Chapter 6

75 53 1
                                    

Yuki's PoV

Maaga akong nagising ngayon dahil mag sasaing pa ako para sa kakainin namin nga yon by the Way ako si Yuki Lorraine Seva 16 yrs old sa murang edad ko natutu na akong mag hanap buhay mahirap lang kasi kami kaya ganito ang buhay namin nakatira kami sa isang maliit na bahay pero ang dami-dami namin ako ang panganay yong mga kapatid ko ang babata pa kaya ako ang kinakailangang mag sikap para maiahon ang pamilyang to.

"Yuki!?nag saing kana!?"

"O-opo tiyo"

Kumuha sya ng isang Plato at naunang kumain wala na akong ama matagal na syang patay ang bumubuhay lang saamin ay ang mama ko at si tiyo boboy pero palagi kaming binubogbog inaalila sa sarili nyang bahay psh palibhasa kasi sakanya tong bahay na tinutuloyan namin kaya ginaganyan nya kami.

"Ano to!?tuyo nanaman!?bwesit saan ba napupunta ang perang binibigay ko sa inyo ha!?"

"Tiyo hindi na po kayo nag bibigay baka nakakalimutan nyo"

Mahinahong sabi ko pero naiinis parin sya sa sinabi kong yon tinapon nya yong pagkain sa harap ko kaya pinulot ko iyon ayuko nang makipag sagutan sa lalaking to dahil kahit na kailan talo parin ako hindi namin sya makakaya dahil nasa kanya ang batas.

"Ikaw babae ka ha!pinapakain na nga Kita dito sa bahay ko!pinapatuloy na nga Kita dito sa bahay mo may gana kapang sumagot sago saakin ha!"

"Ano pong gusto nyong gawin ko tiyo pag tinatanong mo ako tatahimik lang ako diba magagalit karin!?tapos ngayon sinasagot kita sa mga tanong mo galit ka par----"

*Boggggs*

Napahawak ako bigla sa ginawa nya sinuntok nya ako kaya dumudugo yong gilid ng labi ko hindi ko napigilang umiyak dahil hindi ko na talaga kaya ang ganitong buhay ganito nalang kami palagi araw-araw sinasaktan nya kami.

"Bastos kang bata ka ha---"

"Boboy!tama na ano ba wala kanabang ibang kayang gawin kundi pumatol sa bata ha!"

Mabuti nalang at dumating na si Nanay inalalayan nya akong umupo napayakap nalang ako sa kanya habang humagolgol sa pag iyak.

"Ate yang anak mo ang pagalitan mo!ang tabas ng dila nyan tsaka hindi na yan bata!"

"Tumigil ka wala kang karapatang saktan ang Anak ko tandaan mo yan!"

Pinigilan ko si Nanay na sagutin si tiyo baka mamaya si Nanay nanaman yong saktan nya.

"Bwesit mag sama kayo mga walang kwenta!"

Padabog syang umalis ng bahay at naiwan kami ni nanay na umiiyak dahil sa mahirap na talagang tiisin si tiyo pero hindi parin kami pwedeng umalis dito dahil wala na kaming pupuntahan pa.

"Anak hayaan mo na makakahanap din ako ng paraan para maka alis tayo sa demonyong bahay nato"

"Hayaan nyo nay mag sisikap po akong mag Aral para po makapagtapos ako at ibabangon ko po ang pamilya natin sa kahirapan nay"

Mangiyak ngiyak sa sabi ko at tumayo narin ako para mag handa na sa pagpasok ko inasikaso ko muna yong mga kapatid ko at pagkatapos ay sabay sabay na kaming umalis nag tricycle nalang ako dahil kulang yong Pera ko pang taxi at saka nag iipon ako para sa gamot ko.Pag baba ko ay sumalubong agad saakin sina Zack kaya umiwas ako ng tingin sa kanila at diridiritsong naglakad para iwasan sila ayuko ng madagdagan pa ang problema ko please Zack wag ngayon.

"Yuki!?what happened to your face!?"

Napapikit nalang ako dahil hinila nya ako binitawan ko sya at nag lakad nalang ulit pero sinusundan nya parin ako kaya napag isip-isip ako na harapin nalang sya dahil hindi talaga sya titigil kapag hindi ko sya sagotin.

Memories of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon