kaming kilalanin sa sarili nilang panghuhusga wala na kaming paki don pakyu sila saakin dahil ang kitid parin ng utak nila!"

"Bwahaha alam mo magkakasundo talaga talaga tayo ganyan na ganyan din ako palamura bwahaha"

Tawa lang kami ng tawa ni Claire pero itong si Zav nakikinig lang aish kahit kailan Hindi palakaibigan yan ako lang at si Mark Dave Quazar ang kaibigan nya and speaking of mark dito yon nag aaral pero hindi pa namin nakikita yon asan kaya yon hindi kami mag kaklase e.

"Zav mag salita kanaman"

Sabi ni Claire sa kanya pero tumango lang sya at ngumiti ng kunti kay Claire ang tipid wala naman kasing bayad ngumiti e.

"Huy teh walang bayad mag salita at ngumiti kaya wag kang ganyan"

Sabi ko sa kanya pero ganon parin sya nakikinig lang at uminom ng tubig halos ma ubos nya na ngayon e.

"Hayaan nalang natin muna sya haha ganyan bayan?"

Tanong saakin ni Claire na nagtatawa pa grabi kahit tawang tawa na sya ang ganda parin like me bwahaha.

"Oo ganyan na yan hayaan mo na wala siguro sa mood yan mag sasalita din yan haha"

Nagtawanan lang kami hanggang sa nag desisyon na kaming bumalik na sa building namin sumabay narin saamin si Claire habang nakasunod saamin yong tatlo na ang iingay kong mag kwentohan haist nakarating na kami sa classroom at ganon parin mas lalong umingay kasi nag si datingan ang mga gwapo raw sabi nila tsk.Nong umupo kami ay lumipat ng upuan si Claire at tumabi saamin nong una ayaw pa sana ni Sondrie daw ba yon pero napilit din nya kasi mag kaibigan na raw kami ngayon bwahaha.

Memories of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon