CHAPTER 14

412 9 2
                                    

Venice's POV:


" BLAKE! " napasigaw ako dahil sa tuwa nang makita ko siya, ilang araw din kasi siyang hindi pumasok kaya tuwang tuwa talaga ako, kumaway ako sa kanya nang lingunin niya ako at ganoon din naman ang ginawa niya bago ako talikuran para maglakad ulit kaya hinabol ko siya



" Blake! Sandali! " binilisan ko ang pagtakbo ko para mahabol siya " Bakit hindi mo ako pinapansin? " tanong ko sa kanya nang mahabol ko siya


" Huh? Ano kasi eh, ahm may gagawin pa ako " sagot niya ulit, hinawakan ko ang braso niya para mapigilan ko siya ulit dahil nagtangka ulit siyang talikuran ako " Okay ka lang ba? " para kasing hindi siya yung Blake na nakilala ko






Nginitian niya ako " Oo naman! May gagawin lang talaga ako, mauna na ako sa iyo ah " tapos naglakad na siya paalis kaya hindi ko na hinabol







Ang weird niya! Kainis






" Ang aga aga nakabusangot ka dyan " tinignan ko si Gavin, mukha talaga siyang kabute na basta nalang susulpot




" Ang weird kasi ni Blake ngayon " hindi naman siya ganoon dati, may nangyari kaya?



" Baka wala sa mood? Wag mo na problemahin yon " tinitigan ko lang siya " sige ako na lang ang kakausap sa kanya mamaya para matahimik ka na dyan "



" Sabi mo yan ah! " tumango siya " balitaan mo ako agad! Sige mauna na ako may klase pa ako " tinapik ko ang balikat niya bago umalis para pumunta na sa room








****



Pagkalabas ko ay nakita ko si Eithan na nakasandal sa tapat ng room ko kaya nginitian ko siya bago ako lumapit




" Galit ka pa rin ba? " tanong ko agad sa kanya pero tumingin lang siya sa akin at tinaasan ako ng isang kilay




" Bakit naman ako magagalit sayo? " tanong din niya pabalik


" Yung sa game eh diba hindi ako nakapanood tapos hindi ko pa sinabi sa iyo kung nasan talaga ako nung araw na iyon " dire-derestyo kong sabi sa kanya



" Wala yon, kalimutan mo na iyon, tara na kumain tayo " maglalakad na sana siya pero agad kong hinawakan yung braso niya para pigilan kaya nilingon naman niya ako agad dahil doon




" Magaling ka na ba? I mean yung sa paa mo? " sabi ko habang tinuturo ko pa yung paa niya




" Hayaan mo na yun, sanay naman na ako " tinitigan ko lang siya tapos nagsimula na siyang mag lakad at nang napansin niyang hindi pa ako sumusunod sa kanya ay binalikan niya ako tapos hinila paalis




" Nakita ko si Blake kanina " sabi niya




" Ano? Pinansin ka ba? " tanong ko sa kanya






Umiling siya " nilagpasan lang ako eh " ano ba kasi talaga ang nangyayari doon sa lalaking iyon?



" Ven! " nahinto kami sa paglalakad para lingunin kung sino iyon


" Tss " nakita ko pang napairap nalang si Eithan, ewan ko kung bakit





" Nakausap mo ba? " tanong ko agaf kay Gavin




THE ONE THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon