Chapter 70_ⓔⓝⓓ

32 5 0
                                    

Zakira's PoV

Dalawang taon rin akong namalagi sa state dahil sa mga nangyari saakin dito sa pilipinas.Pero sa loob ng dalawang taon nayon mas naging matatag ako.Habang nasa state ako kasama si Diera sina Kuya Brix ang naging utosan ko kapag kinakamusta ko si Zack.Hindi naman talaga nawala yong pagmamahal ko sa kanya.

Nalaman ko nong umalis ako ay nag layas si Zack sa kanila kaya inutosan ko sina Mark at Sina Gab para samahan sya dahil alam ko nabigla sya sa mga nangyari. Ilang buwan rin ang nakalipas simula nong bumalik sya at nagkaayos sila ng mga magulang nya. Bago ako pumunta dito kinausap ko muna ang mga magulang nya at hiningi ang kapatawara at pagtanggap sa'kin, Tanggap na nila ulit ako at maging ang trabaho ko pero nakapag desisyon narin ako.Tumigil na ako sa pagiging agent pero sa pagiging silent Detective patuloy parin ako.Mas makakabuti para saakin na tumigil na ako dahil nag sisimula narin ako ng panibagong buhay.Pero pinangako ko sa mga kasamahan ko na kahit umalis na ako sa pagiging secret agent asahan nilang nasakanila parin ang suporta ko.

"Kira Girl?"

"Hmm?"

Sabi ko sa kanya habang naglalakad parin at magkahawak ang kamay namin.Huminto kami sa gitna ng dalampasigan Kong saan wala na gaanong taon.Hinarap nya ako at hinawakan ang dalawang kamay.

"Pano mo ako nagawang hintayin ng ganon ka tagal?"

Seryoso nitong tanong saakin.

"Hindi basihan saakin Kong gaano pa katagal ang hintayin ko dahil alam Kong may Plano ang diyos para saating dalawa"

Sagot ko naman sa tanong nya at ngumiti.

"Pano kong nalaman mong hindi na pala talaga kita mahal kahit na bumalik pa yong mga alaala ko"

"Edi hahayaan na kita dahil ang kaligayahan ko ay ang kaligayahan mo"

Sagot ko ulit sa tanong nya.Haha ibang klase din tong si Zack e kahit nuon pa mahilig talaga syang magtanong kahit alam nya na naman ang sagot non.

"Ikaw naman Zacky boy,bakit mo ako hinintay ng dalawang taon?hindi mo ba inisip na baka hindi na ako babalik"

"Hmm,hinintay kita dahil mahal na mahal talaga kita nuon paman.Kong papaano mo ako hinintay nuon ganon rin ang ginawa ko.Hindi ko rin inisip na hindi kana babalik pa dahil hinintay mo nga ako ng ilang taon syempre babalik ka at umaasa parin ako ng second chance para saating dalawa"

Napangiti naman ako sa sinabi nya saakin aish pinakilig nya na talaga ako haha.

"Yong sinabi mo nuon kay Yuki Mali yon"

"Ha?loko ka pala e edi don kana!"

Napabitaw ako sa pagkakahawak nya sa akin at naglakad na ulit nang mag isa.Loko pala sya edi ako nanaman yong Mali aish ano akala nya psh..

"HAHAHA"

Inis akong lumingon sa kanya dahil mamamatay na sya kakatawa aish bwesit!.

"Ang ibig ko kasing sabihin yong sinabi mong.Sa kwento natin nag Simula pero saaming dalawa ni Yuki mag tatapos yon yong ibig kong sabihin HAHAHA selos kanaman agad haha"

"e ano nga kasing Mali don?"

Inis na tanong ko pero syempre sumaya ako ng kunti dahil hindi pala gaya ng iniisip ko haha.

"Nag Simula sa kwento nating dalawa at hanggang sa dulo mag tatapos parin sa kwento nating dalawa"

Hindi ko namang mapigilang mapa luha sa narinig ko.Napayakap nalang ako sa kanya.Ilang minuto rin ay kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya at pumulot ng isang maliit na kahoy at gumuhit ng hugis puso at tumayo na sa harapan nya.

"Payag kabang buohin ulit yong puso ko kasama ka?"

Tanong ko sa kanya at ganon rin naman ang ginawa nya.Binuo nya yong ginawa kong hugis puso.Hinalikan nya ako sa forehead ko at saka ako humarap sa kanya.

"Alam mo ba kong bakit naalala ko nya ang lahat?at kong bakit hindi na kita kakalimutan pa?"

Seryoso tanong saakin at saka ngumiti.

"Bakit?"

Natatawang tanong ko sa kanya.

"Because I have my Memories Of Love na kasama ka,Simula nuon kasama na kita kaya bumalik yong alaala ko at hanggang ngayon kasama parin kitang bubuo ng panibagong alaala"

Paliwanag nito saakin dahilan para mapaluha nanaman ako.

"At alam mo ba kong bakit matapang kong hinarap ang mga pagsubok sa buhay ko?"

"Bakit"

Tanong nito saakin.Ngumiti muna ako bago sumagot.

"Dahil sa gitna ng pagsubok nayon kailangan kong lampasan yon para maka abot sa dulo at yong dulong yon ay ikaw,ikaw ang dulo ko ang mamalahin ko hanggang sa dulo"

Paliwanag ko sa kanya at napaluha nanaman ulit.Hinalikan nya ang nuo ko saka dahan-dahang nag lapit yong mga labi namin hanggang sa maangkin nya naman ang mga labi ko at ganon narin sya.

Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad habang magkahawak yong mga kamay namin.Pinapangako Simula ngayon na hindi na kami magkakahiwalay pa.

Masaya na akong andito na sya at kasama ko na sya.

Wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang tumibay pa ang relasyon naming dalawa.

Again and again Ako si Si Zakira Ace V. Antonio..............Soonest HAHAHA


Memories of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon