CHAPTER 17

366 8 2
                                    

A/N: Stay at home! Stay safe!

Venice's POV:

Naging okay na kami Blake simula nnag matapos yung pag uusap namin pero syempre hindi padin maiiwasan na maging akward

Nndito na kami sa canteen at inaantay si Eithan dahil sabay-sabay kaming kumakain kapag breaktime

" Hi " napatingin kami kay Gavin na bigla nalang umupo sa tabi ni Blake at mukhang pati siya ay nalilito kung bakit naupo bigla si Gavin doon, ngayon lang kasi siya ulit sumabay sa amin dahil lagi niyang kasama yung suplado niyang kaibigan

" Sorry nahuli ako " sakto din namang dumating si Eithan at napatingin pa kay Gavin bago maupo sa tabi

Bumili na kami nang pagkain, sinasabi ko nga kay Eithan na huwag na muna niya akong ilibre dahil halos araw-araw na niya akong nililibre kaya ako muna ang manlilibre sa kanya kaso ang sabi niya siya daw ang lalaki kaya siya daw dapat ang nagbabayad at hindi babae


Ang dami pang hanash! Minsan na nga lang ako manlibre tatanggi pa siya

" Idagdag mo nalang yan sa ipon mo " sabi niya pa sa akin nang makita niya akong nakabusangot

" Grabe ang tagal na pala nating hindi sabay kumain " sabi ni Gavin kaya napalingon kami sa kanya, tinitigan pa muna siya ni Blake bago sumagot

" Bakit kasalanan ba namin kung nag hanap ka nang bagong kaibigan? " sarkastikong sabi ni Blake sa kanya, kahit kailan talaga itong lalaking ito



Pasmado bibig

" Wala namang nag bago dun ah, kaibigan ko pa din naman kayo " sabi ulit ni Gavin

" Maraming nag bago " sagot ulit ni Blake kaya napatigil sa pagsubo si Gavin para tignan si Blake

" Teka ayaw niyo ba akong makasabay? " biglang tanong niya sa amin

" Hindi ganon iyon. Kumain nalang tayo " ako na ang sumagot baka kasi mamaya kung ano nanaman ang masabi ni Blake, palihim ko pa siyang sinipa sa ilalim nang lamesa kaya napatingin siya sa akin kaya tinignan ko siya nang masama


Naging tahimik ulit kami pagkatapos noon, sinulyapan ko pa si Eithan na busy kumain, nakakapanibago lang kasi na tahimik siya ngayon pero kapag kaming tatlo lang naman nila Blake ang nandito ay madaldal siya kaya walang katapusan yung pag-uusap nila ni Blake. May problema kaya siya?

Tinapik ko siya " Ang tahimik mo ata ngayon? " tanong ko sa kanya, ngumiti siya sa akin

" Wala naman akong sasabihin " huh? Ano daw?

Hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy ko nalang din ang pagkain


" Ano mag tititigan nalang ba tayo dito? " tanong ko agad sa kanila matapos naming kumain tapos wala pa ding nag sasalita


" Huh? Si Eithan baka may kwento " sagot ni Blake kaya nahinto si Eithan sa ginagawa




" Wala akong kwento "



" Oh? Bakit kapag tayo lang ang magkakasama ang dami mong kinukwento? Bat ngayong– ay sorry haha sabi ko nga tatahimik na eh " nag peace sign pa sa amin si Blake bago yumuko



" Makaalis na nga, salamat nalang dahil nakasabay ko kayo ngayon " tumayo na si Gavin tapos umalis na siya nang tuluyan




" Pa victim ahmp! Tinamaan nang ligaw na bala " sabi pa ni Blake



THE ONE THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon