Chapter 63

8 3 0
                                    

Zav's PoV

Kinuha ko yong takip sa mukha ko at ganon nalang din ang gulat ni Yuki pero hindi ko muna sya pinansin dahil may kailangan muna akong ligpitin sa ngayon.

"Kong ganon bakit yong lalaking yon may katulad na tattoo sa leeg mo!?"

Galit na sabi nya saakin kaya tumawa ako ng mahina.

"Hindi muna kailangang malaman yan!"

Sinugud ko sya at sinipa,sinuntok ko sya sa mukha dahilan para dumugo yong ilong nya.

"Ow."

Pang inis ko sa kanya.Sinugud nya ako at akmang susuntok na ulit sya saakin pero nasalo ko yong kamao nya kaya binalibag ko ito at inilagay sa likuran nya.Sinipa ko sya dahilan para mapatilapon sya.Sinugud nya nanaman ako ulit at kinuha yong sword nya para umatake saakin,bago paman sya makalapit saakin umupo ako sa sahig at ginamit yong kaliwang paa ko para patirin sya,nong matumba sya at sinipa ko yong mukha nya.Ito ang pagkakataon kong gumanti sa kanya para sa lahat ng mga ginawa nya,inagaw ko yong latigo nanasa tagiliran nya at pinaspas ito sa sahig at saka naman pinalo sa dibdib nya.Napuruhan ko sya sa dibdib dahilan para dumugo ito.Susugud nanaman Sana sya saakin pero nauhan ko sya pinalo ko nanaman yong latigo sa kanya dahilan para matali ko yong katawan nya gamit yong latigo.Hinila ko sya gamit yong latigo papalapit saakin at saka ko sya sinipa at pinagsusuntok gaya nong move's ni fPJ wala e ganon talaga ako e pwede kong gawin yon sa taong hindi ko gusto.Pinulot nya yong sword at nagtagumpay naman syang masugatan ako sa tyan.Tumakbo sya papalapit saakin at ganon rin ako,nong malapit na ako sa kanya ay tumalon ako at nag tumbling sa itaas kasunod non at sinipa ko sya sa likuran nya dahilan para mapahiga sya sa sahig pero agad rin itong nakatayo at sinugud ako.Ginamit ko yong Yoko Geri technique dahilan para mapaurong sya akmang susugud na Sana ako kaso pinatid nya ako dahilan para napaluhod ako at sinakal nya ako sa leeg at inilagay yong ulo ko sa tagiliran nya.

"Hindi ako papayag na mabuhay kapa!"

Sigaw nya saakin.Hinila ko yong paa kaliw paa nya habang yong kanang kamay ko ay inakbay ko sa leeg nya at saka sya binuhat dahilan para mapahiga sya sa sahig.Sinuntok ko sya sa mukha dahilan para masugatan ito,bigla syang nakabawi kaya ako naman ang nasa napahiga sa sahig at sinuntok nya sa mukha.Gumulong ako sa sahig at saka naman tumayo nang bigla nya akong paloin ng makapal na bagay dahilan para dumugo yong ulo ko.Sisipain ko na Sana sya kaso nahawakan nya yong paa ko kaya ang ginawa ko siniko ko sya saka kumawala sa kanya.Hindi parin sya nagpatinag at sumugud ulit saakin at sisipa na Sana pero na salo ko iyon at kasabay non tinulak ko sa sa dibdib saka inihiga sa sahig dahilan para mahilo sya sa lakas ng pagkakatama ng ulo nya sa sahig.

"You're under arrest!"

Sabi ko sa kanya Saka ko kinuha yong kutsilyong nasa sahig kanina at sinugatan sya sa Likud ng leeg nya at kinuha yong posas sa bulsa ko at inilagay sa mga kamay nya.Nong tingnan ko yong mga kasama ko nagtagumpay nga sila pero sugatan na silang lahat.Nong akala kong ubos na yong kalaban may isa papalang matira at nakita ko syang papalapit kay Zack kaya agad kong hinila Yong babaeng to saka sinipa papunta kita Diera saka ako tumakbo papunta kay Zack at napayakap nalang sa kanya nong akmang papaloin na sya yong lalaking yon,tumama iyo sa Likud ko pero ininda ko nalang yong sakit.Hindi ko na sya Naramdaman pa sa Likud ko dahil binaril na sya ni Ate Gwen kaya wala ng dapat na ipag-alala.Nakatingin lang ako kay Zack na nagpupumilit na umulat yong mga Mata nya.

"B-Bakit m-mo ako i-iniligtas?"

Tanong nito saakin.Hindi ko napigilang mapayuko at pinigilan yong mga luha sa aking mga mata hindi dapat ako panghinaan ng loob dapat maging matapang ako.

Memories of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon