Chapter 67

13 4 0
                                    

Zacklen's PoV

Bigla akong nanghina sa mga narinig ko.Ano yong pinag sasabi nya?hindi ko naiintindihan.Pakiramdam ko may Mali talaga e.

"Pinili kong tumahimk Yuki.Pinili kong mag paraya dahil alam kong wala na akong karapatan pa kay Zack.Ilang taon...ilang taon ko syang hinintay pero sa kabila ng paghihintya kong yon hindi parin pala sya mababalik saakin dahil nandyan kana Yuki!"

"What are you talking about!?"

Seryosong tanong ni Gab sa kanya at tumayo ito.Hinarap nya kaming lahat at humagulgul ulit sa iyak.Ngayon ko lang sya nakitang umiyak ng husto sa harapan naming lahat at nasasaktan ako ng di ko alam.Bakit ba sya umiiyak?bakit ako nasasakta!?shit.

"Lahat ng mga sinasabi mo saakin Yuki tiniis ko,lahat ng yon tiniis ko dahil hindi ko gustong masaktan ang taong mahal nya"

Sabi nya sabay turo saakin.

"Nong mga panahong may sakit lahat ginawa ko gumaling kalang,humanap ako ng magaling na doctor na doctor dahil alam ko don lang sasaya si Zack,nong nawala ka subrang nasaktan si Zack kasi wala ka.kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan para gumaling kalang at nong nagtagumpay ang mga doctor na pagalingin ka masaya na ako na nakikita kong masaya si Zack dahil ikaw lang naman ang kasiyahan nya.Lahat ginawa ko para sayo hindi lang para kay Zack kundi dahil kaibigan kita at pinanindigan ko yon dahil nga akala ko mag kakaibigan tayo dito.Pero pinakita mo saakin na hindi lahat ng tao susuklian ka sa mga ginawa mo sa kanya,hindi ako nagmamayabang kundi sinasabi ko lang ang totoo.Oo hindi mo hiniling na gawin ko to,nagkusa ako dahil kaibigan kita,dahil importanti ka saakin pero sa mga ginawa mo sinasaktan mo lang ako Yuki"

"I-kaw yong--"

"Oo Yuki,lahat ako yon"

Mangiyak-ngiyak nitong sabi.

"Ano ba talagang nangyayari Zav pwede ba sabihin mo na ang lahat please"

Rinig kong sabi ni Althea.

"Araw-araw na nakikita ko kayong magkasama naiinggit ako Zack,naiinggit ako kong papaano mo sya alalayan sa ulan,kong papaano mo sya ipag tanggol sa iba habang ako nanunuod lang at hinayaan mong mabasa sa ulan at muntik pang magkasakit...tiniis ko lahat Zack,tiniis ko yong mga masasakit na salita mula sayo,yong mga pananakit mo saakin lahat ng yon tiniis ko dahil ayukong masaktan ka,ayuko nang makialam pa sayo pero sa tuwing nakikita ko kayong dalawa nasasaktan rin ako...Zack please naman nakikiusap ako labanan mo yong Amnesia mo please lumaban ka!"

Lumuhod sya sa harap ko dahilan para manghina ako sa narinig ko at hindi ko namamalayan na tumutulo narin pala ang mga luha ko.

"A-Amnesia?"

Takang tanong ni Sondrie.

"Tol...sorry dahil ngayon mo lang nalaman ang lahat"

Sabi ni Mark saakin at kitang-kita ko yong mga luhang pumapatak sa mga Mata nya.ako?may amnesia?p-pano nang yari to?bakit hindi ko alam?bakit hindi nila sinabi saakin?bwesit bakit!?.

"Tol Sana naman alalahanin mo kami"

Nagulat naman ako nong magsalita si Ate Sunny na ikinagulat rin nila.

"A-Ate Sunny alam mo rin to?"

Tanong ni Yuki sa kanya pero hindi ito sumagot at humagulgul lang sa iyak.

"Bago nyo pa naging kaibigan si Zack,Kami yong Una nyang naging kaibigan!"

Napalingon naman ako doon sa nag salita,Si Brix?.

Memories of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon