Chapter 30

32 25 1
                                    

Yuki's PoV

Maaga akong nagising dahil sa saya mamayang hapon kukunin na nila kami excited nako ngayon ko lang naranasan na buo yong pamilya subrang saya.

"Anak?pwede ba kitang kausapin?"

"Oo naman nay tungkol saan po ba?"

Nakangiting tanong ko sa kanya umupo kami sa Kama ko.Nagtaka naman ako sa kinikilos ni Nanay parang hindi ata sya masaya.

"Anak pag pasensyahan mo na si nanay ah hindi kita nabigyan ng magandang buhay"

Hinawakan nya ako sa pisngi at parang maiiyak na.Anong problema ni nanay?.

"Nay ano ba wag ka ngang mag isip ng ganyan kahit kailan hindi ko inisip na wala kang naitulong saakin dahil buong buhay ko sinalo mo na ako lahat ginawa mo para mabigyan kami ng magandang buhay kaya wag ka nang oa Jan smile kana"

Sabi ko sa kanya at pilit na pinapangiti Pero nabigo ako dahil parang may sinasabi ang kanyang mga mata.

"Anak kukunin kana ng Ama mo mabibigyan kana nya ng magandang buhay magagawa muna ang mga bagay na gusto mong gawin at makakabili kana ng bagong damit"

Nakita ko ang pag tulo ng kangyang mga luha at napayuko dahil sa umiiyak na sya.

"Nay ano ba?anong pinag sasabi nyo sasama naman kayo diba?"

Napagusapan nanamin yon kagabi sasama sila e pumayag na si daddy na isama ko sila lahat kami pupunta ng mansyon ayukong may maiwan saamin ayuko.

"Anak kapag ka sumama pa kami dadagdag pa kami sa bububayin ni Lucas wag kang mag alala Uuwi na kami ng probinsya mag hahanap narin ako ng trabaho ron..yong mga gamit mo inayos ko na at---"

"Nay ayuko"

Tumayo sya upang kunin ang mga gamit Kong inayos nya na tumayo rin ako at niyakap sya bigla habang nakatalikud pa sya saakin.Tumulo bigla ang aking mga luha dahil sa nalaman ko akala ko ba ay sasama sila saakin hindi KO pwedeng pabayaan ang mga kapatid ko.

"Anak kailangan mong sumama nang saganon umayos na yong buhay mo wag ka saakin mahihirapan ka lang..wag kang mag alala sinabihan ko na si Lucas tungkol sayo anak mapapagaling ka nya kaya sige na sumama kana"

"Nay sasama po kayo"

Hinigpitan ko pa ang pagyakap ko sa kanya dahil ayukong malayo sa kanila napamahal narin sila saakin ayukong umalis sila malalayo sila saakin ayukong mangyari yon malulungkot lang ako.

"Anak ano ba hindi mo ba ako naiinti dihan!?umalis kana ayuko nang alagaan ka kaya mag bihis kana dahil maya maya lang ay kukunin kana nila wag ka ng magmatigas pabigat ka lang saakin!"

Bigla akong nanghina sa sinabi ni nanay at tinulak ako papalayo sa kanya Alam Kong sinasabi nya lang yon para iwan ko na sya.Umupo ulit sya sa Kama at doon humagulgul sa pag iyak niyakap ko sya ulit dahil ngayon palang ay ayuko nang mapalayo sa kanya.

"Nay ayuko nay sabi nyo diba sasama ka nangako ka"

"anak w-wag ka ng makulit para rin to sa sarili mo doon mas maaalagaan ka nila ng maayos ibibigay nila lahat ng mga kailangan mo kaya iwan mo na kami"

"Ayuko"

"Sige na andyan na sila"

Kinabahan ako bigla sa sinabi ni nanay.May mga pumasok sa bahay at sina Ate Sunny yon at si Dad tumayo si nanay at sinalubong sila pero hindi parin ako gumagalaw sa kinatatayoan ko.

Memories of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon